NAGULAT ANG lahat sa naging reaksyon ni Fairah nang makita ang bagong bihag na si Alvin. Nalantad na sa lahat ang matinding pagtutol ng kaniyang puso. Narinig ko silang nagtatalo ni Darius. “Akala ko ba hindi na natin pakikialaman ang mga tao kapag nasa kamay mo na si Anya?” mariing untag niya ritong puno ng pagkadismaya. “Wala ka talagang isang salita!” “Sino ka ba para pakialaman ako?” sumbat naman ni Darius. Walang utang na loob sa diwatang hindi nga siya mahal pero nagtiyaga sa kaniya dahil umaasa itong magbabago siya. Naulinigan ko na lamang ang mga iyak ni Fairah. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Kahit siya ay karapatdapat lamang na makalaya sa lugar na ito. Kahit nga kaya niya namang umalis anumang oras ay hindi niya pa rin iniwan si Darius dahil sa takot na madamay ang kaniyang

