The Beast

2171 Words

NAGISING NA lang ako isang umaga na duguan ako. Nasundan pa iyon ng ilang beses, ngunit wala akong sinumang pinagsabihan tungkol doon. Mabuti na lamang at nauuna akong magising kay Lizbeth kaya nalilinisan ko na ang katawan ko bago niya pa man ako makita. Nililinisan ko rin ang door knob na mayroong bahid ng dugo. Binalot ako ng takot. Sa pagkakaalala ko ay minsan na nila akong nakita na naglalakad ng tulog. Ibig sabihin kaya niyon ay sa tuwing ganito ang kagigisnan ko kinaumagahan ay naglakad ako ng tulog nang gabi. Bakit duguan ako? Dugo kaya iyon ng hayop o tao? Saan ako nagtutungo? Samantala, napansin ko naman sa balita sa diyaryo at telebisyon na patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga nagiging biktima ng mga nilalang na iyon. Mayroon namang nakakatakot na ideyang pumapasok s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD