WALANG MAPAGSIDLAN ang tuwang naramdaman ko nang dumating si Zachary. Hindi ako nagkamali, kinailangan niya lamang ng panahon para makapag-isip-isip. Parang ang lahat ng sama ng loob, sakit ng ulo at katawan nang dahil sa aking trangkaso ay napawi nang makita ko siyang ngumiti. Ganoon pa man, hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Humakbang siya palapit sa akin at uupo sana sa aking tabi pero pinigilan ko siya. “Doon ka na lang maupo sa couch,” wika ko. “H’wag ka munang lumapit sa akin, baka mahawa kita.” Hindi siya nakinig, bagkus ay itinuloy ang kaniyang pag-upo sa aking tabi. Halos isang minuto rin yata siyang natahimik, habang ako ay naghihintay sa kaniyang salitang babanggitin. Nakatanaw lang siya sa may terasa na para bang ang layo-layo ng iniisip. Hindi na lang ako nag-abalang

