C16: Manhid ka o Manhid ako? 2 Kasalukuyang nag-aalmusal sila ng tahimik as always. "Uuwi pala ako muna sa amin." Sabi ni Vinn habang kumakain sila. Hindi naman siya sinagot ng dalaga dahil nagpatuloy lang ito sa pagkain na para pang walang naririnig. Napatitig siya sa asawa tinitingnan kung anong reaksyon ang makikita niya sa dito, "Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi pero hindi ako doon magtatagal." Dugtong pa nito na inaabangan pa rin ang reaction ng asawa, "Kumpleto naman ang na-grocery ko kahapon kaya pwede kang magluto na lang. Magtaxi ka papunta at pauwi. Iniwan ko ang isang atm ko, gamitin mo." Sabi pa ng binata saka huminga ng malalim at binalingan ng tingin ang kinakain, "Okay lang ba?" Tanong niya sa asawa. "Oo. Kahit tumagal ka pa doon. Kaya ko ang sarili ko." She said

