Chapter 49

2070 Words

Nakaupo si Andy sa isang gilid habang nagme-meeting sa board room. Ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Hindi siya makapag-focus sa meeting dahil nakatitig siya kay Uno o sa mas kilala niyang si Dodong na kasama niya sa isla noon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na si Dodong ang kanyang bagong boss. Ibig ba nitong sabihin ay hindi ito totoong tao lang sa rest house gaya nang pagpapakilala nito sa kanya noon? Nanlaki ang mga mata niya nang maisip na baka ito din ang may-ari ng rest house. Eh, sino ang sinasabi nitong senyorito? Pakiramdam niya ay naloko siya ng binata kahit pa puro kabutihan naman ang pinapakita nito noong nasa isla pa sila. Gusto niyang tanungin ito kanina pero hindi na niya nagawa dahil sinabi ni Joshua na may meeting ito. Dahil sa secretary nga siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD