“Pasensya ka na talaga, Babe, ha? Hindi ako makakasabay sa pag-dinner sa ‘yo ngayon,” sabi ni Alec habang nakatingin sa bintana ng opisina niya. “Marami kasing iniwan na trabaho sa akin si boss.” Napasapo na lang siya sa kanyang noo. Maliban sa masakit ang ulo niya dahil sa trabaho niya ay wrong timing pa. Sa dinami-dami pa naman ng araw na pwede siyang mag-overtime sa trabaho ay ngayon pang-araw kung kailan sasabihin na niya sa asawa ang tinatago niya. “Ano ka ba, Babe? Ayos lang ‘yon and I fully understand it. Para naman ‘yan sa trabaho mo, so it’s okay with me. Marami pa namang dinner ang dadaan sa atin. Magkakasabay pa tayo sa pagkain ng dinner, so don’t worry.” Napabuntong-hininga siya. “Thank you for understanding, Babe. Mauna ka ng magpahinga sa akin. Alam ko may alis ka bukas n

