Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong finollow ko si Roux sa i********:. Dalawang linggo na rin akong binabagabag ng mga fans niya. From 70 followers ng account ko which is a private account of mine, pumalo iyon ng hanggang 700 plus followers.
Ang daming notification araw-araw, marami rin ang nagsesend ng message, asking me how related I am to Roux at bakit daw recently followed ako nito.
There are a lot of mean messages, as well as good messages coming from his fans.
It just felt so weird that they are giving so much attention to the private life of Roux na ultimo mga following nito ay inaalam at inuusisa pa.
Sa bagay, nakakapagtaka nga naman sa account niya, 5 tao lang kasi ang finofollow niya sa IG account niya, at purong kaibigan niya lahat ng iyon, pang-anim sa akin matapos niya akong finollow.
“O ano palag kayo? Napaka-inggitera niyo! Palibhasa limang taon na kayong tigasunod ni Roux hanggang ngayon nganga pa rin ang follow request niyo! Mga bansot!” Si Luz habang pinapatulan ang tatlong babaeng humarang sa amin papasok ng library.
Hindi na rin sila nakapalag pa dahil nanlilisik na ang mata ni Luzy sa kanila at handa nang mangalmot. Ewan ko ba rito sa kanya at parang siya pa ang may kaaway kaysa sa akin na dapat na targetin ng mga fans ni Roux.
“Luzi that’s enough. Don’t be immature, hayaan mo na sila.” Suway ni Rixi sa kanya. Nirolyo na lamang niya ang kanyang mga mata at pagod na umupo sa upuan.
“Not when they are gossiping our friend Rix, huwag lang sa harap ko talaga at baka madukot ko ang mga eyeballs nila.” Ani ni Luz.
“I know but Jordi’s strong enough to fight for herself.” Si Rixi ulit.
Bumuntonghininga ako nang malalim saka nagsalita kahit na pagod na pagod ako sa klase namin dahil katatapos lang namin magpresent sa radio-broadcasting.
“Tama si Rixi, hindi mo na dapat pinatulan, saka kaya ko ang sarili ko Luz, nakalimutan mo na yata kung paano ko nabigyan ng pasa si John noong grade 7 tayo?” Pagpapaalala ko sa kanya kung saan unang pagkakataon kong napunta sa guidance office. Ang gago kasi nanghipo sa akin, mabilis pa naman umakto ang kamay ko kaya nasuntok ko siya agad sa mukha.
“Bakit kasi hinahayaan mo lang!” puno ng iritasyon ang pagkakasabi niya, mahina lang iyon dahil nasa loob na kami ng library pero mariin.
“Mas my wisdom kung hindi na papatulan pa. Ang pangit tingnan na tumahol kagaya nila kanina, parang asong ulol.” Sambit ko. Wala na kaming ibang nagawa kundi ang tumawa ng impit sa huling sinabi ko.
I know when it is the right to fight someone. Alam ko kung paano umakto sa mga ganitong bagay, and I am always weighing everything before bouncing back. Kaya ang mga ganitong bagay, hindi na dapat pinapatulan pa o bigyang atensyon, because the more you pay attention to them the more they crave for it to grow even bigger.
But if they trigger something more personal, hindi ako mag-aatubiling pumatol sa kanila.
“Jords pasama naman papuntang court, bigyan ko lang ng energy drink si Jack.” Serna said.
“Okay.” Sagot ko sa kanya at tumayo na.
Habang papunta sa gym, we talked about some random things, kinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Jack, kung paano raw ito nanligaw sa kanya. Epic daw ang unang beses na nanligaw ito, hinarana raw siya sa campus pero sa kalagitnaan ay umulan, nagsitakbuhan daw lahat ng mga estudyanteng nandoon habang sila’y nanatili roon at nag-slowdance habang kumakanta ito.
“Responsibility mo bang dapat na bigyan siya ng drinks every time my practice siya?” I asked curiously. Umiling siya at natawa sa tanong ko dahil parang ang inosente ko raw sa part na ‘yon.
“For me, hindi siya responsibility, but as her future girlfriend o kahit hindi man girlfriend at basta may pinagsamahan, you care about them. Simple gesture as it is but it’s already big to them.” She explained.
“Ikaw? Balita ko wala ka raw naging romantic relationship ever since? Bakit? Eh ang ganda mo saka maraming nagkaka-crush sa’yo ah.” Biglang sabi ni Serna.
“I don’t have any Serna, it’s not my thing, ni hindi ko alam ang salitang pag-ibig.” Sabi ko naman at mahinang tumawa. I can only define love in profession, in family, friends, and the kind of love God has given us but nothing in the aspect of romantic love.
Isa pa, with the reputation of love that my mother and father had, nakakatakot ma-involve dito, ni isipin ‘to ay ayokong gawin. Natatakot akong malamon ako ng sistemang ganito at sa huli ay ako rin naman ang talo.
Ayoko ng ganoon, ayoko.
Nang marating ang b****a ng gym ay huminto na ako, naramdaman yata ni Serna ang pagtigil ko kaya tumigil din siya.
“Hihintayin na lang kita rito sa labas, hindi ka naman magtatagal doon diba?” Sabi ko sa kanya.
“Sigurado kang ayaw mong pumasok sa loob?”
“Yes, dito lang ako sa labas.”
“Okay, saglit lang ‘to labas din ako kaagad.” Sabi niya at tumalikod na papasok sa loob. Alam ko naman na mag-uusap pa sila ni Jack, pero okay lang.
Pagkaalis niya ay sumandal ako sa may malapit na railings at nag-open ng i********:, nang ma-bored doon ay saka ko naman inopen ang f*******: ko at binisita ang page ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) para sa mga announcement nila at ibang mga paglilinaw.
Limang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin lumalabas si Serna, siguro ay kinakausap pa nito si Jack. Ilang segundo lang ay may narinig akong kaluskos at isang iyak ng pusa. Dahil sa kuryoso ako ay pinuntahan ko iyon, at doon ay nadat-an ko ang isang maliit na pusa, gusgusin, basang-basa at tingin koy bagong panganak lang. Inilibot ko ang mga mata ko at baka sakaling mahanap ko ang nanay ng kawawang pusa na ito, subalit bigo akong mahanap ito.
Dinaluhan ko ang pusa at maingat na iniangat at inilipat sa mas patag at hindi maruming bahagi. Kinuha ko ang panyo ko sa loob ng jacket na suot ko at ipinamunas ko iyon sa basang pusa saka doon ko siya inilapag.
Kinausap ko ang pusa kahit alam kong hindi naman niya ako sasagutin sa mga tanong ko, ngunit tanging nakuha ko lamang sa kanya ay ngawa.
“Anong ginagawa mo?” Sabi ng isang matipunong boses sa likuran ko. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa pagkagulat, at sa pagkagulat kong ‘yon ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na mga mura.
I realized that it was Roux who’s behind why my heart was beating erratically out of nervous. May balak pa yata ako nitong patayin sa gulat e.
“Sorry, ‘di ko sadyang gulatin ka.” Sabi niya. Pinilit kong huwag irolyo ang mga mata ko sa harapan niya pero nagawa ko na. He apologized again for the second time.
“Bakit ka ba kasi pasulpot-sulpot?” Inis na sabi ko sa kanya.
“Sabi kasi ni Serna kausapin daw kita rito sa labas at baka nabagot ka na kakahintay sa kanya. Bakit ‘di ka na lang sumabay sa kanya?”
“Ayokong pumasok, wala naman akong kakilala roon.” Diretsang tugon ko sa kanya.
“Bakit? Kilala mo naman ako ah? You even followed me on i********: right?” Tila may bahid ng pagtatampo ang boses niya.
“Bakit din? Close ba tayo para puntahan kita? Saka ano ngayon kung-finollow kita? Na-memeasure ba ang pagiging close ng dalawang tao dahil finollow ka sa IG?” I fired back.
“Fine, how close do you want it to be to say that you know me?” He asked seriously.
“Kapag sinabi ko ng samahan mo ako kapag pupuntang museum.” Diretsang sagot ko.
It was a random thing lang na pumasok sa isip ko para masagot ang tanong niya. Because his question was kind of biglaan. But apart from it, totoo naman iyong sinabi ko. I’d like to visit museum and know about a lot of history with the person I can be trusted with.
“Ilalagay ko na ba ‘yan sa bucket lists ko?” Tanong niya. Hindi ko magets ang sinabi niya kaya mas lalong nangunot ang noo ko.
“Ha?” Tanging nasambit ko.
“Sabi ko, isasama ko na ba sa bucket lists ko ang maging close sayo?” Sambit niya. Binasa nito ang ibabang labi niya gamit ang dila nito at inangat ang kilay nito, tila naghihintay nang sasabihin ko.
His posture can tell how athletic he is, his shoulders are so manly, hindi siya ganoon ka well-built pero mafe-feel mong malakas at matigas iyon. Not that I am observing him but because the distance between us made me feel like I have to observe his body.
“Ewan ko sayo, ang labo mo.” sabi ko.
“Come on Mags, I wanted to be your friend also,”
“Huwag na, marami ka nang kaibigan, mayroon din naman ako, ayoko ng dumagdag ka sa listahan ng pagbibigyan ko ng atensyon.” Pabalang na sagot ko sa kanya.
“Fine, kung ayaw mong bigyan ako ng atensyon then ako ang magbibigay sayo, hihigitan ko pa.” Tumaas ang kilay ko sa nasabi niya pero ngiti lang ang nakuha ko mula sa kanya.
Umiling na lamang ako at umalis sa harapan niya nang makita ko si Serna na naghahanap sa akin sa labas kaya tinawag ko ang pangalan niya at pumunta sa puwesto niya.
Nang makalapit na sa kanya ay nilingon kong muli si Roux na nahuli kong nakatingin sa akin.
Kumaway siya sa akin at ngumiti.
“Paki-alaga ng pusa, dalhin mo sa safe na lugar!” Sambit ko gamit ang sapat na boses para marinig niya. I got nothing but a salute from him.
Friday has come to an end. Papa and I decided to watch a movie, which is our way of bonding after a long and tiring weekdays. We asked each other about what happened on those week, what difficulties we both faced, kung anong ganap sa school, sa trabaho niya, at kung ano-ano pa.
Papa’s soft side shone every time we’d talk about these random stuffs, and I observed how good he is as my father, how proud he is to me in my short lists of achievements, and how interested he is to know what have I done on those days, na kapag nag-rarant ako sa kanya tungkol sa klase namin at sa iba pang mga bagay parang hindi na siya pagod. That my stories and rants became his refuge and peace.
And sometimes when papa looked at me like I was his most precious thing, I begin to wonder what would it be if my mother is here, or the separation they had never happened in the first place? Magiging okay ba ang lahat sa akin? Mas magiging masaya kaya si papa o mas magiging miserable?
And back to basic, that was just a wonder. Things happens and that’s that.
Okay naman kaming dalawa lang, okay naman siguro kami.
The moon witnessed all the nights I cried for my mother, and the night I cried because my father is crying silently. Sa puntong iyon, ipinangako ko sa sarili ko na ‘yon na ang huling pag-iyak ko. Hoping that the next crying session that I’ll have is the tears of joy and nothing more.