Gaya ng pangako ni Alec kay Andy ay nagbakasyon sila sa isang resort. Hindi maiwasan ni Andy na matuwa dahil hindi niya lubos akalain na babawi ito sa mga araw na wala itong oras sa kanya. Ayos lang naman kasi sa kanya kung busy ito lalo na’t alam niyang nagtatrabaho ito. Natyempohan naman na fourth wedding anniversary nila kaya nag-celebrate na din sila. Huling araw na nila sa resort at uuwi na din sila bukas. Nakahiga sila malapit sa dalampasigan. Ginawa niyang unan ang braso ng asawa. “Babe, kung saka-sakali na hindi tayo magkaanak, mag-ampon na lang kaya tayo?” suggest niya sa asawa habang nakatingin sa langit na maraming bituin. Naramdaman niyang napatingin ito sa kanya pero hindi siya lumingon dito. Nakatingin lang siya sa langit. Ang pag-aampon para sa kanya ay masakit sa pride n

