"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Huwag mo nang uulitin iyon sa susunod. Puwede ka namang mag-aral lumangoy sa mababaw lang ang tubig, e, hindi sa parteng malalim," seryosong pakli sa kaniya ni Claude. "I'm sorry, Claude. Hindi na mauulit pa iyon pero sana huwag kang magalit sa kapatid mo. Wala naman siyang kasalanan, e. Nakita ko pa siyang papalapit sa 'kin pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari kaya tiyak na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakalimutan ang nakaraang nangyari. Kahit hindi ninyo man ikuwento ang nangyari ng buong detalye ay naiintindihan ko ang lahat. Naroon ang kapatid nang time na nalunod ang mga magulang mo sa dagat kaya sigurado ako na naalala niya iyon nang ililigtas niya sana ako," pahayag niya. Ayaw niyang mas lalo pang magkagalit ang magkapatid nang dahil sa

