Chapter 13 Your my type.

1191 Words
Lumabas ako ng bahay upang tingnan ang mga kalalakihan na nagkakasayahan sa labas Sobrang ingay ng barkadahan ni Kuya .Nagkakayayaan kasi silang mag-inom dito sa bahay .Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos ng kasal ni Kuya.Andito si Edward pati yung mga iba pa nilang kabarkada.Nagkakantahan sila sa videoke at nagkakasayawan pa. Minsan lang naman ang mga ito magkayayaan lalo na at bagong dating si Edward . Matapos kung sumilip sa labas ay bumalik na ako muli sa loob.Dumeretso ako sa kusina para magtimpla ng kape.Hindi na din naman ako inaantok dahil sa ingay nila.Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay iniwan ko muna ito sa mesa at pumasok ako sa kwarto upang kunin ang phone ko.Bumalik din naman ako kaagad at naupo na din sa upuan na may mesa. Lumagok muna ako ng kape bago ko binuhay ang phone ko.Ilang araw ko na itong hindi nabubuksan.Paano ba naman walang signal sa lugar namin.Kailangan pa pumunta ng bayan para magkasignal.Ang lugar kasi namin ay pabukid na at hindi pa gaanong matao. "Pwede bang maki Cr?"Si Edward . "Sige lang...Deretso ka na." Pagkalabas nito ng Cr akala ko ay lalabas na muli pero umupo muna din sa harap ko. "Walang signal dito ....Wag mo ng pilitin.",sabi nito. "Binubuhay ko lang..Ilang araw ng patay to baka matuluyan."Pagbibiro ko dito. "Kape....gusto mo ba ?"Alok ko dito. ",Sige meron ba.Gusto ko yan." Tumayo ako para ipagtimpla ito ng kape. "Anong gusto mo mapait o matamis.?"tanong ko dito na lumingon pa ako para malaman ko kaagad ang sagot nito. "Mapait na lang....Baka matatanggal hilo ko." "Tssss pinakasobrahan kasi ang pag-inom ." ",Di naman...di pa naman lasing..ikaw naman..." Inabot ko din dito ang tinimpla Kong kape at muli akong naupo sa harap nito. "ouch!!!!mainit pala ang kape!!!",Sabi nito..bigla Kasi sinimsim ang kape. Napatawa naman ako dito ...Paano Kasi lasing na ata hindi alam na mainit ang kape. "Malamang kape yan ...Mainit yan..."tatawa -tawang sagot ko dito. "Ang ganda mo pa din ngayon lalo na kapag tumatawa ka.",pagkuway sabi nito. "Lasing ka lamang..." ",Oo nga ...Gandang ganda pa din ako sayo." Mapupungay na ang mga mata nito at maya -maya pa lang ay makakatulog na "hay naku ang mga lasing nga naman." "Labas tayo bukas ..Kakain lang ..."Yaya nito.Hindi ko alam kung seryoso ba ito o hindi.Pag Kasi nasa normal ito madami pa itong paligoy -ligoy bago makapagsabi sakin.Ganun siya dati nung nanliligaw pa siya sa akin. "Edward bat naman ako pa naisip mo yayain?Sa dami ng pwede mo mayaya." "Sawa na ako sa mga kulaog Kong tropa...Wala Naman ako girlfriend o sino pa yayain ko..di ba wala na ...ikaw na lang...pero wag na lang baka bigyan mo pa ng malisya pagyaya ko..Baka sabihin mo may gusto pa ako sayo."tatawa-tawang sagot nito. " Kakain lang tayo???" "Bakit may gusto ka pa bang gawin?" "A-a w-wala naman ....Ok sige." "Ok sige??? payag ka lumabas tayo bukas?" ",Oo sabi mo kakain lang naman para naman matikman ko ang libre mo."Nakangiting sagot ko dito. Pero alam ko lasing lang ito.Hindi na din nito maaalala na nagyaya ito sa akin bukas. Halos paumaga na ako nakatulog sa ingay ng mga kulaog.Si Edward ay iniwan Kong nakatulog na sa sofa. Nang magising ako ay wala na ito sa bahay.Alas-dyes na ako nagising.Hindi din naman ako ginising ni mama. ",Felicity anak kumain ka na.Tanghali na ."sabi ni Mama sa akin pagkalabas ko ng kwarto "Sige po Ma..."Sagot ko kay mama at naghanda na ako ng aking pagkain.Kumain na daw silang lahat kaya pagkain ko lamang ang kinuha ko "Felicity sabi pala ni Edward kanina bago umalis sunduin ka daw niya ng alas-tres.Pinagpaalam ka na samin .Niyaya ka pala kagabi na lalabas daw kayo.",Sabi nito habang nagkukusi ng kung ano sa lababo. "Akala ko joke lang yun...."mahinang bulong ko "Alin ang joke anak?"ulinig ni mama "Ah wala po...sige po Ma...Mabuti pinagpaalam na ako sa inyo." "Oo naman napakabait na tao niyang si Edward ,Ewan ko ba sayo at hindi na lang siya ang naging boyfriend mo..Nga pala ipakilala mo samin ang boyfriend mo sa Manila ha..." Botong boto si mama kay Edward noon pa lang.Napakabait na tao naman talaga nitong si Edward kaya nga di ko masagot sagot dati pakiramdam ko hindi ako bagay sa kaniya.. Feeling ko kasi hindi niya deserve ang kagaya ko.Malimit din kasi topakin Masasaktan ko lang siya. "Yan na naman kayo Ma..Di pa din kayo makamove on kay Edward.Siya pa din gusto niyo para sa akin..." "Sinasabi ko lang anak ..Pero dahil may pinili ka ng iba ..Ano pang magagawa namin? Papuntahin mo siya dito kapag may pagkakataon para makilala namin." "Opo Ma....Sige po."Naisagot ko na lang kahit di ako sigurado kung may babalikan pa ba akong Davis sa Manila. Kinahapunan ay sinundo nga ako ni Edward.Sa isang Korean restaurant ako dinala ni Edward para maiba naman daw.Umorder na din ito kaagad ng pagkain namin. Habang naghihintay kami ng pagkain naisipan ko buksan ang phone ko.Sunod sunod na notif sound ang dumating.Walang hinto at hindi napigilan din Edward ang magkomento tungkol doon "Mukhang madaming messages ang boyfriend mo ah." Nahiya naman ako dito kaya tinanggalan ko ng notif sound ang phone ko. "A-a ano...A--oo...nangungumusta lang." "Matagal na kayo ?Maswerte ang boyfriend mo sayo ."nakangiting sambit nito "Hmmm Siguro ....Pero parang hindi din naman....Topakin kasi ako." "Matagal na kayo?" "6 months na..Ikaw ba bakit di ka pa naggigirlfriend?" "Wala naman matipuhan...Ikaw kasi ang tipo ko ."Sabi nito sabay kindat pa sa akin. Pinamulahan tuloy ako ng mukha dahil sa sinabi nito. "Baliw!!Move on din pag may time!!"pagbibiro ko dito "Joke lang...Wag mong seseryosohin ...Pero pwede din na seryosohin mo yung sinabi ko " ",Hahahah gulo mo....Andyan na ang pagkain natin.", Kumain na din kami habang nagkukwentuhan.Masarap naman kasama itong si Edward di ka toong maboboring dahil madami naman itong kwento.Minsan nga lang nakakailang ito kasi sinisingit nito ang naging panliligaw nito dati. 6pm na kami lumabas ng restaurant.Dahil maaga pa naman ang umuwi ay tumambay muna kami sa Palayan Park. Kwentuhan lang habang pinapanood namin ang mga tao na may kaniya-kaniyang agenda sa buhay. "Anong gusto mong gawin dito sa Nueva Ecija na hindi mo magawa sa Manila?", Pagkuway tanong sa akin ni Edward. Napaisip naman ako dun..Ano nga ba??? ",Hmmmm...siguro gusto kong maghiking."sagot ko. ",Mt.Kasahingan!!",Panabay na sambit namin. " Ano bukas tara??",Yaya kaagad nito sa akin. "Bukas agad agad!!!" ",Oo kailan pa ba?Ilang araw na lang aalis na ulit ikaw dito pa Manila ,ako naman pa ibang bansa na." "Tayo lang????" ",Yayain mo si Angel ...Di naman makakasama kuya mo at buntis asawa niya di ba." Sige message ko si Angel ngayon na mismo."Kinuha ko phone ko at nagmessase ako sa pinsan ko. Wala pang isang minuto sumagot din ito. "Go daw si Angel bukas kasama boyfriend niya."sabi ko kay Edward. "Sunduin kita 4am para maaga tayo makarating doon.Masarap maglakad ng maaga para hindi mainit." "Sige sure...So pano magstreet foods muna tapos uwi na tayo dahil maaga pa tayo bukas ."Yaya ko dito. Pagkatapos naming magstreet foods ay inihatid na din naman ako ni Edward sa bahay. Wala naman kaming pinagsamahang masama ni Edward dati sa katunayan masarap naman itong maging kaibigan.Yun nga lang hanggang doon lang ang kaya kong ibigay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD