C26: Weird Moods 2 Kasabay ng pagpapatapos ni Vinn sa branch ng restaurant nila dito sa Manila ay ang paghahanda niya para sa church wedding proposal na gusto niya para sa kanilang mag-asawa. Tutal nagkaayos na din naman na ang asawa niya at ama nito tyaka maayos naman na din ang pag-sasama nila mula noong ipagkatiwala nito ang sarili sa kanya. Gusto niyang maikasal muna sila sa simbahan bago bumuo ng kanilang sariling pamilya kasama ang kanilang magiging mga anak in the future. It's been five months simula nang hayaan ng kanyang asawa na mahulog ito sa kanya na parati siyang handang saluhin ito kahit ano pa ang ipakitang ugali at pagpapahirap sa kanya nito. "Daan tayo sa cebuana, magpapadala ako kina Mama." Utos ni Jyreen sa asawa habang nagda-drive ito. "Hindi na kailangan. Pinadal

