12

885 Words
“Anak, sigurado ka na ba talaga na aalis ka? baka naman pwedeng mapakiusapan mo ang boss mo na umuwi ka dito sa gabi at kapag araw naman ay doon ka sa kanila?” Matipid na ngumiti si Mandie at niyakap ang ina. Nakakalungkot isipin na kung kailan siya lalayo ay saka ito magpapakita ng pag aalala sa kaniya. Ang totoo ay napakabait ng nanay niya. Sadyang nalulong lang ito sa bisyo at madalas na naloloko ng mga lalaking nakakarelasyon nito. Sa tuwing pagsasabihan niya ito ay parang unti unting lumalayo ang loob nito sa kaniya. “Si inay naman eh, paiiyakin mo pa ako. Napag usapan na po namin ito ng boss ko. Magiging personal maid niya po ako at masyado siyang maselan at istrikto pagdating sa oras ng trabaho niya. Ang gusto niya ay palagi akong nasa tabi niya para maasikaso ko siya. Papaano ko naman po gagawin iyon kung hindi niya ako kasama sa loob ng buong araw?” pagdadahilan niya. Dalawang linggo na magmula nang makalabas ng ospital ang kaniyang ina. Gamit ang natanggap na malaking halaga ng cheke ay naipaopera niya ang nanay niya. Nabayaran na rin niya ang utang nito kay Chen at nag iwan siya ng sapat na pera para panggastos ng mga ito sa loob ng isang buwan. Nakiusap din siya sa isang pamangkin ni Aling Bebang na samahan na muna ang nanay at dalawang kapatid niya. “At saka isa pa po nakapag advance na po ako ng pera kaya hindi na ako pwedeng umurong pa,” Hindi niya sinabi sa pamilya niya ang totoong dahilan kung bakit kailangan niyang malayo sa mga ito. Ayaw niyang mag alala pa ang mga ito. Para rin naman iyon sa ikabubuti ng mga ito kaya kailangan niyang magsakripisyo. Ang tanging sinabi lamang niya sa nanay niya ay may isang kakilala siya na inirekomenda siya bilang personal maid ng isang mayamang negosyante. “Ate palagi kang magtetext ha?” bilin ni Utoy. “Oo naman, tatawag din ako madalas sa inyo, Utoy, huwag ninyong pahirapan ang ate Marga ninyo ha?” aniya na ang tinutukoy ay ang kapitbahay na makakasama ng mga ito pansamantala. “Pangako anak, titigil na ako sa pag inom. Hindi na rin ako maghahanap ng kung sinong poncio pilato para makasama ko sa buhay. Natuto na ako ngayon, hindi na dapat pala ako maghanap ng pagmamahal sa ibang lalaki dahil nariyan kayo ng mga kapatid mo.” “'Nay, hindi naman po namin kayo pipigilang magmahal, basta ang gusto ko lang makatagpo kayo ng lalaking hindi kayo lolokohin. Iyon lalaking katulad po ni tatay.” “Ate, sosyal pala ang boss mo, ipinasundo ka pa,” Huh? natigilan siya. Si Utoy naman ay excited na dumungaw sa bintana nang makarinig ng ugong ng sasakyan at busina mula sa labas. Kahit ang nanay niya at si Upeng ay nakidungaw na rin. “Wow!” namimilog ang mga matang napasinghap si Upeng. Kumakabog ang dibdib na lumapit na siya sa mga ito. Maging siya ay namilog na rin ang mga mata nang makita sa labas ng bakuran nila ang dalawang kulay itim na sasakyan. “Naku, anak, mukhang bigtime ang boss mo,” sabi ng nanay niya. “A-ahm…” nawalan siya nang sasabihin. Pakiramdam niya ay nilipad na ng hangin ang utak niya. Bumaba mula sa loob ng sasakyan ang mismong driver ni Taru na si Mang Ariel. Lumabas naman silang apat para salubungin ito. “Mang Ariel, papunta na po ako. Hindi na po ninyo ako kailangang sunduin pa,” Diyos ko, baka mabuking naman ako nila nanay! “Hindi ka po pwedeng magcommute ma'am, mahigpit na bilin po iyon ni sir Kentaru. Hindi po kasi siya makakarating ngayon para sunduin ka dahil may emergency meeting sa kompanya.” anito. Nagbilin na ako sa kaniya na huwag akong sunduin! ang tigas ng ulo ng boss mo! napangiwi siya. “A-aah, kukunin ko lang po ang gamit ko sa loob.” nagmamadaling sabi niya. Tumango lang ang matanda at sinenyasan ang isang kasama nito. Napakamot siya sa pisngi nang kusang pumasok ang lalaki sa loob ng bahay nila at kunin ang malaking bag niya na nakapatong sa isang upuan kanina. “Ito lang po ba, ma'am?” “Oo,” bumaling siya sa ina at halos hindi na magkandatutong nagsalita. “'Nay, aalis na ako. Kakausapin ko na lang ang boss ko para sa dayoff ko, para makauwi rin ako dito madalas. Tatawag po ako agad pagkarating ko sa bahay ng boss ko.” “Ipinabibigay po pala ng boss namin,” Diyos ko naman! Mula sa isa pang sasakyan ay ibinaba ng apat na tauhan ang ilang box at lumapit sa kanila ang mga ito. “Isang buwan po iyan na grocery supply para po sa inyo.” ang sabi ni Mang Ariel. “Wow!” nag unahan na ang mga kapatid niya sa pagbubukas ng isang malaking box. Ang nanay naman niya ay tahimik lang at tuwang tuwa na pinagmamasdan ang dalawang paslit. Hindi niya magawang tanggihan ang bigay ni Taru dahil ayaw niyang bawiin ang magandang mood ng dalawang kapatid niya. “Aalis na po ba tayo?” anang isang tauhan. Ang isang kasama nito ay patakbong tinungo ang sasakyan at ipinagbukas siya ng pinto. Malalim na napabuntong hininga siya. Hell! Humanda ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD