Ilang araw na ang nakakalipas simula nang makitira si Andy sa rest house ng seryorito ni Dodong. Gusto niya sana lumipat ng ibang kwarto dahil baka para sa bisita lang o pamilya nito ang kwarto kung saan siya natutulog. Nahihiya siya dahil hindi naman siya bisita at nakikituloy lang siya. Hindi na siya pinayagan ni Dodong dahil sabi ng senyorito nito ay ayos lang na doon muna siya. Ilang araw na din ang nakakalipas ay hindi pa niya nakikita ang amo nito. Gusto niya kasi sanang magpasalamat dahil pumayag itong makitira muna siya sa rest house nito kahit hindi naman siya nito kilala. Hindi niya akalain na may gano’ng kabait na tao at tutulong sa tao kahit hindi nito alam kung mabait ba siya o masama. Nasa kusina sila ngayon ni Dodong. Nagluluto ito ng tanghalian nila habang tinutulungan na

