“Miss,” tawag ni Eve sa babaeng nakausap niya na katrabaho ni Elmer. Dahil hindi pa rin sila nag uusap na mag-asawa ay nagpasya na siyang magtanong sa kumpanya kung saan niya eksaktong pupuntahan sa ibang bansa si Elmer dahil hindi na rin siya mapakali kakaisip kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Kung anu-ano ng mga iniisip ni Eve. Baka may masamang nangyari sa asawa? Baka mamaya ay na snatch ang cellphone or nawala ng hindi nito namalayan. Kaya para matapos na rin ang kanyang mga haka-haka ay pupuntahan niya na lang si Elmer. “Ma'am, good morning. Mabuti na bisita kayo?” anang babae na Ris ang pangalan ayon sa i.d na nakasabit leeg nito. “Magtatanong lang sana ako, Miss. Alam mo ba ang eksaktong lugar ng asawa ko sa ibang bansa? Balak ko sana siyang i-su

