MULA NANG makilala ko siya, ngayon ko lamang siya nakitang umiyak. Halos madurog ang aking puso sa kaniyang mga hikbi. Hindi ko akalaing ganoon kasakit para sa kaniya ang aking pagkawala. Halos ayaw niya akong bitiwan at sobrang higpit ng mga yakap niya. Ngayon ko higit na napatunayan ang kaniyang pagmamahal sa akin. Hindi ako nagkamali sa kaniya. “Akala ko hindi na kita makikita,” wika ni Zachary sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. “Kung alam ko lang, hindi na sana ako humiwalay sa kanila kanina sa simbahan.” “It’s okay. Ang importante nandito na ako, hindi ba?” Sinabi ko sa kaniya ang bilin ni Jamaika sa akin at nauunawaan niya raw ito. Hindi man siya nagkaroon ng pagkakataong muli itong makita ay hangad niyang makasumpong ito ng isang magandang kapalaran na tutulong dito upang makaban

