C33: What Life Is 3 "Please calm down first, Jyreen." Pagmamakaawa ni Vinn sa asawang patuloy ang pag-iyak. Bigla itong tumayo at pumunta sa damitan nila na agad na ikinataranta lalo ni Vinn na nang makita niyang kinuha nito ang isang maleta at inilagay ang mga damit doon. Mahina siyang napamura habang taranta siyang nakasunod sa bawat galaw ng asawa. "Jyreen please." Kinakabang sabi ni Vinn. "Magpapaliwanag ako. Tumahan ka na muna. Pakinggan mo muna ako..." Dugtong pa nito. Blanko siyang tiningnan ni Jyreen habang pinapahid ang mga luhang nasa pisngi nito gamit ang mga kamay. "Alam mo bang hindi ko inakalang mangyayari din sa akin ang ganito?!" Humihikbong sambit ni Jyreen. " 'Yung ganitong issue sa mag-asawa? na isa din sa mga dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko!" "Al

