6

1318 Words
Ano na lang kaya ang gagawin ko rito ngayon? Tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa  labas mula sa bintana ng kaniyang kuwarto. Sa totoo ay na-bo-bored talaga siyang sobra, hindi tulad sa Bicol na pagkagising niya pa lang sa umaga ay marami na siyang ginagawa. Manonood ng tv? Maglalaro ng games sa cellphone? Nakakabagot na 'yon! Gusto kong magtanim tulad noong nasa Bicol ako tapos mag-harvest ng mga bunga ng pananim namin nina Lola Delilah. Pero malabo nang mangyari iyon dahil wala na si Lola, wala na akong ibang babalikan sa Bicol kung hindi tanging alaala na lamang noong nabubuhay pa siya pati na rin si Lolo. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto upang tumungo sa labas para magpahangin. Nakita niya ang hardinero na abala sa pagti-trim ng mga halaman. "Magandang araw po!" bati niya rito. Napalingon ito sa gawi niya at nginitian siya, "Magandang araw din po, Señorita Janna." Napangiti siya sa sinabi nito. "De-ya-na po, hindi Jana," pakli niya habang nakangiti pa rin. "Ay, pasensiya na po Señorita De...Deanna, mali ako ng rinig noong pinakilala ka sa 'min ni Doña Estrella," paumanhin nito. "Naku, ayos lang po iyon. Siya nga po pala, matagal na po ba kayo ritong nagtatrabaho?" Tumango ito sa kaniya, "Opo, Señorita. Siguro ay magsasampung taon na rin po ako rito sa mansion." "Ang tagal ninyo na po pala rito," tugon niya. "Opo, Señorita. Mababait lang naman po kasi ang pamilyang Ashford kaya talagang tumagal ako rito," pakli nito. "Hmm. Halata naman po eh, maliban sa dalawang apo ni Grandma," sabi niya sa mahinang boses. "Gano'n po talaga ang magkapatid na iyon kaya 'wag na kayong magtaka," sang-ayon nito. "Sarap nga po pag-untugi— tulungan ko na po kayo, ako na lang po ang magwawalis ng mga dumi," sabi niya nang magwawalis na sana ito. "Naku, Señorita, huwag na po. Kayang-kaya ko na po ito, saka trabaho ko po ito, e," tanggi nito sa kaniya. "Ayos lang naman po sa 'kin, e. Nami-miss ko na nga rin po kaagad ang ginagawa ko sa Bicol— nagtatanim, nagha-harvest ng mga bunga ng pananim namin ng lola ko kaso hindi na iyon mauulit pa," kuwento niya habang hawak ang walis tingting. "Bakit naman po Señorita?" "Patay na po ang lola ko pati na rin ang lolo ko. Wala na akong babalikan pa roon maliban na lamang sa mga alaalang naiwan nila ng lolo ko noong nabubuhay pa sila," malungkot na sabi niya. "Pasensiya na po pero nangyayari po talaga ang ganiyan, Señorita. Mabuti na nga pong narito kayo para naman kahit papaano ay hindi po kayo lamunin ng sobrang lungkot doon," pahayag nito. "Oo nga po pero sobrang laki po ng pagbabago ng lahat. Hindi po ako sanay sa ganitong buhay. Mahirap lamang po ako, kung bakit ba naman kasi ibinilin ako ng yumaong lola ko sa kaibigan niyang si Doña Estrella," kuwento niya. "Masasanay ka rin po niyan, Señorita. Wala na rin naman po kayong magagawa kasi talagang hindi ninyo na po maibabalik ang nakaraan. Harapin ninyo na lamang po ang panibagong yugto ng iyong buhay," muling pahayag nito. "Opo, sana nga po ay maka-adjust ako kaagad. Maiba po tayo ng usapan, nasaan po ba ang mga magulang ng dalawang apo ni Grandma?" takang tanong niya. "You don't need to know everything," bulalas ng isang lalaking nasa likuran niya. Bigla siyang napalingon at tumambad sa kaniya ang seryosong mukha ni Amaury. Kinabahan siyang bigla sa nangyari. Hindi na lamang siya umimik. Tss, ano ba kasing mayroon? Nagtanong lang naman ako, e. Nakakainis naman! "You're also a bother to the people who work here, kaya mabuti nang 'wag ka na lang makialam," supladong pakli nito. Pakiramdam niya ay uminit ang magkabilang pisngi niya dahil sa sinabi nito sa kaniya. "Manong, alis na po ako. Pasensiya na po sa istorbo," paalam niya. Tinalikuran niya ang hardinero at si Amaury. Habang inis na naglalakad siya papasok ng mansion ay nakasalubong niya naman ang isang pang kinaiinisan niyang si Claude. "Hi, Deanna! How's your day?" bungad nito sa kaniya habang pangiti-ngiti pa ito. "Isa ka pa! Walang maganda sa araw ko kaya manahimik ka na lang," tugon niya rito. Inirapan niya pa ito bago siya tumalikod pabalik ng kaniyang kuwarto. Bwesit talaga! Kasalanan ito ni Lola Delilah, e! Tahimik sana ang buhay ko ngayon sa probinsya kung hindi niya ang ibinilin dito sa kaniyang kaibigan. Pagpasok niya ng kaniyang kuwarto ay malakas niyang isinara ang pinto. Wala siyang pakialam kung may makarinig man sa ginawa niya. Kung pwede lang talagang bumalik na ako sa probinsya pero hindi puwede, eh. Kailangang-kailangan ko rin talaga ang tulong ng kaibigan ni Lola Delilah para makapagtapos ako ng pag-aaral. Tiis lang talaga muna ang kailangan kong gawin. Kapag nakapagtapos na ako ay saka ako aalis rito para maghanap ng stable job tapos susuklian ko na lang ang lahat ng tinulong sa 'kin ni Doña Estrella. For the time being, I don't have a choice kung hindi ang pakisamahan na lang ang dalawang unggoy niyang apo. Napabalikwas naman siya nang may kumatok sa pinto. Sino na naman kaya ito? Sana hindi isa sa mga unggoy. Pinagbuksan niya kaagad ng pinto ang kumatok. Bumungad sa kaniya ang isang magandang babae. "Magandang araw, Señorita! Ako nga pala ang magsusukat sa iyo para sa school uniforms mo," bati nito sa kaniya. Napatulala siyang saglit dahil sa pag-aakalang babae ang kaharap niya, isa pala iyong bakla. "Ah, magandang araw din po. Tuloy po kayo," tugon niya. "Mamaya ipapadala ko kaagad dito kapag natahi ko na," sambit nito habang sinusukat anh bust niya. "Sige po," maikling tugon niya. "Tumayo ka ng tuwid. 'Yan ganiyan nga. Ang sexy mo pala, grabe. Parang ka-size lang ng katawan mo 'yong mannequins ko," wika nito. "Ewan ko po ba pero talagang hindi po ako tumataba kahit kain ako nang kain," kuwento niya. "Naku, Señorita, mas mabuti na nga ang ganiyan para wala kang poproblemahin. Siya nga pala, ako si Angel, matagal na rin ako rito. Kapag may important events na pinupuntahan sina Doña Estrella at ang dalawa niyang apong suplado, ako ang naghahanda ng mga sinusuot nila, nag-aayos ng buhok, nagmi-make up kay Doña, gano'n. Kaya kung halimbawa dadalo ka sa isang party tapos hindi mo alam kung ano ang susuotin mo at ayos mo, tawagan mo lang ako," kuwento nito. "Ay, gano'n po ba? Iba talaga kapag mayaman, sa 'min kasi kung ano lang ang nandiyang damit, 'yon lang ang gagamitin saka bihira lang magkaroon ng event kasi magastos," bahagi niya. "Eh, mayaman ka na rin naman ngayon Señorita. Lahat ng gusto mo ay makukuha mo na," sabi nito. "Hindi naman po sa 'kin mahalaga ang mga materyal na bagay, kung hindi nga lang po talaga namatay ang lola ko ay talagang mananatili ako roon. At kung ako po ay tatanungin kung saan talaga ang gusto ko, siyempre sa probinsya. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang Bicol, mahirap man ang buhay roon pero masaya," muling kuwento niya. "Oo pero masasanay ka rin niyan, Señorita De— ano nga ulit ang pangalan mo?" "Deanna po," tugon niya. "Ah, Deanna. Sige, tapos na kitang sukatan, aalis na ako? Kailangan ko rin kasing matahi kaagad ito dahil bukas na ang pasok mo ng school," wika nito. "Hala, hindi pa ako naka-enroll sa school," wika niya. Nginitian siya ni Angel, "Hindi mo naman kailangang problemahin 'yan dahil dating Chairman ng school na iyon ang yumaong asawa ni Doña Estrella kaya kasalukuyang siya ang namamahala sa Universidad de Ashford." "Ngayon ko lang po nalaman, hindi ko nga napansin na hango rin pala sa apelyido nilang Ashford ang school na iyon," sambit niya. "Oo, hindi pa lang 'yan, marami ka pang malalaman kapag tumagal ka pa rito. Sige, ha?" paalam nito sa kaniya. Marami pa akong malalaman? Ano pa ba ang dapat kong malaman? May itinatago ba ang pamilyang ito? "Sige po, salamat. Ingat po kayo," pakli niya. Inihatid niya pa ito hanggang sa makalabas ng kaniyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD