7

1016 Words
Ano bang magandang gawin dito? Nakakainis naman kasi ang unggoy na iyon, embes na nasa labas ako, e! Sabagay, ngayon lang naman ito dahil wala pa akong pasok sa school. Paano kaya sila nabubuhay ng ganito? Halos kompleto na ang lahat sa kanila na— maraming pera, maraming sasakyan, nakatira sa mansion, iyong tipong kahit mamatay ka na dahil parang wala nang thrill ang buhay mo. Ano pa kaya ang nagiging problema ng mayayaman? Kung ano-ano ang naiisip niya habang nakahiga sa kaniyang kama at iniikot ang paningin sa loob ng kuwarto. Nakatulog siya dahil sa kaiisip ng mga bagay na hindi naman niya dapat isipin. Nang sumapit na ang alas singko ng hapon ay saka siya nagising. Bumangon siya upang lumabas ng kaniyang kuwarto. Nagugutom ako. Hindi kaya nakakahiyang pumunta ng kusina? Pero hindi na uso ang hiya-hiya ngayon, kapag pahiya-hiya ka, tiyak na magugutom ka. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kusina. Mabuti na lang at wala roon ang dalawang apo ni Doña Estrella. Naabutan niya roon ang dalawang katulong. "Señorita, mabuti naman nagising ka na kasi kanina pa akong katok nang katok sa kuwarto ninyo, eh. Dadalhan sana kita ng merienda roon," bungad ng katulong. "Ay, pasensiya na po kayo, nakatulog po kasi ako kanina. Bumaba nga po ako ngayon kasi nakaramdam po ako ng gutom," pakli niya. "Sabi ko na nga ba, mukhang mahimbing ang tulog mo. Maupo ka na riyan, Señorita dahil ipaghahanda kita ng merienda," wika nito. "Naku, ako na lang po ang kukuha, nakakahiya naman po sa inyo, eh," tanggi niya. "Hindi po puwede kasi mapapagalitan po kami, trabaho po namin ang asikasuhin ka," giit nito sa kaniya. "Ah, sige po." Pumayag na lamang siya kahit nahihiya siya rito. "Masasarap po itong niluto ni Chef, kaya tiyak na magugustuhan mo ito, Señorita," pakli ng katulong habang dala ang pagkaing nasa plato. "Oo nga po, mukha talagang masasarap," wika niya. Kakaiba ang mga pagkaing inihanda sa kaniya. Ibang-iba iyon sa nakasanayan niyang kainin tuwing merienda. Nang nasa probinsya siya ay sapat na ang tubig at kamote para sa kaniyang merienda. "Oo, Señorita. Kumain lang po kayo ng kumain. Sige, maiwan muna kita," paalam ng katulong. "Eh, kayo po? Hindi kayo kakain?" tanong niya rito. "Hindi po, Señorita, katatapos din lang naming mag-merienda," tanggi nito. "Ah, sige po," pakli niya. Tumalikod na ang katulong kaya mag-isa na lamang siyang naiwan doon. Sarap na sarap siya sa mga pagkaing ihinain kaya sunod-sunod ang subo niya. Muntik na niyang maibuga ang pagkaing nasa bunganga niya nang biglang may sumulpot at tumikhim sa harap niya. Walang iba kung hindi si Claude. Nginitian pa siya nito ng nakakaloko. "Nakakainis ka talaga!" bungad niya sa binata. "O, bakit? Ano bang kasalanan ko sa 'yo?" seryosong tanong nito sa kaniya. "Eh, nagulat ako sa iyo! Bigla ka na lang sumusulpot," sagot niya. Nginisihan lamang siya nito. Kumuha ito ng wine at inilapag sa mesa. Umupo ito sa may harap niya. Seryoso? Instead of food, alak ang merienda niya? Ang weird o sadyang lasinggero lang siya. "Why are you looking at me like that? You want some?" tanong nito sa kaniya kaya napangiwi siya. Umiling-iling siya, "Wala ka na bang magawa sa buhay mo? Sigurado kang 'yan talaga ang merienda mo?" "Yeah," pakli nito. "Hindi ka ba napapagalitan ni Grandma dahil diyan sa ginagawa mo?" "Nope. Hindi niya alam, eh," tugon nito. "Ah, kaya naman sinasamantala mo habang hindi niya alam ang ginagawa mong 'yan." "Hindi naman pagsasamantala ang ginagawa ko, eh. Gusto ko lang talaga makalimot at maging masaya," pahayag nito. "Kailan pa naging solusyon ang alak sa paglimot at pagiging masaya?" "Sa bawat pag-inom ko ng alak," sagot nito. "Uminom ka na nga lang diyan. Ginugulo mo ang utak ko sa mga sagot mo, eh." "'Wag ka na kasing magtanong sa 'kin dahil hindi mo maiintindihan ang lahat," sabi nito. "Ang labo mo kasi ng mga sagot mo, kaya paano ko maiintindihan? Siya nga pala, nasaan ang parents ninyo?" Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita, "Wala na sila." "Ay, pasensiya na, ha? Pero ano bang nangyari?" "Hindi mo na kailangang alamin pa," tugon nito. Kaloka. Ano bang meron? "Okay." Hindi niya na lang kinulit ito dahil baka may malalim na dahilan kung bakit ayaw sa kaniya nitong ikuwento. "Malapit lang ba rito 'yong school na pinapasukan ninyo?" "Hmm. Medyo malayo rin, bakit mo natanong?" "So, never pa kayong naglakad papunta roon?" "Naka-motorcycle ako kapag pumupunta ng school," sagot nito. "Ahh, magkasama kayo ng kapatid mo?" "Nope. May motorcycle rin siya. Bakit? Problemado ka ba kung paano ka papasok ng school?" "Ah, eh, hindi naman." "Don't you worry, sumabay ka na lang sa 'kin," wika nito. Kinindatan pa siya nito kaya napangiwi na lamang siya. "'Wag na lang. Hindi bale na. Maglalakad na lang ako," tanggi niya. Wala talaga kasi siyang tiwala sa lalaking ito. "Bahala ka." Nagpatuloy pa ito sa pagtungga ng wine, "Pero tiyak na ihahatid ka naman ng driver kaya 'wag ka nang mag-alala." "Hindi naman ako nag-aalala, eh. Sa probinsya nga, ang layo pa ng nilalakad ko para lang makarating sa school. Ang aga ko pang gumigising noon para lang hindi ma-late," kuwento niya. "Gano'n? Sige, sabihan ko si Grandma na maglalakad ka na lang papunta at pabalik galing school," wika nito. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Loko rin talaga ang lalaking ito. Paano na lang kung malayo nga rito sa mansion ang university? Tiyak na daig ko pa ang asong nakalabas ang dila pagdating ko doon sa school. "Seryoso ka na niyan? Bakit pa ako maglalakad kung may maghahatid lang naman sa 'kin gamit ang sasakyan?" Ngumisi ito. "Binibiro lang naman kita, siyempre, hindi naman makapapayag si Grandma na magpagod kang maglakad papuntang school," bawi nito sa sinabi. "Hmm, alam ko naman iyon, eh. Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong buhay?" biglang naitanong niya. "Sanay na ako. Bakit mo natanong?" "Pakiramdam ko kasi walang thrill ang buhay ninyo rito. Wala na kayong poproblemahin sa araw-araw, tulad ng pagkain at lalong-lalo na ang pera," bahagi niya. "'Yan lang ang akala mo. May mga bagay na mapapagtanto mo kapag tumagal ka na rito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD