C28: Expect The Unexpected 2 Magkatabi ang mag-asawa sa sofa habang nanonood ng Suicide Squad na dinownload ni Vinn. "Gusto ko sanang manood ng Beauty and the Beast kaso matagal ko pa 'ata 'yon mapapanood." Sabi ni Jyreen. "Bakit naman?" "Matagal pa bago magkaroon sa internet no'n." Dahilan ni Jyreen. "Edi mag sine tayo." He suggested. "Ayoko sa sinehan." "Bakit?" "Basta ayoko do'n." "Pero gusto mong panoorin 'di ba?" "Oo pero maghihintay na lang ako na magkaroon sa net. Hayaan mo na." Tumawa na lamang si Vinn saka humalik sa sintido ng kanyang asawa. Nakatulog si Jyreen sa balikat ni Vinn hanggang sa natapos ang pinanonood nila. Pinatay ni Vinn ang Tv bago binuhat ang asawa sa kwarto nila saka dahan-dahang hiniga sa kama. "I love you. Good night." Bulong niya dito saka dinamp

