Chapter 15 Back

961 Words
Last day ko na ngayong araw dito sa Nueva Ecija kaya naman nagluto sina mama ng ilang putahe para makapagsalo-salo kaming pamilya.Nagluto si Papa ng kaldereta at afritada.Si mama naman ay pansit at lumpia.Sina Kuya naman ay nakatoka sa ihaw -ihaw sa labas .Balak kasi naming magboddle fight sa labas sa may ilalim ng malaking punong mangga.Masarap kasi kumain ng salo-salo tapos sa labas pa kakain. Dahil madami naman ang niluto namin yung mga pinsan ko at mga tiyahin tiyuhin ay isinali na din namin dahil malapit lang naman sa amin ang bahay. Nakakatuwa may kani -kanilang bitbit na mga dalang pagkain.May litsong manok ,softdrinks ,may nakapagpahabol pa ng palabok saka ice cream at prutas. Sa isip -isip ko ay buya na naman kami sa pagkain. Tinawag din pala ni Kuya si Edward dahil last day na din niya ngayon dito sa probinsya. Habang kumakain kami ay napuno ng tawanan at kwentuhan ang aming bakuran. Napakuha tuloy ako ng mga pictures dahil sa sobrang saya. Pagkatapos naman naming kumain at maligpit ng pinagkainan ay nanatili pa din kami sa ilalim ng punong mangga dahil masarap naman ang tumambay dito.Deretso pa din ang kwentuhan at tawanan. Ang mga kalalakihan naman ay may nakatayo ng bote sa gitna ng kanilang umpukan.Kasali na doon si Edward na panaka -nakang sumusulyap sa akin. "Alam mo Felicity kung ako sa iyo ito na lamang si Edward ang sagutin mo ,makipaghiwalay ka na sa boyfriend mong taga Manila.Baka hindi yun sanay sa buhay dito sa atin.Ay itong si Edward ,abah kita mo naman welcome na welcome sa ating pamilya."biro sa akin ng isang tiyuhin ko . Napatawa na lamang ako sa sinabi ng tiyuhin ko.Samantalang si Edward ay nakatingin sa akin at nakangiti lamang.Sumang-ayon pa ang ibang naroroon at pakiramdam ko na corner na nila akong lahat. "Kayo naman tiyo...Iba ho ang hanap ng puso ni Felicity ..Wag nating ipilit."sabat ng isa ko pang pinsan.. Kung ano -ano pang mga komento at mga napag-usapan sa umpukan na tinatawan ko na lamang. Hindi din naman nagpakadami ng iniinom ang mga kalalakihan at maya maya lang din ay tumigil na sila. Unti -unti na ding mga nagsiuwian ang mga pinsan ko kaya naman ako ay pumasok na sa loob para magimpake ng mga gamit na aking dadalahin. Pagkatapos ko magimpake ay lumabas na din ako ng kwarto ko at naabutan ko si Edward na kausap sina Papa at Kuya sa sala habang nagkakape. "Anjan ka na pala Felicity.Nasabi ni Tol Edward na magpapahatid siya sa Manila bukas .Maaari ka na daw sumabay sa kaniya para hindi ka na mahirapan magbyahe."Sabi ni Kuya sa akin. "Nakakahiya Kuya.Ok lang naman na byahe ako." "Sumabay ka na sakin Felicity ,daanan kita ng 4am dito bukas ."Singit ni Edward. Napa agree na lang din ako para wala na silang masabi sa akin.Sasabay lang naman . "Ok sige..Ikaw bahala kung okay lang sayo."Nakangiting sabi ko dito. Alas-otso na ng umaga ng makarating kami sa Manila ni Edward. Tapos alam niyo ba napakagaling kasi parehas pala kami ng condong inuuwian.Magkaibang floor nga lang.. Bukas pa ang flight nito paabroad kaya naman nagyaya pa sa akin na mamasyal kami.Hindi ko na nga sana pagbibigyan ito kaya lamang ay naawa naman ako kasi mag-isa lang siya tapos paalis na din naman bukas. Sabi koy dumaan muna kami sa opisina bago kami pumunta sa aming pupuntahan.Magrereport lamang ako personally sa boss namin at hihingi pa ng 1 day extend dahil nga sa lakad namin.Hindi naman mahirap kausap ang boss namin kaya ok lang. Bumaba na ako ng kotse at dumeretso na sa loob ng opisina. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng mga true friend ko kagaya ni Vianca na may pagtili pa. Jusko ko Lord !Sabi ko madali lang ako pero ang mga marites Kong kaibigan hindi muna hintayin ang mismong pagpasok ko para sa chikahan.Lalo na akong dinumog ng mga marites ng makita si Edward na nasa likod ko pala.Ang mga mata ni Vianca ay nangungusap na kung wala kami sa lugar na ito ay pihadong sunod-sunod ang mga tanong. Itinuro pa niya sa pamamag-itan ng kaniyang mga mata si Davis.Napalingon naman ako dito at mababanaag mo sa mga tingin nito ang galit. Siya pa ang may gana Magalit..Sa isip-isip ko.Hindi ko siya nginitian at dumeretso na ako sa boss para magpaalam pagkatapos ay umalis na din.Sinabihan ko lang si Vianca maya na kami usap sa condo.Niyaya ko na din kaagad si Edward palabas ng opisina dahil hindi ko makaya ang mapamatay na tingin ni Davis. Namasyal lang kami kung saan-saan ni Edward .Kumain at bumili din siya ng ilang madadala pa abroad. Maaga -aga pa din naman kami umuwi para makapagpahinga na din kami.Maaga daw flight niya bukas ,sabi ko ay ihahatid ko siya.Ayaw niya pumayag pero nag-insist ako . Naabutan ko nga pala si Davis sa may parking kung saan nagpark ang sasakyan ni Edward.Bukas na din nga pala uuwi ng Nueva Ecija ang kinuha nitong driver. Kung ano ang tinginan nito kanina sa akin sa opisina ay ganon pa din ang mga tingin nito ngayon sa akin. Hindi naman siya kilala ni Edward kaya nagpatuloy na din kami sa paglakad sa elevator. Bahala siya kung ano isipin niya...Gusto niya maghiwalay kami ....Eh di go...Sabi ng kabilang isip ko pero kinokontra naman ito ng kabila....Hindi ko din kaya yata ang makipaghiwalay dito.Kanina nga gusto ko ng yakapin ito pero pinipigilan ko lang...Kailangan maggalit-galitan mode muna ako pero mukhang siya naman ang galit. Pagkatapos ko maihatid sa airport si Edward ay inihatid na ako ng driver nito sa condo tapos nakatulog akong muli ng konti.Alas -nuwebe na ako pumasok ng opisina. Dahil marunong na naman ako magmaneho pag malapitan lang ay dinala ko na ang sasakyan ko para naman masanay ako sa pagddrive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD