“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Andy kay Alec na hindi niya inaasahan na pupunta sa bahay ng mga magulang niya. Mabuti na lang at wala ang mga magulang niya lalo na ang daddy niya dahil sigurado siyang magkakagulo kapag nagkita ang dalawa lalo pa’t ayaw makita ng ama niya ang binata. Ang sabi nga ng ina niya sa kanya na binugbog daw ito ng ama niya nang minsan na pumunta ito sa bahay nila at hinahanap siya nang mga panahon na wala siya. “Ibibigay ko sana ito sa ‘yo.” Pinakita nito ang isang basket na may lamang prutas. “G-Gusto din sana kitang bisitahin at kumustahin.” “Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sakit para bigyan mo ako niyan at para bisitahin mo ako. Kung gusto mo akong kumustahin ay maayos lang ako ngayon at sa mga susunod pang mga araw.” Napabuntong-hininga na lang s

