C17: Manhid ka o Manhid ako? 3 "Guys! Inom tayo! Libre ko!" Pagyayaya ni Jyreen sa mga kasamahan out of the blue. "Weeeh? Seriously?" 'Di makapaniwalang tanong ni Fae dito. Dinama pa nito ang noo at leeg ng kaibigan kung nilalagnat or what. "May problema ka ba? Eh 'di ka naman nag-iinom ah?" Pagtataka ni Mylyn na napailing na lamang si Princess dito. "Trip ko lang! Bakit ba?" Pagdadahilan ni Jyreen sa mga ito. Hindi niya din naman talaga malaman kung anong pinakadahilan ng pagyayaya niya. Gusto niya lang din tumikim ng alak. "Hindi naman ba magagalit ang asawa mo?" Tanong ni Fae. "Wala 'yon pakialam sa akin." Walang ganang sagot nito. "Anong walang pakialam? 'Yan ba ang dahilan kung bakit iinom ka? Dahil feel mo wala siyang pakialam? Kaloka ka Jy ah! Sa lahat 'ata ng tao sa buha

