7

1111 Words
Tumunog ang warning bell. "Tapusin nyo na iyan. Huling araw ng pagpapasa ng project nyo sa darating na Martes. Susuriin natin ang mga natapos nyo kaya siguraduhin nyo na mapapaandar nyo iyan. Tandaan nyo na ang proyektong ito ang magdedetermina ng marka nyo ngayong term. Magkita tayo bukas," anang professor nila kasabay ng class bell. "Ok, Sir," anang ibang kaklase nila. "Mapapaandar ba talaga natin ito?" tanong ni Dave kay Jeremy. "Tiwala lang po. Tapusin na po natin ito," wika ni Jeremy na ngumiti napahawak ito sa noo nya. "Kami na ang bahalang magdouble check ngayon. Tutal halos tapos na natin ang lahat," wika ni George. "Sigurado po kayo?" tanong ni Jeremy. "Ginawa mo na halos lahat ng mabigat na problema. Kami na bahalang magtapos. Hindi mo na halos mabuhat ang lyabe," puna ni Allan. "Pagod na pagod ka na. Kaya na namin iyon. Sabi mo nga, tiwala lang," sang-ayon ni George. "Sige na," wika ni Dave. Magpapaalam na sana si Jeremy ng maramdaman nya ang isang matinding kabog sa dibdib nya. Biglang sumagi sa isip nya ang pakiramdam ng Pandora. Napahawak sya sa lamesa at muntik nang matumba. "Jeremy! Jeremy!" anang tatlo na inalalayan si Jeremy. Hindi na narinig ni Jeremy ang tawag ng mga kasama. Nagmamadaling nagtungo si Zarah sa clinic. "Nandito po ba si Jeric?" tanong ni Zarah. "Nasa loob pa sya. Binibigyan pa ng first aid. Pumasok ka na," anang nurse. Pumasok si Zarah, narinig nyang nagbibigay ng instructions ang isa pang school nurse sa binata. Balisa ito at habol ang hinga. Nakasandal ito sa pader. "Jeric, huminga ka ng malalim. Kapag hindi ka kumalma mapipilitan akong ipasugod ka sa ER," anito. "Jeremy!" sambit ni Zarah na lumapit sa kasintahan. Umupo si Zarah sa tabi ng kasintahan. "Moria!" sambit ni Jeremy na halos wala pa sa sarili. Nanginginig pa ito pero pilit nyang pinakakalma ang katawan. "Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ni Zarah sa nurse. "Sinugod sya ng mga kaklase nya dito. Bigla na lang syang sinumpong ng panic attack nya," anang doktor. Hinawakan ni Zarah ang kaliwang kamay ni Jeremy. "Ric, huminga ka ng malalim. Malalim na hinga. Ligtas ka na," mahinahong pakiusap ni Zarah habang minamasahe ang kaliwang palad ng binata. Unti-unting nawala ang panginginig ni Jeremy at bahagya na itong kumakalma. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Zarah," anang nurse. Tumango naman ang dalaga. "Keinisha, Za," mahinang wika ni Jeremy kay Zarah kahit habol pa ang hinga nya. "Sssh. Ayusin mo muna ang sarili mo. Rumecover ka na para maihatid ka na namin sa unit mo," wika ni Zarah. Bahagyang pumikit si Jeremy na nakasandal pa rin sa ulunan ng kama na kinauupuan nya. "Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Zarah. "Hindi ko maalala," halos pabulong na sagot ni Jeremy na lambot na lambot pa rin. "Gusto mong mahiga para makapagpahinga ka? Lilipat ako sa upuan," tanong ni Zarah habang minamasahe ang palad ni Jeremy. "Dito ka lang," iling ni Jeremy na kinokontrol pa rin ang hinga. "Hindi ako aalis," garantiya ni Zarah na pinindot ang relo ni Jeremy. "Cien," ani Jeremy na halos pabulong. Nakaramdam ng bahagyang init si Zarah mula kay Jeremy. Maya-maya'y bumagsak pasandal si Jeremy kay Zarah. "Ayos ka lang?" bulong ni Zarah sa kanya. Hindi kumibo si Jeremy kaagad pinakiramdaman ni Zarah ang hinga at pulso ni Jeremy. Matapos ang kalahating oras ay lumabas sila sa Infirmary para maiuwi si Jeremy. Inalalayan ni Zarah si Jeremy pabalik sa unit nya. Dumating si Jude sa apartment nito makaraan ang ilang minuto. Nasa salas noon si Zarah at hinihintay ang pagdating nito. "Salamat sa pagtawag mo," wika ni Jude. "Tinawagan ko po si Kuya Addy pero mukhang wala sya. Hindi ko po sya maiwan mag-isa dito sa kalagayan nya," nag-aalalang sabi ni Zarah. "Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba sya?" tanong ni Jude. "Nasa kwarto po sya. Tinutulungan po ni Kuya Rocco na magbihis sa loob. Mukhang masama na po pakiramdam nya kanina pang umaga. Binilinan syang magpahinga ni Doc. Overfatigue daw po," sagot ni Zarah. Pumasok ang dalawa sa kwarto ni Jeremy. Nakasandal ito sa ulunan ng kama nya. "Bakit gising ka pa? Akala ko ay matutulog ka na?" tanong ni Zarah. "Nagpapaantok lang kaunti. Kuya, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Jeremy. "Mukhang pinilit mo na naman ng husto ang sarili mo," sermon ni Jude. "Pagod lang po siguro," katwiran ni Jeremy. "Dapat kasi hindi ka na muna pumasok. Tinawagan ko si Kuya Jude dahil wala kang kasama dito," pangaral ni Zarah. "Maayos na ang pakiramdam ko. Kaya ko na naman po ang sarili ko," depensa ni Jeremy. "Halos hindi ka makakilos mag-isa. Kailangan na may kasama ka dito," wika ni Zarah. "Dumaan lang ako, hihintayin ko lang si Van. May lakad kasi ako. Papunta na dito si Van para samahan ka," ani Jude kay Jeremy. "Uuwi na po ako. Tumatawag na po si Nana," paalam ni Zarah. Tumango si Jeremy. Lumapit si Zarah sa binata at yinakap naman ng binata ang dalaga. Kaagad namang syang kumalas. "Good night and sweet dreams. Magte-text ako pagdating ko sa bahay," wika ni Zarah na hinalikan sa noo si Jeremy. "Mag-ingat ka Moria," bilin ni Jeremy. "Magpahinga ka na," ani Zarah. Ipinagbukas ni Rocco si Zarah ng pinto. Hinintay nya iyong lumabas bago sya sumunod. "Ihahatid ko muna sila sa labas," wika ni Jude. "Sige po," ani Jeremy. Lumabas sina Zarah at Jude ng kwarto ni Jeremy. "Salamat sa pag-aasikaso kay Jeremy," wika ni Jude. "Wala po iyon," ani Zarah. "Mag-ingat kayo," bilin ni Jude kay Rocco. "Opo, Sir Jude," tango ni Rocco na binuksan ang pinto. Unang lumabas si Zarah na kaagad naman nyang sinundan sabay hatak ng marahan ng pinto. Bumalik ito sa silid ni Jeremy na may dalang isang basong tubig. "Anong nangyari Jeremy?" tanong ni Jude na inabot ang baso kay Jeremy. Ininom ni Jeremy ang tubig bago sya sumagot. "Hindi ko po alam biglang sobrang bigat ng pakiramdam ko," sagot ni Jeremy. Saka nya naalala ang kapatid. "Si Kuya po? Kamusta si Kuya? Baka kung ano pong nangyari sa kanya. Malamang naramdaman nya po ang nangyari sa akin," nag-aalalang wika ni Jeremy. "Ligtas naman si Kuya Luis. Tinawagan ko ang security nya at hindi naman nya naramdaman ang nangyari sa'yo," paniniyak ni Jude. "Mabuti naman po. Huwag nyo na pong ipaalam sa kanya at sa mga tito ang nangyari baka lalo lang silang mag-alala. Masyado silang maraming inaaalala," banggit ni Jeremy. "Hindi maaaring hindi nila malalaman. Mapapagalitan nila ako," katwiran ni Jude. "Pakiusap Kuya. Masyado silang maraming inaalala ngayon si Kuya Luis at ayoko pong makadagdag," samo ni Jeremy. "Kung ganoon ay magpahinga ka," pangaral ni Jude. "Salamat, Kuya," ani Jeremy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD