bc

Beyond the Door

book_age12+
31
FOLLOW
1K
READ
possessive
mate
witch/wizard
sweet
nerd
vampire
female lead
highschool
supernatural
school
like
intro-logo
Blurb

Angel discovered a mysterious door in the middle of the lane. She went in and realized that beyond the door is a world where witch, elves, werewolves, and... vampires exists.

But, what if the mysterious door vanished? Will she ever find her way out?

... Or will she be trapped there forever?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
s**t! That is the only word that is running inside my panicked mind right now. "Bumalik ka rito! Gago ka!" Agad akong napangiwi nang marinig ko ang pagmumura ng lalaking humahabol sa 'kin. After he touched my a*s?! He deserved it! "Gago!" balik kong sigaw sa kaniya at lumingon sa lalaking humahabol sa 'kin para ngisihan. Kitang-kita sa mukha ng lalaking humahabol sa akin ang inis dahil sa aking ginawa. Tumutulo ang aking masaganang pawis sa noo at ramdam ko rin ang panunuyot ng aking labi. Dahil sa aking panglingon na ginawa ay hindi ko napansin na dead end na pala ang aking nasa harapan. Agad akong napahinto at natatarantang inilibot ang aking paningin sa paligid. Nang may makitang eskinita ay agad akong tumakbo papasok doon. Sa rami ng nilusutan kong eskinita ay napatigil ako at hinihingal na sumandal sa pader. Napahawak ako sa aking tuhod at hinabol ang aking paghinga. Fuck! Daig ko pa ang nakipagfun run! Nakarinig ako ng mabibilis na yapak papalapit sa aking kinakatayuan kaya agad akong tumakbo papalayo. Ayaw talaga ako tigilan! "Nahuli rin kita," saad ng lalaking humahabol sa 'kin nang magkabungguan kami. Sa gulat ay natapilok ako at napaupo sa sahig. Shit! Maling eskinita! Malademonyo ang kaniyang ngisi at kitang-kita ang kaniyang nabubulok na ngipin. Napaaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. "Tutal naman madilim at masikip itong eskinita na 'to, p'wede na kitang parusahan dito," humalakhak ito at ngumiti ng nakakaloko sa 'kin. Binasa pa nito ang ibabang labi at pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Nandidiri akong tumingin sa kaniya at tumayo. Balak kong tumakas sa kaniya nang hilahin niya ang aking pulso. "Tatakas ka? Walang tatakas!" nababaliw nitong saad. Mukhang naka-drugs pa ata 'to! Damn! Dahil sa inis ay tinuhod ko ang kaniyang gitna at tumakbo papalayo. Rinig ko pa ang malalakas niyang daing sa aking ginawa. Kailangan kong tumakas. Kailangan kong tumakas. Kailangan kong tumaka— Napatigil ako sa pagtakbo nang may makita akong kakaibang pinto. As in, kakaiba talaga. Saan ka makakakita ng pinto sa gitna ng eskinita? Agad na kumunot ang aking noo at dahan-dahang lumapit doon. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Bagsak ang aking balikat nang makitang wala namang pinagbago ang loob pagbukas ko. Kita ko lang ang kasunod na eskinita. Parang butas lang. Nataranta ako bigla nang makarinig ako ng mabibilis na hakbang sa aking likod. Dahil doon ay agad akong lumusot sa pinto. Agad akong natigilan pagpasok ko. B-Bakit—Nasaan ako?! "What the..." aking naisual dahil sa pagtataka at gulat. I'm in the middle of a forest... with huge trees and tall grasses! Napalunok ako at umikot para tingnan ang pinto sa aking likod. The door's still here. Lumapit ako roon at pinihit ang sedura. Katulad ng dati, wala lang ito at butas lamang, mga halaman naman ang aking nakikita. Pumasok ako roon at makitang nasa masikip na eskinita na naman ako. What the actual fuck... Sinampal ko ang aking sarili marahil ay nananaginip lamang ako. Napatalon ako sa sakit at nanginginig na umatras para makapasok muli sa pinto. And as I was expecting, the tall trees welcomed me, again. "Baliw na ba ako? Nakadrugs ba ako ng hindi ko alam? Puta?" saad ko sa aking sarili at naglakad palayo sa pinto at inilibot ang aking paningin sa gubat. Ibinalik ko ang aking paningin sa pinto at bumuntong-hininga. I'm not dreaming... f**k. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan na naglakad para maggala. There's so many questions running through my mind right now... what is this place? I've never seen a 'magical door' that'll lead you somewhere... It doesn't exist, right? If it doesn't exist why and what am I doing here? But this forest isn't bad at all, p'wede nang mapagtambayan... Nagsitayuan ang aking balahibo sa batok nang umihip ng malakas ang hangin. Napatigil ako paglalakad nang makarinig ako ng agos ng tubig. Humakbang ako ng kaunti at hinawi ang malaking damo sa daan. Agad na bumakas sa aking mukha ang saya nang makita kong may malaking talon na bumungad sa akin. Tumingala ako at makitang bumabagsak ang masaganang tubig sa taas. "Wow..." aking naiusal at mas lumapit pa sa tubig. Umupo ako para mapantayan ang tubig at yumuko. Malinis at maganda ang tubig. Kitang-kita ko ang aking repleksyon dahil doon. Ibinibaba ko ang aking daliri para abutin ang tubig. Napangiti ako nang malamang maligamgam ang ito kaya't tumayo ako at inilibot ang paningin sa paligid. Nang masiguradong ako lamang ang tao rito ay agad kong hinubad ang aking suot na damit. Tanging sports b*a lang ang natira at ang aking cycling shorts. Inilagay ko ito sa tabing bato at sumulong sa tubig. The water hugged my skin as I jumped into the water. Ah, feels good... Damn. This feels so nostalgic. Hindi ko mapigilang mapapikit at dinamdam ang tubig sa aking katawan. Nagpalutang-lutang ako at huminga nang malalim. Iminulat ko ang aking mga mata at lumapit sa talon. Pumwesto ako sa ilalim ng talon at dinamdam ang tubig na pumapatak sa aking buong katawan. Palayo na sana ako sa talon nang makarinig ako ng mahihinang pag-uusap. Kumunot ang aking noo nang may makita akong dalawang tao na papalapit tabing tubig. A little girl and a guy. Seems like they were looking for something. No—only the little girl is looking for something she's looking at the rocks near the water while the guy was just roaming his eyes around. Hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaking kasama ng bata. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Damn. He looks like a greek god from afar... Umatras ako sa pagitan ng tubig para hindi nila ako tuluyang makita. All I can see is their blurry shadow. Pigil ang aking hininga habang nagtatago sa likod ng tubig. Agad namang nawala ang aking kabang nararamdaman nang makita ang papalayo nilang anino. Balak ko sanang lumabas sa aking pinagtataguan ngunit agad na tumigil ang lalaki kaya napatigil ako sa aking gagawin. Umikot ito paharap dito at mariing tinitigan kung saan ako nagtatago. N-Nakita niya ba ako? s**t! Dahil sa taranta ay lumubog ako sa tubig. Ilang segundo akong nasa ilalim ng tubig. Nang masiguradong wala na sila ay agad akong umahon. Habol-habol ko ang aking hininga at ilang beses na napaubo. Nahihilo akong naglakad paalis sa tubig. Hindi pinapansin ang nararamdamang anino sa aking likod. May pumasok pa atang tubig sa aking ilong... damn. Ilang beses akong napabahing habang kinakamot ang aking ilong. Pinagpag ko ang aking basang suot at nanginginig na niyakap ang aking sarili. Ngayong umahon ako ay ramdam ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa aking buong katawan. Umayos ako ng tayo at lumapit sa pinaglapagan ko ng aking damit. Napakunot ang aking noo nang makitang wala roon ang aking mga damit. Napabalik ang aking paningin sa aking sarili bago sa tabing bato na aking pinaglagyan. W-What the f**k— "Are you looking for this?" Napatigil ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahang lumingon sa pinaggalingan ng malalim na boses. Unang sumalubong sa akin ay ang kulay tsokolate niyang mga mata. Basa ang suot niyang pantalon at mukhang sumulong din siya sa tubig. Teka—siya 'yong lalaking kasama noong bata kanina... "Miss, are you looking for this?" ulit niya habang nakataas ang dalawang kilay. Agad naman akong natauhan at dali-daling kinuha ang aking damit mula sa kaniyang kamay. Matiim siyang napatitig sa aking kabuuan. Napaiwas ako ng tingin at niyakap ang aking sarili. Ilang beses akong napalunok at huminga nang malalim. Ilang beses din siyang napatikhim kaya agad akong napatingin sa kaniya. Bumakas sa aking mukha ang gulat nang makitang nakatingin siya sa 'kin na para bang kapag may lumapit sa 'kin ay handa siyang manakit. "You should wear your clothes," malamig niyang saad at biglang tumalikod. Noong una ay hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nang mapatingin ako sa aking suot ay namumula akong napasuot sa aking damit. Nang matapos magbihis ay ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi at ako'y napayuko. Nakakahiya! Sana hindi niya napansin masyado ang suot ako. Napatitig ako sa kaniyang likod. Malapad ito at kitang-kita ko ang kaniyang biceps mula sa kaniyang suot na puting sando. Kailangan ko nang umalis... Dahan-dahan akong umatras para hindi niya mahalata ang aking paggawang pag-alis. Ngunit sa aking ginawa ay may natapakan akong tuyong dahon dahilan para makagawa ako ng ingay. Tumagilid ang kaniyang ulo para tingnan ako. "Done?" nakatagilid ang ulo niyang saad habang nakatalikod pa rin sa 'kin. Kinakabahan akong napatango. Mabilis siyang humarap sa akin at pinagmasdan muli ang aking kabuuan. Bahagyang tumaas ang gilid ng kaniyang labi ngunit agad ding sumeryoso. "A-Aalis na ako," naiilang kong saad at umatras. I don't know this place or world... I shouldn't be here. Mabilis na kumunot ang kaniyang noo. "I see, you're a witch..." malamig niyang saad at namulsa sa kaniyang suot na pantalon. "Anong pinagsasabi mo?" nagtataka kong saad habang unti-unting napanguso. Mukha ba akong bruha? Nakita ko ang pagtingin niya sa aking labi dahil sa aking ginawa at biglang bumaba sa aking leeg. Napapikit siya nang mariin at rinig ko pa ang sunod-sunod niyang pagmumura. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon ngunit nakita kong pumula ang kaniyang mga mata. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago iminulat ang kaniyang mga mata. "You should leave. You shouldn't take a bath in this place," narinig kong bulong niya at umiwas ng tingin. Nagtataka pa rin ako habang nakatingin sa kaniya. What? What does he actually mean? Dahil sa rami ng aking katanungan ay binasa ko ang aking ibabang labi at madiin itong kinagat. "Goddamn it," rinig kong pagmumura niya nang makita ang aking ginawa at mabilis na hinapit ang aking bewang. Napasigaw ako sa gulat sa kaniyang ginawa ngunit nang maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga na tumatama sa aking leeg pati na rin ang kaniyang malamig na palad sa aking bewang ay labis ang aking nararamdaman. Why do I feel butterflies in my stomach? Why do I feel comfort? Why does my heart beats so fast? Sunod-sunod ang aking pagtatanong. Ngunit agad akonf napapikit nang humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking bewang at bumilis ang kaniyang paghinga. "Don't do that. Stop seducing me," paos niyang saad at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Napalunok ako. Don't do what? S-Seduce? I'm not even doing anything... Natigilan ako nang bigla siyang lumayo. Napaatras ako bigla nang makita ko ang pula niyang mga mata. His jaw tightened while staring at me. P-Pula? Ilang beses siyang napabuga ng hangin at pumikit nang mariin. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi dahil sa kaniyang ginagawa. Why does he look hot while doing that? Bigla niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ngumisi sa akin. Napaawang ang aking ibabang labi dahil sa kaniyang pagngisi. "I said don't f*****g bite your goddamn lips..." aniya at inilapit ang kaniyang mukha papalapit sa akin. Isang dangkal nalang ang layo ng kaniyang mukha sa akin na halos ikabaliw ko. "It's making me go crazy and at the same time jealous," pagpapatuloy niya at biglang hinagkan ang aking labi. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniyang nakapikit na mga mata. Malambot at nakakaadik. Unti-unting gumalaw ang kaniyang labi na aking sinabayan. Muntik na akong mapaungol nang kagatin niya ng mahina ang aking ibabang labi. Nalasahan ko ang pagdugo ng aking labi dahilan para siya'y matigilan. Napatili ako nang bigla niya akong itulak papalayo sa kaniya. Habol-habol ang aming hininga dahil sa tagal ng aming paghahalikan. Napalunok ako nang makita ang matatalim niyang tingin na ipinupukol sa akin. Bakit? "Go away, human... don't you dare go to this world again. Go f*****g back to where you belong," malamig niyang saad habang madiin ang pagkakasabi niya sa salitang 'human'. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang may tumusok sa aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Masakit. Unti-unti akong napatayo at nanginginig na naglakad papalayo sa kaniya. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay agad ko siyang nilingon. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin habang pinapanood akong bumalik sa aking pinanggalingan. Napayuko at mabilis na tumakbo sa loob ng gubat. Right, I don't f*****g belong in this world. I never was... Mabilis kong pinalis ang aking luha bago tumigil sa aking pagtakbo. Napakunot ang aking noo at inilibot ang aking paningin sa paligid. I'm sure... this is where the door was... where is it? Naglakad-lakad ako para hanapin ito. No freaking way... The door... it's gone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
613.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.8K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook