“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, Alec?” tanong ni Savanna nang makapasok si Alec sa apartment kung saan sila nakatira ngayon. Gusto sana niyang tumira sa bahay ng mag-asawa dahil malaki ‘yon at magiging komportable siya doon pero hindi pumayag ang binata dahilan para mainis siya dito. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong doon sila tumira gayong wala na doon si Andy, lalo na ngayon at hindi nila alam kung nasaan ito ngayon. Ano bang gusto mangyari nito? Ang hayaan na mabulok ang malaking bahay na ‘yon? Bumili ng apartment si Alec at doon sila nakatira ngayon. Maayos na sana dahil nakatira sila sa iisang bubong pero ang ikinaiinis niya ay natutulog sila sa magkaibang kwarto. Nang tinanong niya ito kung bakit ay hindi pa daw ito sanay na iba ang katabi. Napanganga na la

