“Ano nag-enjoy ka ba?” tanong ni Adan ng iabot pa ang malaki at malambot na unicorn stuff toy na kulay purple kay Eve. Tumango naman si Eve at saka nga kinuha ang ang oversized na stuff toy na napanalunan ni Adan sa isa sa mga game sa amusement park. “Mabuti sa akin mo ibibigay to? Baka mamaya ay may iba ka pang nais bigyan?” tanong ni Eve na iniisip ang mga babae ni Adan. Napangisi na lang si Adan. “Sino ba ang kasama ko ngayon? Hindi ba ikaw? Kaya dapat lang na sayo ko ito ibigay. At saka, malungkot ka dahil sa pag balewala sayo ng asawa mo kaya nararapat na ibigay ko talaga sayo yan. Pwede mong yakapin o kahit suntok-suntukin pa,” saad ni Adan. “Thank you, Adan. Itatabi ko ito sa pagtulog ko at yayakapin ng mahigpit,” at saka nga gigil na niyakap ni Eve ang stuff toy ni Adan. “Pag

