Nagulat si Deanna nang bigla niyang makita ang kanilang pictures na nasa bulletin board ng school. Naroon ang litrato nang bigla siyang niyakap ni Amaury sa tabi ng dagat. Lahat ng pag-uusap nilang apat ay naroon. Bakit kailangang i-post pa nila ang mga pictures na ito? "Ehem! Explain mo nga sa 'min ang yakapang naganap na 'yan," bulalas ni Kendra. "Acting lang 'yan, 'no! May activity kasing pinagawa sa 'min na kailangang yakapin namin ang bawat isa kaya wala namang malisya 'yan," pahayag niya. "Oo na, naniniwala naman kami sa sinasabi mo dahil peer counseling ang pinuntahan ninyo pero tiyak na umuusok na naman sa galit si Claire dahil kayong dalawa ni Amaury ang magka-tandem," wika ni Pamela. "Hayaan ninyo na siya, ang importante ay wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko nama

