Eksaktong alas kuwatro ng umaga ay nasa tapat na ng bahay namin ang kotse ni Edward pati ang pinsan kong si Angel at boyfriend nito.
Umalis na din naman kami at 5 am ay nasa pick up point na kami kung saan nagregister muna kami bago kami hinatid ng pick up sa mismong paanan ng bundok.
Madilim -dilim pa kaya sobrang lamig pa ng simoy ng hangin .Apat lang kami magkakasama ,gayunpaman wala kaming ginawa kung di tumawa ng tumawa Kasi itong si Angel madaming baon na kagagahan.
Sabi nila tatlong oras daw ang lalakadin simula sa pinaghatidan sa amin ng pick -up.Biyabit na namin ang mga tubig at baong pagkain namin.Ang dalawang lalaki ay parehas na may sakbat na tent na pwede naming pagpahingahan sa itaas ng bundok.
Hindi pa naman nakakapagod sa una ang paglalakad pero nung nasa kalagitnaan na kami ay nakakaramdam din kami ng pagod .Todo alalay palagi sakin si Edward.
Sobrang napakagentleman na tao ni Edward at kung bibigyan ko lang talaga ito ng pagkakataon na maging partner ko sa buhay hindi ito mahirap pakisamahan at mahalin subalit hindi niya deserve ang kagaya ko kaya mas mabuti pa ganito na lamang kami ..magkaibigan.
Pero sulit sa pakiramdam kapag nakikita mong unti -unti mo ng naaabot ang tuktok ng bundok.May ilang falls kaming nadaanan at napakalamig ng tubig..Kaysarap pagmasdan ng likas na yaman na meron tayo dito sa mundo.
Ito talaga ang habol ko kung bakit gustong -gusto ko ang umakyat ng bundok...Sobrang nakakarelax sa pakiramdam ..
Pagkatapos ng halos tatlong oras ay nakarating na din kami sa itaas.Sobrang lamig.Ang buhok ko ay halos magulo sa lakas ng hangin.
Dahil hindi naman sanay ang mga katawan namin sa mahabang lakadan ...Napahiga na lamang kami sa damuhan sa sobrang pagod.Agad din naman kaming bumangon ng makabawi kami sa pagod.
Ninamnam namin ang napakasarap na simoy ng hangin ...Sobrang lamig....Katabi ko lang si Edward habang ang si Angel at ang jowa nito ay may sariling mundo.
"Kamusta ? Kaya pa bang lumakad?"Hihingal -hingal na tanong ni Edward.
"Oo naman ... Pahinga lang muna."
"Sarap dito no..."
"Nakakawala ng pagod kapag andito ka sa taas.Kayganda pagmasdan ng rolling hills."
"Wala nito sa Manila .Kaya dapat palagi ka umuuwi dito para naeexperience mo palagi to."
"As if naman pupunta ako dito mag-isa."
"Ako... sasamahan kita."
"Para namang palagi Kang andito."
"Every three months umuuwi ako ah.Pwedeng sabay tayo umuwi."
Nginitian ko lang ito at pagkatapos ay itinuon ko na muli ang aking sarili para damhin ang napakasarap na presensya sa tuktok ng bundok.
"Hmmm kamusta pala kayo ng boyfriend mo."Pagbabago ni Edward sa naging usapan namin na siyang ikinagulat ko.
"Pwede wag natin siya pag-usapan ...Mas maganda kung maeenjoy natin ang oras na to."Pag-iwas ko sa topic
"Hindi ka masaya ka?"Pagderetso nito
Hindi muna ako umimik.Sa totoo lang nasasaktan pa din ako dahil sa huling paguusap namin.
"Hindi kami ayos ng boyfriend ko.Umuwi ako ditong hindi kami okay.Until now hindi pa din kami maayos..Kaya gusto ko makapagisip -isip muna.",Hindi ko napigilan ang ilang luha na dumaloy sa aking mga pisngi..
",I'm sorry....Yun Kasi ang nafefeel ko sayo mukhang may mabigat Kang dinadala diyan sa dibdib mo.Kaya mabuti yung nagkaroon ka ng time na kagaya nito para kahit paano makapag-isip isip ka ."Pinahid nito ang luha ko gamit ang mga kamay niya na hinayaan ko naman.
Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin at hindi ko napigilan ang ipikit ang aking mga mata.
Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.Iginalaw niya iyon ngunit hindi ko agad magawang tugunan.
Nagawa niya pa akong ihiga ng dahan -dahan sa damuhan .Sigurado akong Hindi kami nakikita nina Angel dahil matataas ang mga talahib at lubog kami doon.
Akala ko hindi ko magawang tugunan ang mga halik nito ngunit kasabay ng paglapat ng aking likod sa damuhan ay ang dahan-dahang pagtugon ko sa mga halik nito.
Mabilis ko din Naman naibalik ang aking ulirat.Ipinaling ko ang aking ulo at itinulak ko siya ng bahagya para makabangon ako.
Tumigil din naman ito at tinulungan ako makabangon pero hindi ako nagpatulong.
Nagkaroon tuloy ng tension sa pag-itan namin.
"Felicity...Immmmm....."
"It's ok .Kalimutan mo na yun."Agad na pagputol ko sa mga sasabihin niya pa.
"Asan na ang mga food natin ..Gutom na ako."Dagdag ko pa dito.
Tila nagugulat naman si Edward sa inaasal ko.Siguro iniisip niya paanong okey lang sakin na naghalikan kami.
Ewan ko ayaw ko na lang gawing big deal yun.Halik lang naman sa isip -isip ko.Ayaw ko masayang ang araw na ito dahil lang doon kaya palampasin ko na lang.Baka nadala lang kami pareho ng mga emotion namin dahil kami lang dalawa Ang nasa lugar.
Inilabas na din na din ni Edward ang mga pagkain namin at panay pa ang sulyap nito sa akin.
Isa -isa niyang inabot sa akin ang bawat pagkain na ilabas niya.
Tinawag ko na din ang dalawang magjowa at sabay -sabay na kami kumain.
Nawala na ang pagkailang sa pag-itan namin ni Edward dahil kay Angel at sa boyfriend nito.Hagalpakan na lang kami ng hagalpakan dahil sa mga kalokohan ng bawat isa .
Sobrang saya !!!!Kahit paano ay nakarelax ang isip ko.Sulit ang pagod sa paglalakad.Sabi ko nga kakaiba ang feeling kapag ikaw nasa ay tuktok na ng bundok.Mapaproud ka sa sarili mo dahil sa kabila ng layo ng nilakad mo ,sa dami ng pawis na tumulo sayo at magkakandadapa ka man sa daan at list nakarating ka sa gusto mong puntahan.Alam ko na nagenjoy ang bawat isa sa amin.Lalo na ang magjowa na wala ng ginawa kung hindi magharutan na tinatawanan lamang namin ni Edward.Kahit si Edward ay alam kung nagenjoy din ito.
Umuwi na din kami ng kinahapunan na.Inantay lamang namin ang paglubog ng araw dahil gusto naming masilayan ang moment na yun .At isa iyon sa pinakamasarap na pakiramdam dahil maiisip mo kahit anupaman ang pagdaanan mo sa araw na ito ,makaranas ka man ng sobrang lungkot at pighati na dala ng makamundong suliranin still lulubog pa din ang araw at sisikat muli kinabukasan para sa panibagong araw.
Dahil sa hinintay pa namin ang paglubog ng araw ginabi na kami sa daan kaya naman kung ano-anong mga kaluskos ang aming naririnig at nakakaramdam ako ng takot.
Magkahawak kamay ang magjowa sa paglalakad.
At dahil nga sa nakakaramdam ako ng takot ay pinagsalikop ni Edward ang aming mga kamay . Tumingin ito sa akin at ganun din ako .Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay bago ko inilipat sa kaniyang mga mata.Pero dahil takot ako ay hinayaan ko na din at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa pick up point.
Habang nasa biyahe kami ay tanging si Angel lang ang maingay.Parang nakaramdam ako ng kaunting pagkailang kay Edward.Siguro dahil sa mga hindi inaaasahang nangyari sa Amin na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Unang bumaba ang magjowa at ako naman ay inihatid na din ni Edward saming bahay.
Paminsan-minsan ay nagkakasulyapan kaming dalawa pero mabilis ko ding inaalis ang aking paningin.
Nang malapit na ako sa bahay namin ay saka pa lamang ito nagsalita.
"Salamat sa araw na ito.Masaya ako at nakasama kita.Sorry sa nangyari kanina...na--"
"Edward ....Salamat din ...Wag na natin pagusapan yun ..."pagpuputol ko muli sa nais nitong sabihin.
Ewan ko ba parang ayaw ko marinig ang sasabihin niya.Hindi kasi dapat nangyari yun pero nangyari tapos nakakainis tumugon pa ako..Kaya ayaw ko na pag-usapan pa..lalo na at may boyfriend ako ,,kung boyfriend ko pa nga ba.
"Pero.... galit ka..."dugtong pa nito.
"Hindi ako galit.....Okay....Wag mo na lang bigyan ng malisya yun baka nadala ka lang sa emosyon mo pati ako dahil tayo lang ang nandoon...Wala yoon okay...Kaya wag mo ng isipin...Pano baba na ako?Salamat muli."At bumaba na ako ng sasakyan niya.
Hindi na nakapagsalita pa si Edward dahil bumaba na ako.Yun lang naman talaga ang gusto ko mangyari wag na naming bigyan ng malisya ang nangyaring halikan kanina.