Chapter 5 question

1218 Words
Nagmemerienda akong mag-isa ngayon sa canteen na malapit sa building namin. Magisa lang ako kasi may agent na sinamahan si Davis.Si Vianca ay may kausap na client naman. Nasa kalagitnaan na ako ng pagmemerienda ng dumating si Mardon. Si Mardon ay isa ding agent na kagaya ko.Naging malapit agad ito sakin simula pa lang noong dumating ako sa kompanya. Inamin niya sakin na nagugustuhan niya ako kaya lang binasted ko agad kasi ayaw ko na siya paasahin pa.Wala naman kasi akong mahanap sa puso kahit konting spark para sa kaniya.Pero mabuti na lang at hindi siya nagbago ng pakikitungo sakin.Magkaibigan pa din kami "Oh Felicity bakit magisa ka?"tanong niya pagkaorder niya ng pagkain. "hindi ko naisipan magyaya "simpleng sagot ko "oo nga,hindi mo ako niyaya man lang "may tampo kunwari. "hindi ko naman kasi alam na gusto mo din pala magmerienda."nakangiti kong sabi sa kanya. "sus ,ayaw mo lang akong kasama.." "hindi naman,wala namang masama na magkasama tayo magmerienda." "takot ka lang kay Sir Davis."medyo naiilang niyang bigkas. Napahinto sa pagkain si Felicity at napatingin kay Mardon"Ha!!!Bat naman ako matatakot sa kaniya." "A-AY baka lang kasi masyado kang loyal sa kaniya." "Loyal?Bakit?"pilit kong itinatago ang kaba sa boses ko.Ayaw ko kasi na may makaalam ng relasyon namin maliban kay Vianca. "Kayo na ba?Kaya hindi mo ako binigyan ng chance dahil sa kaniya ano?"pagtutuloy niya. "May asawa na yun Mardon noh....Bat naman magiging kami?"Pagtanggi ko "Wow!!galing mo talaga magpretend..."natatawa niyang sabi."Well dont worry kahit hindi mo aminin alam ko.Pansin ko.Mag-ingat ka sa kaniya." "H-hindi naman nga kami.Ano ka ba?"pagsisinungalin ko. "Ok sabi mo ..Pero hindi ko akalain na gusto mo pala ang may challenge.Sayang maganda ka pa naman..Hindi ka bagay sa kaniya." "Ikaw Mardon ha..Kung ano ano sinasabi mo.Kung ano man yang napapansin mo di totoo yun."Natigil kami sa paguusap ng biglang dumating si Davis. "Felicity una na ako ha..May tatawagan akong client ."paalam na ni Mardon Pagkaalis ng lalaki saka pa lang ako nakahinga ng maluwag .Kinabahan ako Kasi ayaw ko na malalaman ng lahat ang relasyon namin ni Davis. "Oh ano yang buntong hininga mo na yan."tanong sakin ni Davis "Paano kasi napapansin ni Mardon na may relasyon tayo?" "Sabi niya yun?" "oo,kaya ko daw di siya binigyan ng chance ay gawa mo." "Inamin mo?" "Syempre hindi no." "Good." "Alam ko naman na dapat wala makaalam.Baka makadating sa asawa mo." "Madaming dahilan para hindi dapat malaman ng iba.Ayaw ko lang na magisip sila ng masama sayo." "Nagisip na nga ng masama si MardonGusto ko daw pala ng may challenge."nakangisi kong sabi. "Gusto mo kausapin ko siya."tanong niya "Wag na ,hayaan mo na lang."sagot ko.Lahat ng tao may kaniya kaniyang opinyon.May ginagawa ka man maganda o masama ,parehas yung may masasabi. "Sorry "Paghingi niya ng paumanhin "Dahil?" "Dahil sa sitwasyon natin." "Sira!!Ayos lang noh..Ginusto ko din to " "Na minahal mo ako?" "oo naman"nakangiti kong sagot sa kaniya. "mahal din kita."balik niya sakin. "tara na!"Masaya ako kung ano kami ngayon.Di man normal ang relasyon namin ,masaya ako.Bahala na kung ano kasunod na mangyayari.Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa possible consequences na maaring mangyari dahil sa pinasok Kong relasyon na ito.Sa ngayon masaya kaming dalawa. Komplikado man ang relasyon namin ni Davis masasabi kong masaya naman ako kapag nakakasama ko siya. Oo nalulungkot ako at nasasaktan minsan ,pero alam ko naman kahit sang relasyon ako andun,mararanasan at mararanasan ko pa ding ang masaktan kasi parte na iyon ng pagmamahal. Sinamahan ako ngayon ni Davis para imeet namin ang client ko.Malaking kliyente siya at humingi ako ng tulong sa coordinator kasi sayang kung hindi namin macclosed ang deal Magaling talaga siya makipagbolahan,biruin niyo nakuha naming mapa OO ang client. Kung ako pihado iyon,di ko sure kung makukumbinsi ko ang client. At dahil success kami,at masyado pang maaga para umuwi.Niyaya niya akong tumambay sa Manila Bay. Siyempre go ako...Mabuti na lang ready ang outfit ko.Pants,tshirt and rubbershoes. Nakamotor lang kami sa byahe.Ang sweet namin hahaha ,ako pala...ang swerte niya may nakayakap sa kanyang maganda habang nagddrive.Mabuti at nakakaconcentrate sa pagmamaneho..hahaha. Kwentuhan lang kami at tawanan sa byahe. Tumambay lang kami at kwentuhan doon.Habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw.Masarap sa pakiramdam habang pinapanood mo ang nagkukukay orange na langit dahil sa lumulubog na araw tapos nasa tabi mo pa ang taong mahal na mahal mo. Natatawa ako sa kaniya kasi para siyang teenager,(nakibata nga!!). "Davis salamat ha."sabi ko. "para saan .?" "dahil pinaexperienced mo sakin ito kasama ka.Masaya ako promise." Masaya talaga ako at naranasan kong magkasama kami ng hindi nagiisip na baka may makakita samin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Sa oras na ito ang hawakan niya pa lang ang kamay ko ay nagkakagulo na ang buong sistema ko sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.Di ko alam kung nilalamig ba ako o kinikilig lang "maliit na bagay ito Felicity kapalit ng pangunawa mo sa relasyon natin.."sabi niya. "mahal kita kaya inuunawa ko ang sitwasyon natin.." "I think it's my time to ask you a million questions."nakangiti niyang sabi. "sige subukan ko sagutin yang mga tanong na iyan." "bakit ayaw mo kay Mardon?"unang tanong niya.Si Mardon kasi iyong katrabaho namin na agent din na nanligaw sa sakin pero binasted ko agad. "hindi naman ayaw,,,napopogian nga ako dun at nababaitan..kaya lang walang spark...kagaya mo.."sagot kong nakangiti sa kanya. "pinakikilig mo ako.."kinikilig niyang sabi. "weh kininkilig ka ?"natatawa kong tanong sa kaniya.Paano kasi di halata sa kaniya kung kinikilig nga kasi napakaseryoso ng mukha niya.Ngumingiti siya ngunit mabilis lang. "Medyo...pero masaya talaga ako..Bakit ka nakipaghiwalay sa ex mo.?"next na tanong niya. Hindi agad ako nakasagot sa kaniya . "Tagal mo sumagot.Pinagiisipan mo pa talaga.Pwede mo namang sabihing na hindi mo na siya mahal." "Hindi lang kami siguro bagay sa isat isa.May mga hindi lang kami pinagkakasunduan."sagot ko. "Bakit sa palagay mo ba bagay tayo.?"Mas lalo akong hindi agad makasagot. "Magkasundo naman tayo, di ba.Kaya sa tingin ko magtatagal tayo."sagot ko. "Ang tanong ko bagay ba tayo.?" "Tao tayo ."natatawa kong sagot. "tssss...Magtatagal ang sabi mo...Hindi maglalast?"tanong niya. "Gusto ko maglast Davis.Gustong gusto ko.Kaya mo bang gawin yun para sa akin.?" "Bakit ka nagtatanong ngayon?Ako lang dapat magtanong ngayon di ba.Bakit mo ako minahal?" "Hindi ko alam ..basta naramdaman ko na lang na mahal kita." "Mahirap ba ang magmahal ng isang may asawa na.?" "Para namang hindi mo alam ang sagot diyan sa dami mo ng naging babae."Natatawa kong sabi sa kaniya."Hindi naman mahirap,wala nga akong problema sa pamilya mo.Hanggang ngayon wala pa sumusugod sakin." "Kung sakali handa kang harapin ang pamilya ko?" "Hindi ko pa alam sa totoo lang ...Hindi ko pinaghahandaan yan." "Kung yayain kitang....."Matagal siyang nahinto.Hindi siya ata sigurado kung itatanong niya ba o hindi. "Yayaing what?" "Mag....... "Magsex...."pagderetso ko. Medyo nahiya pa siya ng kaunti.Tumango lang siya bilang pagsang -ayon niya. "To be honest with you.Ayaw ko pa ngayon....Ngayon .."paguulit ko at medyo nangingiti kasi nakakahiya naman yung topic na yun.. "Pero papayag ka din?" "Depende...basta wag muna kung maari..." "naitanong ko lang naman,pero hindi ibig sabihin nun gusto ko o pipilitin kita na gawin yun.." "salamat..." Naramdaman ko naman na bawat sabihin ko o desisyon ko ay iginagalang ni Davis.Alam kong iniisip niya pa din ang makakabuti sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin kahit pangalawa lang ako sa kaniya.Never niya pinaramdam ang pagiging pangalawa ko sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD