“Do you wanna come? Kung busy ka, okay lang pero kung hindi naman, magsabi ka lang at susunduin kita.” He said again after 3 seconds that I didn’t respond to his question. Bakit niya ako iimbitahin all of a sudden?
“Okay lang kung may gagawin ka.” He added.
I stretched out my neck a bit dahil nakaramdam ako nang ngalay roon dahil matangkad siya sa akin at hanggang leeg lang naman niya ako.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang umakbay sa akin. It was Luzi who’s smiling widely at me and then turned her gaze on Roux and they do the high five thing.
Napataas agad ang kilay ko dahil roon, kailan pa sila naging close na dalawa? I wasn’t informed.
“Anong pinag-uusapan niyo?” Tanong niya kay Roux.
“I was just inviting your friend on my birthday.” Sabi naman nito.
“Talaga? Marami bang inumin?” Luz again asked him. Tumango ito at tumawa.
“Eh ‘yong boys? Marami rin? Mga pogi rin ba?” Sunod-sunod nitong tanong.
“Probably there are boys, buong basketball team yata ang pupunta.” Sagot naman nito. Napahiyaw si Luz dahil doon kaya napasapo ako sa noo ko. Okay, nag-uusap silang dalawa na parang wala ako rito.
“Sige, pupunta kami.” Luz said. Pinandilatan ko siya ng mata at patagong kinurot sa tagiliran nito. Gago desisyon din talaga nito eh.
“Busy akong tao. May bible study kami bukas ng gabi.” Sambit ko sa kanilang dalawa.
“7:30 naman natatapos ang bible study niyo Jord, okay lang yan, ipagpapaalam na kita kay Tito ako bahala,” Ani Luz na parang tangang tinatapik-tapik pa nito ang dibdib niya at parang nagbibigay talaga ng assurance sa sinasabi nito. Napakamot na lamang ako ng ilong ko.
“Di mo sure desisyon ni papa,”
“Wala ka bang bilib sa pawer ko Jordi Margaret? Pinagkakatiwalaan ako ni Tito kaya sure akong papayag ‘yon.”
“Ewan ko sayo.”
“Pupunta kami, final answer.” Si Luz bago nagpaalam si Roux sa amin dahil tinawag siyang muli noong si Agustin.
“Tangina mo talaga.” Sabi ko sa kanya bago kami nagtulakan at pumara ng jeep para umuwi.
Tinotoo talaga nitong magpaalam kay papa kaya sumama sa aking umuwi at pumunta sa bahay namin para ipagpaalam daw ako ng mas maaga.
Ayoko talagang pumunta honestly kasi may gagawin ako, hindi naman siya ganoon kabigat na gawain pero gusto ko kasi na maagang natatapos ang mga gawain ko sa school para wala nang iniintindi.
Since knowing Luz, alam kong hindi ‘yon papayag na hindi ako pumunta, kinontak na nga nito si Rixi kung available bukas sa birthday party pero tumanggi ito, nangulit pa siya ng todo pero hindi na rin nakipagtalo kasi si Rixi iyon, responsibility first before anything else ang motto ng babaeng iyon.
Kung maka-invite siya kala mo talaga birthday niya.
“Kung makapag-invite ka parang birthday mo ah?” Sabi ko nang maihatid ko siya sa labas ng gate namin.
“Gago, nagchat naman ako kay Salvatero kung counted bang imbitahin ko iyong isang bestfriend natin, eh pumayag naman iyong tao pero since hindi naman available si Rix, tayong dalawa na lang.” Sabi nito habang hawak-hawak ang cellphone at nagcha-chat yata dahil tunog nang tunog ang messenger app nito.
“Hanep, kailan pa kayo naging close? May pa chat-chat pa?” Tanong ko.
“Hoy wala iyon, huwag kang magselos sis, hindi ko type si Roux, hindi ko tipo ang mga approachable kasi gusto ko iyong sinusungitan ako, iyong tipong hindi ako nag-eexist, parang ganun.” Hinampas niya pa ako matapos niyang sabihin iyon at tumawa na parang tangang kinikiliti.
“Para kang tanga Luzinda.”
“Ehehehe, enebe kenekeleg kese eke sis.” Tinulak ko na siya paalis at sinamahang maghanap ng trycicle para makasakay na siya. Malapit lang naman ang bahay niya sa amin, dalawang kanto lang ang layo, kaya mas madalas siya rito tumambay sa bahay kapag hindi masama ang timpla ng ulo ng tarantadong tatay nito.
For the entire years that Luzy’s been growing, naging tatlo ang tatay niya.
Her first biological father died because of stroke, the second one cheated and what’s worst is that he cheated with her closest aunt and it broke her heart so bad. Now, the third and the current one was a good for nothing and she’d say that always. May anak ito sa unang asawa, at iyong anak nitong babae ang nagpapahamak palagi kay Luzi sa loob ng bahay nila kaya hangga’t maaari ay hindi talaga nananatili roon si Luz sa bahay nila.
Pagkaalis na pagkaalis ni Luz ay pumasok na rin ako sa bahay, I did my usual night routine before going to bed and sleep in peace.
“Alam mo bagay na bagay talaga sayo kapag may ipit Jord,” saad ni Kim. I smiled shyly at the thought of it.
“Wala eh, ang init kasi talaga.” Sabi ko naman.
“Sabagay, parang anytime malalagutan ako ng hininga kapag lumabas ako sa school grounds.” She cringed.
It was a lazy and tiring day for me, nakaka-drain ‘yong mga project na pinapagawa tapos sabay-sabay pa ‘yon.
Luzinda on the other hand kept on reminding me through text messages about Roux’s birthday. Napapa-ikot na lang ang mga mata ko sa sunod-sunod nitong message sa akin, ayoko talaga sanang pumunta kasi gusto kong matulog. Ang kaso lang ay sentro na naman ng galit si Luzi sa kanila kaya ayaw niyang umuwi at gustong mag-inom.
“Ano na Jordi Margaret?! Tangina ang bagal mo kumilos! Alas sais y medya na shunga ka! Traffic sa Pilipinas ghurl baka nakakalimutan mo!” Sigaw ni Luz sa labas ng kwarto ko.
“Tangina mo rin! Ito na!”
Dali-dali kong kinuha ang itim na sling bag ko at isinukbit ito sa balikat at kaagad na lumabas.
Pagkalabas ay sinalubong kaagad ako ng mukha niyang hindi ko maintindihan ang ekspresyon kung naiinis ba ito dahil ang bagal ko kumilos o dahil late na talaga kami?
“Tanga! Club ang pupuntahan natin hindi tree planting!” Puno nang inis na singhal niya sa akin bago pumasok sa kwarto ko at siya na ang naghanap ng susuotin ko.
Nagreklamo pa siya nang wala siyang makitang damit na bagay sa party-look daw, in the end ay kinaltukan niya ako sa ulo na ginawa ko rin sa kanya.
Fortunately may baon naman siyang isang damit pa sa bag niya kaya iyon ‘yong pinasuot niya sakin.
Isa iyong crop top kaya hapit na hapit sa tyan ko at kita talaga ang pusod ko kahit anong pilit kong pababain ito, hindi rin nakatulong ang high waisted jeans ko para matabunan iyon.
Tinanggihan kong suotin iyon noong una dahil hindi talaga ako komportable sa damit na iyon at hindi ako nagsusuot nang ganoon. But she said we don’t have time anymore para maghanap pa ng damit.
On our way to the said venue of the club that Roux mentioned with Luzi, he keeps on messaging me through i********:, magrereply na sana ako kaso ay tumama naman na nag-expire na ang data connection ko kaya naiwanan kong seen lang ang message niya sa akin.
Noong dumating na kami at pumasok sa loob, halos mapamura ako dahil sa dami ng tao. Ang iba ay pamilyar sa akin pero halos lahat ay bago sa paningin ko. I even saw Serna with Jack kaya nagkamustahan kami, meanwhile I introduced Luz to them kaya medyo nagtagal kami sa table nila.
Knowing Luzi how approachable and easy to talk with, naging kaibigan niya agad ang mga taong nandoon sa table bukod kay Serna at kay Jack.
“Nasaan na iyong birthday boy?” tanong ni Luz.
“Ha, eh nagpaalam iyon na tatanawin kayo sa labas, kanina pa iyon eh! Akala ko nagkita kayo?” sigaw ni Serna dahil malakas ang tunog ng music sa loob kaya literal na sigawan talaga kami.
“Hindi namin siya nakita sa labas!”
“Puntahan mo kaya sa labas? Kanina pa iyon eh.” Muling saad ni Serna sa akin.
“Oo nga, hanapin mo sa labas Jords.” Sabi naman ni Luz at tinulak pa ako.
“Huwag na, dito ko na lang siya babatiin kapag pumasok na siya ulit.” But Luz would always be Luz.
Forcefully, naglakad ako at hinanap siya sa labas. Hindi ko siya agad natanaw kaya napapunta ako sa parking lot. May mangilan-ngilang tao ang naroon, some are lovers and just doing some fine of wonders in their life.
I don’t judge them, it’s their body and their choice, and I have no say with that. Pero mostly ang naroon ay mga grupo ng mga lalaking naninigarilyo.
I was about to walk back inside the club but I spotted Roux under the tree near the yellow car, nakatalikod siya sa akin, kita ko rin ang isang stick ng sigarilyo sa kanang kamay niya na nangangalahati na. Medyo nagtagal ang titig ko sa kanya dahil baka nagkamali lang ako ng tanaw.
Doon ko lang nakumpirmang siya nga iyon nang makita niya ako. I took that as a signal to come near him.
“Hi, sorry did I disturbed you?” Umiling siya sa akin, at tinapon sa may damuhan ang sigarilyo niya at inapakan iyon. Dahil malapit siya sa akin, lumayo ako sa kanya ng isang metro dahil naaamoy ko ang sigarilyo sa kanya. Masakit sa ilong.
“Bakit ka umatras?” He asked.
“You smoke right?” I asked him and he nodded shyly as if he look like a teenager who got caught by her mother smoking.
“Sorry, bawal ako sa amoy ng sigarilyo dahil malala ang sinusitis ko kaya gano’n,” Paliwanag ko sa kanya at doon ay unti-unti siyang tumango.
“Ok, I’ll take note of that.”
“I thought hindi kayo makakapunta, kanina pa ba kayo sa loob?” he asked.
“Oo, pinapunta ako ni Serna rito para hanapin ka dahil kanina ka pa raw naghihintay dito para tanawin kami?”
“Yeah, but I didn’t see you though.”
“Ah, that’s okay…” Pagkatapos noon ay binalot kaming dalawa nang katahimikan. Nang wala siyang sasabin ay ako na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.
“Happy birthday,” I said.
“Thank you Mags,”
“Pasensya na, wala akong dalang regalo.”
“No, it’s okay. Your presence is already enough.”
Tumikhim ako at saka tumanaw sa gilid at saka ibinalik ang tingin sa kanya.
“Okay. Pasok na siguro tayo sa loob.” Sabi ko sa kanya, and he nodded so I took that opportunity to walk.
Nauna na akong maglakad sa kanya, but suddenly he called me kaya napatigil ako para lingunin siya.
“Mags,” he called.
“Bakit?”
“Thank you sa pagpunta.” He said
“Thank you rin sa imbitasyon.”
“I will not smoke anymore,” Dagdag niya. Kahit man hindi ko makuha kung bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon ay tumango na lamang ako.
“Okay that’s good. Just be healthy, athlete ka diba.” Sabi ko naman sa kanya.
Maybe, nahiya siya sa akin na nakita ko siyang naninigarilyo or what?
But honestly, I don’t mind him smoking, just like what I said, it’s his body, it’s his choice, and whatever he do in his life hindi ako kasali roon.
It’s not like I have contributed something to his entire existence here on earth.