I was always on the shadow, I was always the silent type but more like know how to fight for herself. Hindi ako ganoon kaingay pero nagmumura ako, pero hindi rin naman ako tumatahimik kapag alam kong inaagrabyado ako lalo na at kung wala naman akong kasalanan at lalo na kung hindi naman kita kilala.
Now, I was locked in the restroom alone with these two unknown girls in front of me. As far as I know, wala naman akong kaaway ever since I stepped my foot in this University, pwera na lamang kung mga fans na naman ‘to ng hinayupak na Roux na ‘yon.
“Napakalandi mo!” Mariing sabi ng babaeng mukhang harina na dahil sa sobrang puti ng mukha nito. Nilagay niya yata sa mukha niya lahat ng glutathione.
Pagod ko siyang inirapan matapos kong hugasan ang kamay ko. Baka ihampas ko pa ‘to sa kanya ang palad na ipinanghugas ko. Kakajebs ko lang tapos susulpot sila ng ganito?
And when did I flirt?! Hindi ko alam iyon.
“Excuse me.” Kalmadong sabi ko sa kanila at aakmang aalis na pero hinarangan lang nila akong dalawa, hindi pa nakuntento si Ms. Harina at tinulak pa ako kaya napasandal ako sa sink.
“Problema niyo ha?” Iritadong tanong ko, ayokong pumatol dahil baka malate ako sa klase ko, not with my major subject dahil si Ms. Abella ‘yon.
I prayed to God to give me more patience na huwag patulan ang dalawang babaeng ito.
“Problema namin? Ikaw! Dahil ang landi landi mo! because of you leah and Roux broke up!” Sabi ni Ms. Harina. Bumuntonghininga ako nang malalim, Lord wala po talaga akong panahon na patulan sila, ayoko pong mamarkahan ng absent ni Ms. Abella, okay lang sa ibang professors pero huwag lang talaga sa kanya.
Godforsaken, who’s Leah anyway?
“Daig nga naman talaga ng malandi ang maganda.” Dagdag pa ng kasama niyang mas mahaba pa ang baba nito kaysa kay babalu.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo. Now move kasi malalate ako sa klase ko.” Sinadya kong dumaan sa gitna nilang dalawa kaya medyo na-out of balance silang dalawa. Hindi ko pa nahahawakan ang door knob ay may humila na sa buhok ko.
“How dare you b***h!” Nakakarinding sigaw niya saka hinigpitan pa ang pagkakahawak sa buhok ko. Kung kanina ay puting-puti ang mukya niya, ngayon naman ay para siyang naging kamatis dahil buong mukha niya na ay namumula.
Iyong isang kasama naman niya ay tamang tayo lang sa gilid at nagcheer pa kay Harina na parang tangang uod.
“Anong karapatan mong hawakan ni hibla ng mga buhok ko?!” Sigaw ko ng itulak ko siya nang buong lakas. As much as possible I don’t want to impose violence, not with my bare hands. Susugod pa sana siya pero umurong bigla nang tapatan ko rin siya ng mariing tingin, natakot yata.
“Imbes na awayin o sugurin niyo ang isang tao at magsayang kayo ng oras niyo at oras ko, inaral niyo na lang sana sa mga subjects niyo. ‘Di na kayo naawa sa mga magulang niyo na nagtatrabaho.”
“Ganoon ba ang purpose ng mga mgulang niyo na pag-aralin kayo para manakit ng kapwa? Then think twice again, nag-aaral ako ng maayos at hindi para manggulo. Now, excused me muna dahil late na ako, salamat sa inyo.” Sabi ko at iritadong isinara ang pinto ng cr nang napakalakas na siyang ikinagulat nilang dalawa sa loob dahil narinig ko pa ang sigaw nila.
Noong nakabalik na ako sa classroom hindi na ako nagtaka pa na naroon na si Ms. Abella at nagsisimula nang magturo. Sinenyasan ako ni Serna na huwag nang pumasok dahil automatic absent naman din daw ako kaya hindi na ako pumasok at naghintay na lamang ng isang oras para pumasok sa next subject ko. Inis na inis ako kaya napagdiskitahan ko na lang ang mga bato.
Matapos ni Ms. Abella ay pumasok na ako ulit sa classroom dahil P.E time namin.
We all changed from the official P.E uniform of the university. It was a combination of blue and white color.
