Chapter 1

3689 Words
"BIRTHDAY NA BIRTHDAY mo nakabusangot ka." Puna kay Aya ng kanyang bestfriend na si Rizza. "Hindi lang basta birthday, debut mo pa. Hindi pa man nagsisimula ang party ay nagmumukha ka nang haggard." Sino ba naman kasi ang hindi bubusangot kung ang escort mo ay hindi yung taong gusto mo kung hindi yung taong kinaiinisan mo? Though, wala naman siya talagang gustong lalaki sa ngayon, paano naman niya maitutuon ang pansin sa iba kung sa bawat segundo, minuto at oras sa araw-araw, buwan-buwan at taon-taon sa loob ng 18 years ay nakatuon sa pakikipagtalo sa mayabang at masungit na si Lander ang pansin niya. Every since she's seven, she really been dreaming that on her debut her escort would be the person she likes while she's wearing a very beautiful gown but unfortunately, her escort is her number one rival since she's a baby pero dapat inexpect na niya na ang mokong na iyon ang magiging escort niya. "Nakaka-badtrip naman kasi. Bakit kailangan pa kasing siya ang maging escort ko sa debut ko?" Naghihimutok na sabi niya sa matalik na kaibigan. "I want to enjoy this night and not waste my time trying to win an argument with that jerk." "Hindi ba nag-eenjoy ka naman na makipagtalo kay Lander, para nga kayong may sariling mundo kapag nagtatalo kayo." Pang-aasar nito. "Kaya ayusin mo na 'yang mukha mo." Tiningnan niya ito ng matalim. "How could you say that I'm enjoying arguing with that moronic jerk? It was always so frustrating and a waste of time." "And you're wasting time sulking here, Witch." Seryosong sabi ng kung sinong nasa may pinto ng kuwarto sa isang five-star hotel kung saan sila naka-check-in para ayusan sila at nagbihis ni Rizza para sa party na inorganize ng parents nila para idadaos ang birthday nila ni Lander. Sabay silang napatingin ni Rizza sa may pinto at nakatayo doon si Lander na nakakunot-noo at tila inip na inip. "Come on, the guests are waiting." No wonder many girls swoon over him, he's a dashing debonair in his dark grey tuxedo but that doesn't affect her. Kilalang-kilala niya ang likaw ng bituka ng mokong na iyan, ito ang kontrabida sa buhay niya at kapag nasa paligid ito ay siguradong masisira lang ang araw niya kahit gaano pa siya kasaya. "I'm out of here, lovebirds. Baka hinihintay na rin ako ng lovey ko." Singit ni Rizza sabay labas ng pinto. "Don't take too long." "Come on, let's go." Sabi ni Lander nang makaalis na si Rizza. "Everybody is waiting." "What if ayoko?" Tinaasan niya ito ng kilay sabay halukipkip mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin. "Don't be such a brat, Aya. Kanina pa naghihintay ang mga bisita sa atin, kaya tumayo ka na diyan kung ayaw mong buhatin pa kita ng mala-sako ng bigas diyan para lang sumama ka." Panghahamon nito sa kanya pero hindi man lang siya natinag at binigyan niya ito ng matalim na tingin. "Ayami Salcedo, don't you try me, I'm not joking! At the count of three and you didn't move your pretty ass from that chair, I'll certainly carry you like a sack of rice! One!" She pouted now while glaring at him. "Two! Aba't~" naiinis na sabi ni mokong. "Thr~" "Heto na nga! Tatayo na po!" Kilalang-kilala niya ito halos lahat ng sinasabi nito ay tinutotoo nito. Napangisi ito ng padabog na tumayo at kinuha niya ang pouch niya na katerno ng pink princess strapless ball gown niya bago lumapit dito. "You're such a tyrant jerk." Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at isinampay sa kanang braso nito, she glared at him again. "Let's go." Nanghahaba ang kanyang nguso habang naglalakad sila nito sa hallway. "Can you at least smile? It's our birthday. Kahit buong magdamag ka pang bumusangot at ngumuso diyan ay hindi na mababago na ako ang escort mo ngayon, saka wala ka naman crush at boyfriend ah, ba't ka nagmumukmok." Binelatan niya ito. "Gusto ko lang, bakit ba?" "Loka-loka ka talaga." "Pakialam mo?" Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto na rin siya pero hindi nila napansin na nasa may puno na pala sila ng hagdanan kung saan sila baba para makarating kung saan naroroon ang party. "Let's welcome the~" He glared at her and pinched her nose tightly. Hinampas niya ang kamay nitong nakahawak sa ilong niya dahil nasasaktan na siya saka sigurado sobrang namumula na ang ilong niya. "You're really such an insufferable moronic jerk!" Sigaw niya rito at piningot ang tenga nito. "Lagi mo na lang pinagdidiskitahan ang ilong ko." "At lagi mo na lang akong pinipingot sa tenga!" Sigaw rin nito. Pero kahit na nag-aaway sila ay hindi pa rin niya inaalis ang pagkakakapit sa braso nito, mas humigpit pa nga ang pagkakakapit niya rito. At habang nasa sarili na naman silang mundo at nagtatalo ay pinapanood lang sila ng lahat ng mga bisita nila na nasa baba, may napapakunot-noo at may natatawa. "Hay naku, bulabugin na ninyo ang dalawang iyan at nasa sarili na naman nilang mundo." Sigaw ng isa sa kabarkada ni Lander. "Aamagin tayo rito kapag walang umawat sa dalawang iyan." "Ako na nga, kapag hindi na naman natinag ang dalawang iyan, alam na." Nakangising pagbo-volunteer ni Rizza saka lumapit sa host ng party at hiniram ang microphone. "Calling the attention of the LanAya loveteam who are lost in their own planet lovebird, please comeback to planet earth for your birthday party." Pero hindi sila nagtinag at tila walang narinig, diretso lang sila sa pagtatalo at pagkukurutan saka pingutan, napabuntung-hininga si Rizza bago ngumisi saka kumindat sa mga kabarkada ni Lander kaya naghiyawan ang mga ito. "Do you Ayami Salcedo take Lander Montano to be your lawful wedded husband for the rest of your life 'til death do you part?" Biglang sumigaw si Aya ng 'Of course!' na hindi alam ang nangyayari sa baba. "Then, do you Lander Montano take Ayami Salcedo to be your lawful wedded wife for the rest of your life 'til death do you part?" Sumigaw naman si Lander ng 'Oh, sure, I would really do that!' "Then, I pronounce you husband and wife, you may now kiss your wife, Lander!" Natigilan ang dalawa sa pagtatalo at nakangangang napatingin sa baba ng dahil sa narinig mas na kay Rizza ang atensyon nila na nakangisi at kinindatan sila, kaya nagdesisyon silang bumaba na. "Ladies and gentlemen, let's welcome the newlyweds, Mr. Lander Montano and Mrs. Ayami Salcedo-Montano. Let's give them a big round of applause." Sinakyan naman ng lahat ang sinabi ni Rizza habang tumatawa habang nakasimangot naman ang dalawa na nakababa na. Inabot na ni Rizza sa host na nakangisi ang microphone at kinindatan ulit sila ni Rizza bago bumaba ng stage. "Congratulations, Lander and Ayami!" Sigaw ng lahat. "Best wishes!" Napangiwi na naman yung dalawa, hindi naman ito ang unang beses na ginawa ng mga kaibigan nila iyon sa kanila kapag nagtatalo sila. "Bestie, magbalae na tayo!" Sigaw ng mommy ni Lander at tila naiiyak pa ito saka binalingan ang asawa na nakangisi lang. "I'm so happy, darling. Our baby boy is now married to Aya." "Oo nga, kay tagal nating hinintay ito. Malapit na tayong magkaapo." Sang-ayon naman ng mommy ni Aya at naiiyak na din, saka binalingan ang katabing asawa. "Hon, may asawa na ang baby natin, sooner or later, she'll have her own babies." "Tama ka, Hon. Nakakalungkot man na hindi na lang tayo ang mamahalin niya ngayong may asawa na siya ay masaya pa rin ako dahil kay Lander siya nagpakasal." Mas lalong napasimangot yung dalawa sa narinig mula sa kanilang mga magulang na para namang totoong kasal talaga ang nangyari. "That's a very surprising event. Hindi na lang pala ito birthday party, it's now a wedding reception, too." Sabi nong host. "Now, birthday celebrants s***h newlyweds, take your place in your throne. Let's start the program with the parents' message for them." Sa unahan ay may isang couch na kasya lamang ay dalawang tao, magkatabing naupo sila doon at hindi nag-iimikan baka kasi magtalo na naman sila. Umakyat na sa stage ang parents nila, inabot ng host sa mommy niya ang microphone. "Before, we give our message to the newlyweds. In behalf of my husband and balaes, we want to thank you all for coming to birthday party s***h impromptu wedding of our children." Napatawa naman ang lahat. "Mom, magseryoso naman kayo." Sita niya sa ina. "Baby, I'm serious." Sagot naman nito. "So, going back. We really appreciate that you came and enjoy the night. For the newlyweds, sana mabigyan ninyo agad kami ng apo at dahil nga impromptu lang ang kasalan na nangyari hindi namin napaghandaan ang honeymoon trip para sa inyo but we have a gift for you that fortunately became appropriate for the sudden event. Good thing naisip namin iyon. Mga anak, alam kong nag-aaral pa kayo pero sabik na talaga kaming magkaapo kaya kung pwede lang simulan na ninyo ang paggawa after this party, request iyan ng mga daddy ninyo para naman daw may baby na silang malalaro ulit. Don't worry, hindi naman namin lalamutakin ang baby ninyo. Lander, anak, sabi ng Daddy Hiro ninyo, kung kailangan ninyo daw ng booster for your first night sabihin ninyo lang." Everyone burst out a loud laugh and some cheers from their friends. "Mommy!" Nag-init ang mukha niya ng todo sa sinabi nito, nilingon niya si Lander na namumula rin at nakaiwas ang tingin. "Wala ka bang sasabihin?!" Pinanlakihan niya ito ng mata pero nanatili itong walang imik at hinahayaan lang ang mga magulang nila sa kalokohan ng mga ito, ngunit nakakunot-noo ito at sobrang seryoso na nakatingin sa kanilang mga magulang. "Damn." +=====+ SA WAKAS natapos din ang party nila at nakapagpalit na rin sila ng casual na damit ni Lander, gustong-gusto nang umuwi ni Aya dahil pagod na siya pero sabi ng parents nila ay may pupuntahan pa sila, sakay silang lahat sa isang van para daw hindi na nila kailangang mag-convoy pa papunta sa kung saan man. "Mom, I'm already tired. Can we just postpone this and set it on another day?" Reklamo ni Lander. "I just want to go home and sleep." Nasa likod sila na magkatabing nakaupo habang nasa unahan nila ang kanilang mga magulang na tila hindi nauubusan ng energy na tuloy sa pagkukuwentuhan ang mga ito at excited na excited sa kung saan man sila pupunta. "Malapit na tayo, hijo. Don't worry, pwede ka nang magpahinga doon sa pupuntahan natin." Sagot rito ng mommy nito. "We're here." Anunsyo naman ng daddy niya at bumaba na ng van, sumunod naman dito ang parents nito at ang mommy niya. "Kids, come on. Our gift is waiting." Nasa harap sila ng isang posh condominium building, ang Le Grand Imperial. Napangiti siya habang bumababa ng van, mukhang bibigyan sila ng mga magulang ng tig-isang unit, okay lang na maging kapitbahay niya si Lander basta hindi na nito maiinvade ang privacy niya at chance na ito para bihira na niya itong makita for a change. "I know what you're thinking." Nang-aasar na bulong ni Lander sa kaliwang tenga niya. "Baka nakakalimutan mo yatang magkaklase tayo kaya kahit na magkaiba ang unit natin ay magkikita pa rin tayo araw-araw." Sa inis niya ay siniko niya ito sa tiyan. Nakalimutan nga niya na magkaklase silang dalawa kaya no choice pa rin siya kung hindi pagtiisan ang nakakainis nitong pagmumukha bukod pa roon ay iisa lang ang mga kabarkada nila pero at least hindi na niya kailangang makasalo ito sa agahan at hapunan tulad nang dati dahil malabong imbitahan niya ito sa magiging unit niya at mas malabo na pumayag siya kapag inimbitahan siya nito. "Okay, before the main gift. Ito muna." Inabutan sila ng tig-isang susi at sa tingin niya ay susi iyon ng kotse. "That's the keys to your cars which are parked at aisle 12 number 05 and 04 of the basement parking of the building, you can check those tomorrow because you need to see the main gift." Pumasok na sila sa loob ng building at umakyat sa 12th floor sa isang unit sila pumasok, it is two-story and fully furnished, may kalakihan iyon na parang made for a family of four or five. Sabi ng daddy niya, the unit has four bedrooms that has bathroom each, a huge kitchen, a dining area, a laundry area and a common bathroom near the kitchen. Kumpleto na rin daw ang appliances at grocery items pati fridge ay puno. "Isn't this a bit huge for one person?" Tanong niya. "One person? This unit is for you two, you'll be living on the same roof starting tonight." "What?!" Sabay na sigaw nila. "No way!" Ang malas-malas talaga niya. "Wala na kayong magagawa. All of your things are unpacked and arrange in your rooms, magkaiba naman ang kuwarto ninyo but if you want to sleep together in one room it would be better." Sabi ni Tita Lia. "Magpahinga na kayo at kami ay aalis na. Enjoy your new house, kids, the code is your birthday and the time you guys are born. Bye. Sleep tight." "Bye, kids." Hindi na sila nakaimik pa hanggang sa maiwan na sila roon ng mga magulang. Nagkatinginan sila sandali at saka nag-irapan. Iniwan na niya ito sa sala upang hanapin ang sariling kuwarto sa 2nd floor ng unit na agad naman niyang nakita, she showered before laying on her bed. Bukas na lang niya iisipin ang sitwasyon nila ni Lander, she's too sleepy to think about it right this moment and she needs her sleep. +=====+ PAGOD NA PAGOD na umupo muna si Lander sa couch na nandoon, mamaya na lang niya hahanapin ang kuwarto niya. Hindi niya akalain na pagsasamahin sila ni Aya sa iisang bubong ng kanilang mga magulang, kung yung ibang magulang ay napakaistrikto sa mga anak para hindi mapasok ang maagang pag-aasawa, ang mga magulang naman nila ay pinagtutulukan pa sila sa ganoong sitwasyon. Pero imbis yata na sa maagang pag-aasawa ang pasukin nila ay pagiging kriminal dahil siguradong kapag nagkapikunan sila ay baka may bigla na lang mananakal na isa sa kanila. Hindi napigilan ni Lander ang mapangiti sa naisip, alam naman niya hindi sila aabot sa ganoon pero sa estado ng relasyon nilang dalawa sa ngayon ay malabo pa talaga na maging romantically involve sila. Isa pang dahilan kung bakit siya napapangiti ay dahil for about a hundredth time, more or less, ay ikinasal sila habang nagtatalo at nagsasakitan sa pingot, pisil at kurot. Gawain na kasi ng mga kabarkada niya at ni Rizza na gawin iyon kapag nagtatalo sila, matatauhan lang sila kapag kiss the bride na. Madalas man silang magtalo kapag magkasama sila ay alam niyang nandoon ang bond nilang dalawa kaya hindi na maaalis iyon sa kanila. Sa totoo lang ay mahal niya si Aya, bata pa lang sila ay ito na ang pinapangarap niyang