KAKAIBA ANG ihip ng hangin. Para bang may kakaiba sa paligid mula nang sumikat ang araw, maging ang liwanag nito. Para bang may kung anong gustong ipahiwatig sa mga tao. Tila napakatamlay nito. Hindi nagtagal ay nagdilim ang kalangitan at nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko naiwasang malungkot, dala na rin siguro ng impluwensiya ng panahon. Naalala ko si Ate Koreen. Kumusta na kaya siya? Isang linggo na rin ang nakalipas nang huli ko siyang makita. Sana isa sa mga araw na darating ay magpakita siya para ipagtapat ang kaniyang tunay na pagkatao at hindi na umalis pa. Alam ko naman na tatanggapin siya ni kuya. Sabik na sabik na akong dumating ang araw na magkatabi kaming matutulog, iyong mayayakap ko siya hanggang gusto ko, at higit sa lahat ay marinig ang kaniyang mga kuwent

