21

1551 Words

“Ipaalala mo nga sa akin kung bakit ako pumayag na isama kita dito?” natitigilang tanong ni Mandie kay Taru nang dumungaw siya sa bintana ng sasakyan at makita ang ayos ng labas ng bahay nila. Parang may piyesta dahil dalawang mahabang mesa ang naroon at punong puno ang mga iyon ng masasarap na pagkain. May ilang pabilog na mesa rin at mga upuan para sa mga bisita. “Dahil gusto akong makilala ng nanay mo?” sagot naman ni Taru. Binuksan na nito ang pinto ng kotse at inalalayan siyang bumaba. Hindi pa rin siya makapagsalita kaya hinayaan na lang niya ito na alalayan siya sa siko habang naglalakad sila. Habang nakatitig sa mga mesang naroon ay parang gusto niyang mapabunghalit ng iyak. Sa isang sulok ay naroon ang videoke machine at panay ang patugtog ni Upeng ng birthday song para sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD