C27: Expect The Unexpected 1 Pinagbuksan si Jyreen ni Vinn ng pinto ng kotse at hawak kamay silang pumasok sa bagong bukas na restaurant na lingid sa kaalaman ni Jyreen ay pag-aari ito ni Vinn. Punong-puno ng mga mapupulang rosas ang loob ng restaurant kaya nagtatakang inikutan ng mga mata ni Jyreen ang paligid ng loob ng restaurant. Tiningnan niya si Vinn pero ngumiti lang ito at pinaghila siya ng upuan sa may gitnang bagahi ng restaurant. "Solo natin?" Tanong niya dito na tumango at ngumiti lamang sa kanya. "...Sa'n ka pupunta?" "May kukunin lang ako sa loob." "Kilala mo may-ari?" Tanong pa ni Jyreen pero ngumiti lang ulit ito sa kanya kaya naupo na lamang siya habang pinapakinggan ang pianong tumutunog ng musikang hindi sa kanya pamilyar pero napakasarap pakinggan. Bumalik si Vin

