Pabagsak na nahiga sa kama si Andy dahil sa pagod. Hindi dahil sa pagod sa trabaho kung hindi dahil sa pagod sa paglilibot nila ni Uno sa mall kanina para lang maghanap ng damit na masusuot niya sa darating na banquet. Napatulala siya sa kisame. May napapansin siya sa binata. Hindi niya alam kung sa isip lang ba niya pero napapansin niya na parang ini-spoil siya nito kahit hindi naman sila gano’n katagal na magkakilala. Nagkakilala lang naman sila noon sa isla at ‘yon lang. Hindi din siya naniniwala na pambawi ito ng binata dahil hindi nito sinabi sa kanya ang totoo tungkol sa pagkatao nito. Maliban sa hindi naman nito kailangan sabihin sa kanya ay hindi din naman nito kailangan bumawi sa kanya at gawin ang mga ito. Feeling niya may hindi tama pero hindi naman niya matukoy kung ano. Napa

