KUNG DATI ay hindi ako maka-move on sa mga nakikita at nararamdaman ko, ngayon hindi ako maka-move on dahil sa kaaalala sa mga sinabi ng nilalang na iyon. Bakit nga ba niya nasasabing binabawi niya lang ang dapat ay sa kaniya? Hindi naman ako isang bagay na ninakaw sa kanila para bawiin. At paanong maging sa kanila ako, samantalang hindi naman kami magkatulad. Tahimik lamang kaming nagbabasa ng libro ni Lizbeth sa garden ng aming bahay. Maaliwalas ang panahon at masarap damhin ang ihip ng hangin. Pansin ko ang maya’t mayang paglinga-linga ni Lizbeth sa paligid. Alam kong natatakot siya at nauunawaan ko siya. Isa siya sa mga pinakaayaw kong madamay sa panganib na kakambal ko, pero hindi ko naman siya magawang ipagtulakan papalayo sa akin. Sana lamang ay hindi siya mapahamak at magawa kong

