"So, kailan ang kasal?" ani Julie, isa sa katrabaho ko at katabi ko rin sa work station. "Nakapagplano na kami ni Brandon na sa susunod na buwan na gaganapin." Nakangiti ako habang abala ang sarili sa harapan ng computer. Hindi maipagkakaila ang kasiyahan ko dahil sa katotohanang ikakasal na nga ako next month. Excited na ako, hindi na ako makapaghintay. Like, ano kaya ang feeling habang suot-suot ang dream wedding gown mo? Iyong naglalakad ka sa mahabang aisle at naghihintay sa altar ang lalaking pakakasalan mo— ang lalaking pinili mong mahalin habambuhay. Isang buwan simula nang makapag-propose sa akin si Brandon, pero hanggang ngayon ay parang bago pa iyon sa isipan ko. Sa tuwing naiisip ko ang gabing iyon ay parang kahapon lang nangyari at kinikilig pa rin ako. Ang saya-saya. Act