Sa University’s grand stand ang venue namin buong semester. Malapit iyon sa building ng engineering kaya ang mga kaklase ko ay todo ayos before kami pumunta dahil madami raw mga gwapo sa department na iyon, useless lang din naman ‘yon dahil magsasayaw kami mamaya kaya haggard ang magiging itsura nila.
Naghintay lang kami nang ilang sandali sa P.E instructor namin na si Sir. John, maya-maya ay dumating din naman siya. Nag-sorry pa siya sa pagkaka-late niya dahil nagka-emergency daw sa faculty.
Sinabi niya sa amin kung anong sayaw ang gagawin namin ngayon at kung ano ang mga basic steps nito. It was hard when he first introduced the steps but as we keep on redoing, we slowly cope with the pacing of the dance.
Nang magtagal ng 30 minuto ang pag-aral ng mga steps na iyon sa sayaw na Jazz ay nagdesisyon akong i-bun ang buhok ko dahil naiinitan na ako at tagaktak na rin ang pawis ko. Dumikit ang ilang hibla ng mga buhok sa likod ng aking batok, hindi ko na ito naayos pa dahil magsisimula na ulit kami.
“Wow, ngayon lang kita nakitang nag-bun ng buhok Jord!” Sigaw ni Kim matapos akong masulpayan, nag-thumbs up pa ito sa akin. Dahil sa sigaw na iyon ni Kim ay napatingin din ang iba ko pang kaklase sa akin at sinabing bagay na bagay daw sa akin ang ganoong hairstyle.
“Ang ganda mo Jordi, bagay sayo.” Puna ni Maren sa akin sa mahinhin nitong tono at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik bilang tugon.
Na-feel ko sa panahong iyon na parang privilege na kausapin niya ako dahil minsan lang naman siyang nagsalita. Maren is more like a reserve type of a woman, and I like how demure she is naturally. Unlike any other girls out there na halatang pabebe talaga.
“Salamat, ikaw rin ang cute mo sa ponytail.” Sabi ko naman sa kanya, nahiya pa siya sa akin at nagblush dahil sa komento ko sa kanya. She’s cute though.
We all continued in learning the basic steps, nakakapagod pero okay lang dahil nag-eenjoy naman kaming lahat. We’d sometimes laugh because our other classmates would joke and some are laughing because they couldn’t dance well or memorize the steps, isa na ako roon sa mga hindi biniyayaan ng galing sa pagsayaw.
Sa gitna ng pagiging busy ko sa pagsasayaw ay napasinghap ang halos lahat ng mga kaklase ko. I was facing them so basically nakatalikod ako sa kung sino man ang dahilan ng pagsinghap nila nang sabay.
Lumingon ako dahil na-curious ako sa naging reaksyon nila. It was a full force of engineering students who just came out in their room. I spotted Roux there wearing his usual smile.
Akala ko naman kung ano. Sinuway sila ni Sir John na bumalik na sa puwesto dahil malapit nang matapos. Mas lumakas pa ang pagsinghap nila noong umupo malapit sa amin ang kakalabas lang na mga engineering students pati na rin si Roux at umupo roon para manood.
Sinipat ko siyang nakatingin sa akin at tinaasan nang kilay pero nagkibit-balikat lang ito sa akin. I would sometimes took a glance at him and frown but he’d just smile at me.
“Go Maggy!” He shouted. Sinamaan ko siya nang tingin, nahiya ako nang tapat dahil nagsitawanan ang mga barkada niya, hindi ko alam kung tumawa ba sila dahil ang pangit nang sayaw ko o dahil sa pagsisigaw-sigaw ni Roux.
“Nahihiya na po yata si Jordi sa mga bagong dating na boys Sir kaya hindi makapag-concentrate!” Pang-aasar ng mga kaklase ko.
I groaned inwardly. Tumawa si Sir John at ang mga kaklase ko. I feel a slight blush, not because it was true but because I’m shy. Buong engineering ba naman ang nakatingin sayo.
“Totoo ba ‘yon Ms. Rivera?” Natatawang tanong ni Sir John sa akin. Sunod-sunod naman ang ginawa kong pag-iling sa kanya nang hindi hinaharap si Roux o kahit sa sinong mga kasama nito. Rinig ko pa rin kasi ang mga tawa nila. Mga hinayupak, kala mo naman ang galing sumayaw.
I know that my dancing skills are really awful, they don’t need to laugh at me. And even from my peripheral vision, Roux’s eyes is sticking on me and was grinning. Natutuwa pa yata siya na pinagtatawanan ako. Ang gago lang.
“Maghintay na lang kayo sa gym Mr. Salvatero dahil nahihiya ang isa sa mga studyante ko,” he said.
I heard again the laughs of my classmates, and they teased me even more, tingin ko’y namumula na ako sa iritasyon. Naramdaman ko pa ang mahinang pagsuntok sa akin ni Serna.
“Ikaw ha, akala ko interview lang ang ganap bakit may pa Maggy ng tawagan?” Serna said and then laughed again. Sir John cleared his throat. Sinuway na rin niya ang mga kaklase kong nang-aasar pa rin sa akin.
“Continue guys, 10 minutes left.” Sabi ni Sir John.
Hindi ko na talaga pinagpatuloy pa ang pagsayaw, hinintay ko na lang na matapos ang buong sampung minutong iyon. Nawala lahat ng pagod ko at napalitan na iyon ng iritasyon dahil sa kanina.
Kahit na naroon pa rin sina Roux at ang mga kasama niya, hindi na ako nag-atubiling tapunan sila ng tingin. Nag-ayos lang ako ng gamit ko at naglakad na paalis. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na rin pinansin dahil naiinis ako.
Hindi kami sabay umuwi nina Rixi at Luz dahil may mga gagawin pa sila, si Luz may group project, si Rixi naman ay overtime rin sa school works dahil tambak din ang gawain niya. Kaya heto ngayon at mag-isa ako sa tapat ng school at nagbabantay ng jeep na masasakyan.
My mind was pre-occupied when I checked messages in my sss account not until I saw Roux on his jersey uniform and jersey shorts outside the gate, walking like a model. He was playing with his car keys, while his other hand is holding his duffel bag.
Nakita kong napasinghap sa kilig ang grupo ng mga babaeng dumaan sa unahan ko at biglang napatigil sa paglalakad.
They blocked my view from seeing him, but even with a very small spot of a hole between those group of girls in front of me, our eyes still managed to met.
“Grabe ang gwapo talaga niya, bukod sa magaling mag-basketball ay matalino rin. This is what I meant with total package guys!” Sabi ng isang babae at napakagat pa sa kuko nito.
“Kahit anakan lang ako nito at iwan okay na ako basta’t may lahi akong Salvatero!” dagdag pa nito. Pabiro naman siyang hinampas ng mga kasamahan nito sa braso.
Habang papalapit siya sa pwesto ko ay parang dinadaga ang dibdib ko. Hindi dahil sa kung ano kundi dahil sa mga matang unti-unting sinusundan siya nito pati na ako. Here we go again, the kind of spotlight I don’t like.
Magulo man nang konti ang itim nitong buhok, parang mas lalo lamang itong nakadagdag ng tindig at angas niya.
Hindi pa man siya tuluyang nakalapit sa akin ay may tumawag na sa pangalan niya, siguro isa sa mga teammates niya dahil naka-jersey din ito katulad ng suot niya. His jersey uniform’s name was Agustin #3.
Kumaway siya rito at sumenyas ng sandali. Nang makalapit na siya sa akin ay hindi ko maiwasang mangunot ang noo ko. Napatuwid ito ng tayo, siguro’y kung susukatin ang distansya namin ngayon ay nasa dalawang metro lang iyon.
“Hi.” He said and smiled.
“Hi. May kailangan ka?” sabi ko.
“Uh, wala naman, just to say hi I think.”
I nodded at him. I took a glimpse of the person who called him then I brought back my focus on him.
“Practice game?” I asked and he nodded. We were then embraced with silence after that for almost 5 seconds. Magtatanong na nga sana ako kung hindi pa ba siya aalis o may tanong pa ba sya dahil naghihintay iyong kasama niya pero ay tinawag niya ako.
“Mags…” he called me.
“Hmm?” sabi ko at naghintay ng susunod niyang sasabihin.
Kung kanina ay medyo okay lang dahil hindi ganoon karami ang estudyanteng lumalabas, ngayon ay naalerto na ako dahil mas dumami iyon pero siya ay parang walang pakealam kahit buong mga mata ng estudyante ay nakatutok sa aming dalawa.
He scratched the back of his head na parang nahihiyang magsabi ng agenda niya sa akin.
“Birthday ko pala bukas..punta ka, please.” He softly said.