Chapter 41

2075 Words

“Sigurado ka ba talagang hindi ka sasama sa amin?” tanong ng ina ni Andy. Nakahiga lang ngayon si Andy sa kama niya at walang ganang tumayo. Hindi na niya alam kung ilang buwan na ba ang dumaan simula nang hiwalayan siya ni Alec. Ilang beses siyang nagmakaawa dito pero palagi siyang bigo at luhaang umuuwi sa bahay nila. Hindi na niya alam kung ano pa ang pwedeng gawin para lang mapabago niya ang isip ng asawa. “Baka gusto mong sumama para naman ma-refresh ang isip mo. Baka may maganda kang makuhang message galing sa Diyos.” Hindi siya kumibo. Lumapit na ‘to saka umupo sa kama niya. “Linggo ngayon, Anak. Magsimba ka din paminsan-minsan o kaya lumabas at hindi itong nagmumukmok ka dito sa bahay. Kailangan mo din ng sariwang hangin.” Napapikit siya. Kung noon ay paborito niya ang linggo da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD