NAGSISIMULA NANG lumalim ang gabi. Nakabibingi ang katahimikang pinaghaharian ng ingay ng mga kuliglig. Tahimik lamang akong nakahiga sa papag habang naghihintay. Alam kong nandiyan lamang sila at naghihintay lang ng pagkakataon. Buo man ang aking loob sa ginawa kong pagpapasya, hindi ko maiwasang malungkot at maalala sila. Ayaw ko namang iwanan silang malungkot, subalit kailangan nang matapos ang kabanatang ito ng buhay namin dahil deserve nila ang happy ending, kahit hindi man nila ako kasama. Kung hindi ko ito gagawin, walang katapusan ang panganib sa sangkatauhan. Ayaw ko rin namang maging parte ng kasamaang iyon kaya kailangan nang putulin. Kung magtatagumpay ako, bukas ay sisikat ang isang maganda at panibagong umaga. Isang bagong simula na wala nang katatakutan pa. Sinisikap kong p

