C32: What Life Is 2 *** - From: Vinn ❤ Hindi kita masusundo something came up. Magtaxi ka then send me the plate number. Take care. I love you. *** Napasimangot naman si Jyreen nang mabasa ito. Huminga siya ng malalim saka pumara ng taxi saka niya kinuha ang plate number at tinext sa asawa. Pagdating niya ng kanilang bahay ay nagluto siya for their dinner saka naghintay sa asawa pero lumipas ang dalawang oras ng kanyang paghihintay ay wala pa ito. She tried to call him pero hindi nito sinasagot. Nakaramdam tuloy siya ng pag-aalala. Dahil nagugutom na siya ay kumain na siya saka pumasok sa kwarto nila at doon na lamang naghintay sa asawa hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog na pala siya. Nagising siya dahil sa tunog ng shower mula sa banyo nila sa kwarto kaya napakunot noo

