Napatingin sa salamin si Andy habang suot ang damit na pinamili para sa kanya kahapon ni Uno. Napahawak siya sa blouse na simple lang at tago ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa damit na binili para sa kanya ng binata. Alam niyang kahit papaano ay naging close din sila ng binata nang nasa isla pa lang sila pero magkaiba kasi ngayon. Boss niya ito at secretary naman siya nito, hindi gaya ng nasa isla sila ay magkaibigan sila. Napabuntong-hininga na lang siya saka kinuha ang bag para umalis na. Nagpaalam na siya sa mga magulang at umalis na para pumasok sa trabaho. Nang nasa tapat na siya ng building ni Uno ay huminga muna siya nang malalim bago pumasok. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa mga nalaman niya kahapon. Hanggang ngayon kasi ay