pakasalan at mapahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago pero hindi naman niya itatanggi na marami na rin siyang naging girlfriend mula noong highschool sila at ilan sa mga iyon ay hindi nalaman ni Aya, hindi naman nagtatagal ang relasyon niya sa mga iyon dahil madalas ay nagseselos ang mga ito at inaaway si Aya kaya hinihiwalayan niya. Sa ngayon ay wala siyang girlfriend at dahil 18 na sila, siguro ay ito na ang tamang panahon para gumawa siya ng hakbang para maging totoo ang pangarap niya in the near future, kaya pabor sa kanya na nasa iisang bubong lang sila nakatira. Biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa center table, si Troy ang tumatawag, bestfriend niya ito mula pa noong elementary. Sinagot naman niya agad ang tawag dahil hindi iyon titigil hangga't hindi niya sinasagot. "Hello, pare." Bati niya. "'Yo, dude! Nice impromptu wedding, pang-ilan na ba iyon? Hahaha." "Loko." "So, what is the surprise gift for the both of you?" Usisa nito, tsismoso talaga. "A condo unit at Le Grand Imperial and a car." Sagot niya. "Nice! Swerte mo, dude. Kahit kailan talaga hindi kayo pinaglalayo 'no? Siguradong magkatapat lang unit ninyo pero baka bihira mo na siyang makita. Alam mo na, baka umiwas na sa'yo." "Sinabi ko bang hiwalay kami ng unit? We'll be living under the same unit though we have seperate rooms. Kagagawan ng maloloko naming mga magulang. Saka kaklase pa kaya natin siya at kabarkada pa." "Oo nga pala pero don't you think that's perfect. Since 18 na kayo, maybe, you should make your move on Aya. Mukha namang may basbas na, eh. Hahahha." "That's really the plan, pare, but can we just talk about this tomorrow. I'm tired." "As you wish, dude. Congratulations again. Hahaha." Nang matapos ang tawag ay napasandal siya sa couch at pinikit ang kanyang mga mata sabay hilot sa pagitan ng kanyang mga mata. Pagod na pagod talaga siya nang dahil sa party kanina, kung hindi lang talaga debut ni Aya ay hindi siya papayag sa party na iyon pero alam niyang pinakahihintay ni Aya ang araw na iyon mga bata pa lang sila. "Masakit ang ulo mo?" Boses iyon ni Aya tapos naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya. "Pumasok ka na kaya sa kuwarto mo." Umunan siya sa mga hita nito na hindi iminumulat ang mga mata. "Tinatamad ako. I might sleep here on the couch." "Do you want me to massage your head?" "Please do." Minasahe na nito ang magkabilang sentido niya pati ang noo at anit niya, the best talaga itong magmasahe. "I thought you were already asleep?" "Can't sleep. Namamahay yata ako. I was about to get a glass of milk." Sagot nito. "Sakit talaga sa ulo ang mga magulang natin, 'no. I never imagined that they would do something like this, mas ineexpect ko pa na ipinagkasundo nila tayo magpakasal o kaya ay ipakasal tayo sa mismong araw ng 18th birthday natin but to make us live under the same roof without the sanctity of marriage and our knowledge that's so unbelievable. Para tayong pinalayas ng mga magulang natin, alam mo bang lahat ng gamit sa kuwarto ko sa bahay namin ay nandito na sa unit natin." Napatawa siya sa sinabi nito. "Mukhang pinalayas na nga tayo, baka naman may ginawa ka na namang kalokohan at nadamay na naman ako." Ganoon ang sitwasyon nilang dalawa mula pa nang magkaisip silang dalawa, ang kasalanan ng isa ay damay ang isa kaya kapag may isa sa kanilang may ginawang kasalanan o kalokohan ay pareho silang napaparusahan kahit walang kasalanan ang isa na naging dahilan kung bakit habang lumalaki sila ay mas madalas pa silang nag-aasaran o nagtatalo kaysa nag-uusap ng matino. "Sira." Tinampal nito ang noo niya, hindi naman iyon kalakasan kaya napatawa siya. "Baka ikaw ang may ginawang kalokohan, may babae ka yata na nagsumbong kina Tita ng mga pinaggagawa mo o baka naman nakabuntis ka na." "Hoy, hindi ako ganoong lalaki. Ni isa sa mga naging girlfriend ko ay hindi ko ginalaw dahil may respeto ako sa mga babae kaya buhay pa ang dangal ko bilang lalaki." Depensa niya sa sarili. "Echos mo! Nakita ko kaya kayo noong ex mo noong isang taon na naghahalikan sa may likod ng building ng CTE, parang gusto ninyo nang lunukin ang isa't isa sa intense ng kissing scene ninyo, kaya nasaan ang dangal na sinasabi mo? Luray-luray na iyon, kasalanan ng mga ex mong parang mga linta na sinisipsip ang dugo mo kung makakapit sa'yo at ginugutay ang kaluluwa mo kapag nilalandi ka. Tirisin kita diyan, eh!" Totoo naman ang sinasabi niya. Naniniwala kasi siya na ang gawaing iyon ay ginagawa lang at tanging mag-asawa lang ang dapat gumawa, at dapat ay mahal na mahal ang isa't isa. Kaya kahit ilang beses siyang sineseduce ng mga naging nobya niya ay hindi siya nagpadala, para rin iyon sa kanila dahil hindi naman siya nararapat sa mga ito dahil iba naman ang laman at nagmamay-ari ng puso niya. "Hindi ba kapanipaniwala ang mga sinasabi ko?" Tanong niya rito. "Hindi. Imposible naman kasi na hindi ka man lang naakit sa mga pinaggagawa ng mg ex mo?" "Hindi naman sa hindi. It's just a matter of control." "Kahit palay na ang lumalapit sa sisiw?" "Oo naman. Hindi kasi palay ang gusto noong sisiw." Nakangising aniya. "So, hindi talaga babae ang gusto mo?" Bigla siya napamulat at tiningnan ito ng sobrang talim. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." "Eh, mas loko ka pala, eh. Bakit ginerlfriend mo kung iba naman pala ang gusto mo?" Muli nitong tinampal ang noo niya. "Paano mo matatawag na respeto iyon sa kanila?" "Hindi man sa pagmamayabang pero sila ang nanligaw sa akin at binigyan ko lang sila ng chance para maramdaman kung papaano ako magmahal, hindi man buo pero malay mo isa pala sa kanila ang talagang nakatakda sa akin at hindi yung nagugustuhan ko. Relationships are trial and error, you know. Pero talaga yatang ang babaeng iyon ang nakatakdang pag-alayan ko ng aking buong pagmamahal." Sagot niya. "Malabo talaga na isa sa mga ex mo ang nakatakda sa'yo dahil ang aarte nila at lagi nila akong inaaway. They don't deserve to be the love of your life, bukod pa doon hindi naman sila mga kagandahan, mga mukhang clown sa sobrang kapal ng makeup. At kung isa sa mga iyon ang makakatuluyan mo, sinasabi ko sa'yo, Lander Montano pasasabugin ko ang venue ng kasal ninyo, itatanim ko ang bomba sa loob ng wedding gown ng kung sinuman sa mga ex mo ang magiging bride mo para siya ang unang casualty." Nakakunot-noong sabi nito. Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. Bomba talaga! Hindi man halata pero sa tingin niya ay kayang-kaya nitong gumawa ng sarili nitong bomba, matalino at may pagka-chemist kasi ito habang siya naman ay mahilig sa mga machines at gadgets. Kaya parehong engineering ang kinuha nila course, Chemical ito at Mechanical naman siya pero hindi pa naman sila nagme-major kaya pwede pang magbago kung anong klaseng engineer ang gusto nila. "Okay. I'm good." Bumangon na siya mula sa pagkakahiga. "Go get your milk and go back to your room. Dito na lang ako sa couch, tinatamad talaga akong hanapin kung saan ang kuwarto ko." "Bahala ka." Then, she left him there. Humiga na ulit siya at tuluyang dinalaw ng antok. +=====+ All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD