9

295 Words
Malakas na napapalatak si Taru habang binabasa niya ang mga letrang lumitaw sa iPad niya. Hindi mapakaling napakamot siya sa batok at malalim na nag isip. Chocolates? movie date? Flowers? Napailing siya. Dahil nga wala naman siyang alam tungkol sa panliligaw ay napilitan na siyang hingiin ang tulong ng Google. Pero napakacheesy naman ng mga sagot na ibinigay nito sa kaniya. Siya. Si Kentaru Campbell, manliligaw? Kung malalaman ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya ang ginagawa niya ngayon ay siguradong pagtatawanan siya ng mga ito. Dahil wala naman nga sa forte niya ang panliligaw. Kapag tiningnan niya ang isang babae at nakita niyang interesado ito sa kaniya ay hindi na siya nag aabalang manuyo pa. Babae ang kusang lumalapit sa kaniya. Patawarin siya nang namayapa niyang ina pero kailanman ay wala siyang babaeng gustong suyuin maliban dito. Pero meron na ngayon..si Mandie.. di ba nga nagpafeeding program ka pa kunwari at namigay ng appliances para hindi niya muna mahalata na ikaw ang gumagawa niyon? Ang sabi ng konsensiya niya. Okay. Siya na ang feeling teenager na nahihiyang humarap sa isang babae at dinadaan sa kung anu-anong pakulo ang balak niyang panunuyo. Pati ang sekretarya niya ay kinasabwat niya para lang maisagawa ang gusto niya. Pinalabas pa niya na ang pamilya ni Mandie ang nanalo sa mga bigating prizes kahit ang totoo ay para naman talaga iyon sa mga ito. “Papaano ba kasi ang manligaw?” hindi mapigilang bulalas niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa hawak niyang iPad. “Sir, gusto mo ng tips?” ang sabi ng driver niya na kasalukuyang nagmamaneho ng kotse. Papunta siya ngayon sa isang business meeting pero nasisiguro niyang may oras pa naman siya para pakinggan ang tips na ibibigay ng tauhan niya. Why not?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD