Chapter 6 Ticket

1710 Words
Kinabukasan hindi ako nasundo ni Davis kaya nagtaka ako.Hindi din siya nakapagtext sakin "Hi Sir Gab asan si Sir Davis?"tanong ko sa kanya. Si Sir Gab ang isa mga coordinator ng agent.Tatlo sila,Si Sir Gab,Sir Francis at si Davis. Under ako ni Davis kaya marahil nagkalapit kami ng husto. "hindi ko alam,baka nasa chicks na naman yun."sabi nito.Hindi ko alam kung biro ba yun o ano. Walang nakakaalam ng relasyon namin ni Davis kundi kaming dalawa lang at si Vianca. We make sure na walang lalabas na tsismis samin. "Seryoso???may itatanong kasi ako sir sa kanya.."sabi ko at hindi ako nagpahalata ng kung ano pa man. "halika tingnan mo oh...."may pinakita siya sakin photo sa sss. Picture iyon ni Davis at nung isang babae,siguro mga 18 years old pa lang ang babae.Maganda siya. "chicks niya yan...wehhh...imposible...ganda ganda nung babae ,papatol sa kanya..."sabi ko "ikaw nga ang ganda mo pumatol ka "deretsong sabi nito. "kanino??"natatawa kong sabi. "kay Davis." "hindi ah...may asawa na yun...nakakatakot pumatol dun...napakababaero pa...nagmana ata sayo Sir."pagbibiro ko na lang. Ayaw ko kasi seryosohin baka mahalata niya pa. Pakiramdam ko nakakahalata na ang mga kasamahan namin sa trabaho dahil panay ang pasaring ng mga ito sa akin. ----- Lunch na dumating noon si Davis.Tinext niya lang ako na lumabas ako ng building at maglunch out daw kami.Hindi na daw siya papasok sa loob kasi baka mahalata pang magkasama kaming maglulunch. Nainis talaga ako sa picture na yun,hindi ko siya pinuntahan sa labas,mainip siya! Hindi ko rin siya tinext,kahit text siya ng text at natawag . Sa canteen na kami kumain ni Vianca.Pagbalik namin sa office nakita ko siyang nakaupo na sa table niya. Napansin niyang paparating na kami.Nakatingin lang siya sakin.Hindi ko siya pinansin deretso ako sa table ko. Magkatabi kami ni Vianca. May nagtext!Tiningnan ko phone ko siya pala.. Nakita niyang tiningnan ko iyon pero wala siya nareceived na reply. Ano ka hilo???bahala ka diyan....Bwisit!!! Kinahapunan sabi ko kay Vianca hintayin ako at sabay na kami uuwi para hindi na ihatid ni Davis.Bruhang babae iniwan ako. May kausap pa kasi akong client.Medyo napahaba ang discussion namin kaya naiwan ako sa opisina. Naghihintay ako ng taxi ng may pumaradang motor sa tapat ko.Si Davis inabot niya sa akin ang helmet. Hindi ko nga kuhanin...naiinis pa din ako sa kanya...Bumaba siya at pilit ipinasinuot sa akin ang helmet. "sakay!!!"sabi niya. Siya pa ang may ganang magalit. Sumakay na ako syempre.Kilala niyo naman ako ang bilis kong mapasunod o sabihin na nating marupok.Kaya nga andito ako ngayon sa sitwasyon na ito kasi ang bilis ko nainlove. Inihatid niya na ako sa condo unit namin ni Vianca. Nang nasa parking na kami bumaba ako at ibinigay ko na sa kaniya ang helmet. Tumalikod na ako sa kaniya at palakad na sana paakyat ng building. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila pabalik. "Usap muna tayo saglit..Ano na naman ito Felicity"seryoso niyang tanong niya. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"pagtataray ko sa kaniya. Bakit porke bat kabit lang ako sa buhay niya hindi na ako pwedeng magtaray. "Ano nga?"huminahon na siya. Nakahawak pa din siya sa kamay ko. "sinong kasama mo kanina?"naitanong ko din. Wag niyo akong husgahan kung may karapatan pa akong magtanong at magselos.Wala kayo sa posisyon ko! "sinong kasama ko?Madami...."sagot niya "sino yung kasama mong nasa picture?bagong babae mo?"prangka kong tanong sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot.Kinuha niya phone niya sa bulsa niya. "ito ba???"Pinakita niya sa akin ang photo na pinakita ni Sir Gab. "Sino yan?" "pamangkin ng pinsan ko.Birthday niya,nagpapapicture ako kasama siya..Pinagselosan mo??" natatawang sabi niya. Hindi ako sumagot. "asawa ko hindi mo pagselosan bago sa kaniya magseselos ka.." "Frank ,wala akong karapatan magselos sa asawa mo...Talo na niya ako kahit ano pa ang mangyari ,at alam ko iyon." "bakit sa iba nagseselos ka?" "Davis ito tandaan mo..tanggap ko ng may asawa ka.Pero ang magkaroon ka pa ng ibang babae bukod saming dalawa,hindi ko matatanggap.Tama ng kami lang!"seryoso kong sabi sa kaniya. "sino bang maysabi niyan na may iba pa ako..?ito din ang tandaan mo Felicity malaking pasakit na sa iyo ang may asawa ako at wala na akong magagawa dun,kaya hindi ko na kaya pang magdagdag ng isa pang pabigat sayo.Wala akong ibang babae ,siya lang at ikaw lang." Kinilig ako dun ah..hehehe. "siguraduhin mo ha...kasi kung ang asawa mo nagsawa ng makipag-away sa mga babae mo,ako hindi pa..."nakangiti kong sabi sa kaniya. "cute mo pag nagseselos ka.."tatawa tawa niyang sabi. "tssss.....umuwi ka na..."pagtataboy ko. "mamaya...tara muna kumain..hindi ako naglunch dahil mo.."pangungunsensya niya. "sorry naman....ikaw kasi.." "oh bat ako pa...ikaw tong napakaselosa..."tawa siya. "message mo muna si Vianca,kung sasama satin.Baka hinihintay ako nun magdinner ."sabi ko kay Davis Habang naglalakad kami nagmessage siya kay Vianca. "hindi na daw siya sasama...ipagtake out mo na lang daw..." "ok sige...alam mo yung babaeng yun,akala mo palagi siyang inaout of place.Pag kasama kita ,ayaw sumama." "hayaan mo na...gusto lang nun na masolo kita."At inakbayan niya na ako paglalakad Ang sweet niya di ba..hindi siya mukhang 39 years old. ______ Nagkaroon kami ng meet up ngayon sa isang client sa restaurant.Pagkatapos ng aming meeting napagpasyahan namin na magdesert pa kaya nagpaiwan pa kami sa naturang restaurant. "Ano to?"tanong ko kay Davis.Iniabot niya sa akin ang isang puting sobre "Open it."sabi niya.Kaya binuksan ko ang sobre. "Plane ticket papunta sa Cebu!!Hotel reservation for 4 days!!"gulat na tanong ko kay Davis. "Bakit ayaw mo ba?"medyo nagaalangang tanong naman niya sakin. "Davis grabe ka naman pumayag lang naman ako sayo na magganon tayo kasi ready na ako pero bat ang haba naman.dont tell me gustong gusto mong sulitin."medyo nahihiya kong tanong sa kanya.Isang beses kasi napagusapan na naman namin ang tungkol sa sex.Hindi naman niya ako pinipilit pero pumayag na ako sa kaniya na may mangyari sa amin. "oo ,yun talaga ang plano ko ang masulit natin ang pagpunta dun."nakangiti niyang sabi sakin. "Ha?".May pagtataka kong naisatinig at medyo kinabahan ako bigla.Syempre ang nasa isip ko,pagbigyan lang siya isang beses lang,baka ang nasa isip niya pumayag na ako at kahit ilang beses pa ay pwede. "b-bakit ayaw mo ba ?"medyo nagaalangan na niyang tanong. "B-bat kasi ang tagal Davis?"tanong ko."A-at saka payag lang naman akong g-gawin natin y-yun p-pero isang beses lang."nahihiya at naiilang kong dagdag na sabi sa kaniya. Napangiti lang si Davis sa sinabi ko. "Bakit ka napapangiti?"naguguluhang kong tanong "eh pano kasi ang nasa isip mo kaya tayo pupunta dun ay para dun sa gusto nating mangyari."nakangiti niyang sabi. "B-bakit anong nasa isip mo ba?"takang tanong ko. "oo masaya akong pumayag ka na mag ganon tayo,kaya nagpabook ako ng flight at gusto ko maging special yun.Pero hindi naman kaya tayo pupunta dun ay para lang dun gusto ko makasama ka at magenjoy tayong dalawa."nakangiti niyang explain sakin. Pinamulahan tuloy ako ng mukha.Masyado kasi akong advance magisip ..hehe.Napatawa na lang ako sa isip ko. "K-kaya lang pano ka magpapaalam sa inyo?sa asawa mo ?"alalang tanong ko. "ako na bahala dun Felicity.Basta sumama ka lang."paniniguro niya. "hindi ko alam kung pwede ako."pagaalangan ko. "b-bakit naman ?hindi naman mahirap sayo ang makapagleave di ba?" "kinakabahan ako Davis." "Saan naman?" "Diyan...diyan sa gagawin natin.Baka malaman ng asawa mo." "So ano ...hindi na natin to itutuloy?"tanong niya na halata sa mukha niya ang panghihinayang. "Hindi ko alam ,pagiisipan ko pa.Kailan nga ba yan?"tanong ko . "Sa friday na."medyo nanlulumo niyang sabi. Kahit hindi niya sabihin alam ko na nanghihinayang siya.Pinaghandaan niya iyon at pinagkagastusan. "Sige pagisipan ko."sabi ko na lang. "ok lang kung talagang ayaw mo naman ,wag mo ng pagisipan pa baka maguluhan ka pa.Ok lang sakin."sabi niya.At ibinalik na niya sa loob ng sobre ang mga laman niyon at tinago na sa bag niya. "Davis basta pagisipan ko.."Nginitian ko na lang siya . Tinapos namin ang kumain ang bumalik na kami sa opisina. Kinahapunan hindi na ako nagpahatid kay Davis.Nagyaya kasi sakin si Vianca na magdinner daw kami sa labas. "Wui,ano iniisip mo pa din ba kung sasama ka kay Davis sa Cebu?"tanong sakin ni Vianca habang kumakain sa isang sizzling restaurant. Naikwento ko kasi sa kaniya habang papunta sa restaurant yung about dun sa Cebu. "oo ,actually,naguguluhan ako.Gusto ko..kasi gusto ko siya makasama at ayaw ko naman masayang ang effort niya.Pero..."napatigil ako sa sasabihin ko at sumubo muna ng pagkain. "pero dahil sa pamilya niya kaya ka nagaalangan."pagdugtong niya sakin. Napatango na lang ako sa kaniya bilang tugon. "kung tatanungin mo ako about diyan or kung ako ang nasa posisyon mo ,siguro sasama ako...."sagot niya sakin. Napaisip naman ako lalo sa kaibigan ko.Hindi man lang ba siya magiisip pa o kung ano at sasama agad siya. "yun ay kung hindi ko pa naexperience ang ganiyang sitwasyon mo.Pero kung naexperience ko na siguro hindi na ako sasama."pagdugtong niya sa sagot niya. Mas lalo lang ako naguluhan sa kaniya.Naexperience na kasi ni Vianca ang magkarelasyon sa may asawa dati.Masaya siya kagaya ko noong una pero di naglaon nagbago din ang lahat,puro pasakit ang naranasan niya,kaya umiwas na siya sa lalaking may asawa na yun.Mabuti nga sa kaniya at nakaya niya lampasan at makawala sa ganoong klaseng relasyon. Mas lalo ako hindi nakapagdesisyon dahil sa sinabi ni Vianca. "Mas lalo ako naguluhan Vianca."natatawang sabi ko sa kaniya. "well ,nagpapakahonest lang ako sayo.Pero na sayo pa din kung gusto mo maexperience .Alam mo wala naman masama basta handa ka tanggapin ang consequences if ever.And for sure may matutunan ka kung sakali na nagkamali ka ng desisyon.Magkaiba tayo ng pinagdaanan at magkaiba tayo ng paghandle ng sitwasyon kaya walang masama sumubok."sabi niya sakin. Medyo napangiti naman ako sa sinabi niya.At list iba iba naman yang sinabi mo.Medyo nakatulong naman sakin.Sige pagisipan ko .."Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Basta magingat ka.Magingat ka kasi lalaki pa din kasama mo.At madami na yung experience sa buhay."Alam ko na ang ibig niyang sabihin doon. Hindi ko na ibinahagi sa kaniya ang pagpayag ko na makipagsex kay Davis.Actually ,isa yun sa ikinakakaba ko,parang nabigla ata ako sa pagpayag ko sa kaniya.Parang gusto ko bawiin kaya lang di ko alam kung paano. Nahihiya na akong bawiin sa kaniya.Ilang beses na siya naginiatiate na gusto niya na magganon kami kaya lang di ako pumapayag.Pasalamat ako sa kaniya at nirerespeto niya ang desisyon ko. Hindi niya ako kailanman pinilit.At hindi din siya kailanman nagalit sa hindi ko pagpayag.Kaya masaya ako sa bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD