PAGTATAKA, TAKOT at sama ng loob. Iyan ang nakita ko sa mga mata ni Mirasol habang nakikipaglaban kami sa angkan ni Darius. Alam kong maraming tanong sa kaniyang isip na kailangan ko nang sagutin at hindi ko na maiiwasan pa. Sa tingin ko naman ay naging matapang na siya ngayon at anuman ang ipagtapat ko ay hindi na siya gaanong maaapektuhan katulad ng mga nauna nang sinapit niya. Noon, gusto ko na lang sanang manatiling lihim ang lahat hanggang sa matapos ko ang misyon kong patayin si Darius pero malakas sila at marami habang nag-iisa ako kaya kinailangan ko ng tulong ni Symon at ng mga kaibigan nila. Wala akong balak na magpakita noon kay Symon kung hindi niya lang ako muntikang mahuli. Nagdalawang-isip man ay nagpakita na lamang ako sa kaniya upang bigyan siya ng babala at pagtuunan niy

