Chapter 44

2208 Words

Gaya nang sinabi ni Dodong ay kinabukasan ay pumunta sila sa bayan para mamalengke dahil malapit nang maubos ang stocks nila. Si Dodong lang ang namimili habang siya ay nakasunod lang dito. Hindi naman niya kasi alam kung ano ang mga bibilhin. Napapansin din ni Andy na panay tingin ng mga kababaihan sa binata habang nagbubulungan. “Oy, nandito si Dodong.” Napaaray siya nang banggain siya ng mga kababaihan saka lumapit kaagad sa binata. Mukhang walang pakialam ang mga ito kung sino ang mabangga basta makalapit lang sa binata. “Kumusta ka na, Dodong? Ang tagal mong hindi pumunta dito, ah.” Ngumiti naman ang binata sa mga ito dahilan para kiligin ang mga dalaga. “Pasensya na, medyo busy sa buhay, eh.” “Alam mo bang miss na miss ka na namin? Lalo na ‘yong luto mo. May dala ka ba para sa ami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD