29

1132 Words

"Girls, ang lawak ng paligid at ang laki ng mansion. Ang suwerte talaga ni Deanna, grabe!" Habang naglalakad ang tatlo ay iniikot nila ang kanilang paningin sa paligid. "Oo nga, Suzy. Nakakainggit siya, ano? Tapos kasama niya paiyong guwapong nilalang sa Earth. Dito na lang kaya tayo tumira," bulalas ni Pamela. "Loko ka talaga. Ano ang akala mo sa kanila, orphanage?" pakli ni Kendra. "Sumunod po kayong tatlong sa 'kin dahil pupunta tayo sa kuwarto ni Señorita," wika ng maid. Nagkatinginan naman silang tatlo. "Señorita, narito po ang mga kaibigan ninyo," pakli ng maid habang kumakatok ng pinto. "Papasukin n'yo na po, salamat," tugon ng dalaga. "Pasok na po kayo sa loob," utos ng maid. Pagkatapos ay tumalikod na ito. "Hi, Deanna! Kumusta ka na?" bungad ni Pamela na nakangiti. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD