ISANG malakas na kalabog ang nakapagpagising kay Aya, nagmula sa baba iyon. Imposible naman na tunog iyon ng pagkakahulog ni Lander sa couch dahil sobrang lakas noon at kung hindi soundproof ang unit nila ay baka kinatok na sila ng kanilang mga kapitbahay dahil mukhang hindi pa sumisikat ang araw, isa pa ang tunog ay para kasing may malaking metal debris ang bumagsak mula sa langit.
Mabilis na bumangon siya at tumakbo pababa sa sala, nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang kakaibang metal thingy na katulad ng isang baby cradle pero mas malaki iyon at may glass cover sa likod ng couch kung saan natutulog pa rin si Lander, buti na lang open area iyon kundi baka may nasira sa mga gamit nila. May naririnig siyang tila humahagikhik mula sa loob noong thingy.
Patakbong lumapit siya kay Lander at niyugyog ito para gisingin pero tulad ng dati mas malala pa talaga ito sa tulog na mantika kung matulog, kahit yata magkaroon ng series ng air strike dito sa mismong unit nila ay hindi man lang ito mabubulabog.
"Lander! Ano ba?! Iniinvade na tayo ng alien pero natutulog ka pa rin!" Pinisil niya ng madiin ang pisngi nito at saka tinampal ito roon ng malakas dahil nakatagilid ito. "Nakakainis ka talaga kahit kailan! Baka nirerape na ako ay natutulog ka lang diyan!"
Biglang gumalaw ang kamay nito at hinawakan ang kamay niya na tumatampal sa pisngi nito. "Ibang usapan iyon, Aya, baka makapatay pa ako. Saka sa blackbelter ka naman sa karate at juujitsu kaya mas dapat matakot ang magtatangkang gawan ka ng masama kahit madami pa sila. Don't ever say something like that again, Aya."
She rolled her eyes. "That's not the point, moronic jerk! There's an UO inside our unit!" Sabay turo sa kinaroroonan ng Unidentified Object, bumangon naman ito at tiningnan ang tinuro niya, tulad niya ay nanlaki ang mga mata nito. "See! Ang lakas-lakas ng pagbagsak niyan, hindi ka man lang nagising."
"Damn! What the heck is that?!"
"I don't know." Biglang may narinig silang hagikhik nagmumula sa UO na yun. "Kanina ko pa naririnig iyon, maybe an alien is inside it."
Mabilis na tumayo si Lander at lumapit sa UO, nangunot ang noo nito at tila nagtataka ang expression ng mukha nito. "What the~?! Aya, come here, you've got to see this." She got curious kaya lumapit na rin siya roon, dahil transparent ang glass cover ay nakita niya ang isang baby at isang natutulog na batang babae sa loob ng UO.
"Bakit may mga bata sa loob?" Hinanap niya kung papaano bubuksan ang UO at nakita niya ang isang button, pinindot niya iyon kaya naman unti-unting umangat ang glass cover.
"Ako pa ang tinanong mo." Sarkastikong sabi ni Lander, minsan talaga ang sama ng ugali nito. Nang balingan niya ito para bigyan ng matalim na tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa dalawang bata. "May kamukha ang mga batang ito. The baby looks like you and the little girl~"
"She looks like you, a female version of you." Shocked na singit niya sa sinasabi nito. "Sino kaya ang mga batang ito at paano sila napunta dito? Bakit kahawig natin sila?"
"Sabing~"
"Mama! Papa! Lab lab!" Pasigaw na sabi nong baby sabay hagikhik kaya nabaling ang atensyon nila rito at itinaas nito ang mga munting braso nito sa direksyon niya, mukhang nagpapabuhat ito. "Mama!"
Nagkatinginan sila ni Lander sa itinawag sa kanila noong baby, mukha na ba silang matanda para pagkamalan sila nitong mga magulang nito.
"He wants you to carry him." Siniko siya ni Lander.
Binuhat na niya yung baby na isinandal ang ulo sa balikat niya at humikab, mahigpit din ang pagkakahawak ng mga munting kamay nito sa pajama top niya. Mukhang inaantok na ito kaya nagpapabuhat but why is he griping her top so tightly like he doesn't want to be apart from her.
"Lab Mama." Sabi pa nito bago pumikit. Napatingin siya kay Lander na pinapanood lang siya at yung baby saka nito binalingan ang batang babae na natutulog sa loob noong UO.
"Ilipat mo na kaya siya sa couch o sa kama, mukhang hindi siya komportable diyan." Aniya.
Isang buntung-hininga ang pinakawalan nito at binuhat na rin yung batang babae. "She looks like she was crying before she fell asleep." Pinahid nito ang pawis sa noo ng batang babae.
"Mama. Papa." Tawag nito sa mga magulang at biglang humikbi, mukhang may hindi magandang nangyari sa mga batang ito bago napunta sa unit nila. "Ayla don't want to go."
Isang beep ang narinig nila mula sa UO kaya muli nabaling ang atensyon nila doon. Nanlaki ang mga mata nila saka nagkatinginan sila nang isang video ang lumabas mula sa glass cover parang hologram na nagproject lang sa glass cover, pero hindi iyon ang ikinalaki ng kanilang mga mata kung hindi yung dalawang tao na nasa video dahil sila iyon, silang-sila iyon nagmature lang ang hitsura dahil sa eyeglasses at iba ang hairstyle.
A: "For the 18 years old Ayami and Lander, Hi, we're the 26 years old you."
Muli nilang ibinalik ang tingin sa video.
L: "And we have been married for 4 years. The two kids that you're now holding are our kids, your future kids, Ayla and Liam, they're 3 years old and 8 months old. This machine is a time machine that we made but because of this and our jobs, our life and the kids' life are in danger."
A: "At kung napapanood ninyo ito ang ibig sabihin ay wala na kami at para hindi na mapahamak pa ang mga bata ay ipinadala namin sila sa panahon ninyo, kasi kung nandito sila at wala na kami ay wala nang proprotekta sa kanila, mas maiging nandiyan sila at least ligtas sila at nandyan kayo para alagaan at protektahan sila."
Napatingin siya sa karga niya baby at sa batang babae na nasa bisig ni Lander. Ibig sabihin, ang mga batang ito ay mga anak nila in the future, as in dugo't laman nila, mga totoo anak nilang dalawa at ngayon magiging instant parents sila, 4 or 5 years earlier.
L: "Isa pa, hindi na sila masusundan diyan ng mga taong gagawa ng masama sa kanila dahil nagdesisyon kami ni Witch na sirain lahat ng research material na ginamit namin pati ang lahat ng prototype except sa sinakyan ng mga bata pero after this video, magseself-destruct ito pero don't worry isolated ang pagsabog at magiging abo lang ito dahil ganyan kagaling ang asawa ko. -dinampian nito ng halik ang pisngi ng asawa-"
Namula siya sa nasaksihan, grabe, hindi niya akalain na makikita niya na hahalikan siya ni Lander. It never totally crossed her mind that they would really be husband and wife, moreover, that sweet in the future.
Pero may isang bagay na hindi talaga siya maka-move on. Witch talaga ang endearment sa kanya ni Lander?! What a jerk?! Pero mukhang the older me accepted that because she's smiling and she looks at him like he's the one who build this beautiful world, ganun din naman ang tingin ng older Lander sa asawa. Ibig sabihin, mamahalin nila ni Lander ang isa't isa ng ganyan katindi.
Napatingin siya kay Lander sandali bago ibinalik ang tingin sa video, it's so unbelievable.
A: "Under the bedsheet of the time machine is a brown envelope, nandoon ang birth certificates ng mga bata na nakaset na tama sa panahon ninyo at ang marriage certificate ninyo na nakaset, a week after our 18th birthday. Isa pa, kung pwede huwag na lang ninyong ituloy ang gusto ninyong mga major para hindi na lang maulit ang trahedyang ito dahil ayokong muling maramdaman ng mga bata lalo na si Ayla kung papaano mawalan ng magulang sa mismong harapan niya. Hindi pa man nangyayari habang ginagawa namin ang video pero alam namin na sooner or later papatayin din nila kami, they already killed our parents."
Iniangat ni Lander yung bedsheet at nakita doon ang sinasabi noong mas matandang Ayami.
L: "Take care of them. We know that their arrival would change the things that would have happened to the two of you but one thing would never change, you're meant to be."
A: "Kiss them for me, Aya. Always tell them how much we love them."
That's the end of the video message, then the UO s***h time machine pala ay nag-vibrated kaya napalayo sila doon buhat-buhat ang dalawang bata. The UO s***h time machine emitted a bright light, then it bursted at nang mawala ang ang ilaw ay abo na lang ang nakita nila, gaya ng sinabi sa video message.
"I'll just put down Ayla then, I'll clean that up." Sabi ni Lander habang pataas ng hagdan. "Ibaba mo na rin si Liam. We need to talk."
"Sa kama ko na lang mo ilapag si Ayla para tabi pa rin sila ng kapatid niya."
"Okay."
Sabay silang pumunta sa kuwarto niya, una nitong inilapag si Ayla na natutulog pa rin at nang si Liam na ang ilalapag niya ay ayaw nitong bumitaw sa pajama top niya, nang tatanggalin niya ang pagkakakapit nito sa kanya ay ngumiwi ito at parang iiyak ito kaya hindi na niya itinuloy ang paglalapag rito.
"I'll just carry him baka kasi umiyak pa siya at magising ang ate niya." Aniya na tanging tango lang ang isinagot ni Lander at nauna nang lumabas ng kuwarto niya, mukhang seryoso ito at malalim ang iniisip na hindi nito yata naintindihan ang sinabi niya.
Alam niyang tulad niya ay nabigla ito at hindi pa rin nagsisink-in na biglang sumulpot ang mga future anak nila sa unit nila on their first day there pero hindi iyon ang pinaka-shocking na nalaman niya, kung hindi ang fact na si Lander ang mapapangasawa niya at tatay ng mga anak niya. Hindi talaga niya lubos-maisip na ang number one rival s***h moronic jerk sa buhay niya ang mapapangasawa niya at magiging ama ng mga magiging anak niya or rather, ng mga anak niya. Tapos in a week, magiging mag-asawa na sila, hindi man niya alam kung papaano nangyari iyon ay alam niyang legal iyong marriage certificate na iyon, nakakaloka talaga ang bagay na iyon at pakiramdam niya ay parang panaginip lang ang lahat ng nangyayari mula ng magising siya ngayong araw na ito.
Sumunod na siya kay Lander, naabutan niya itong tinitingnan ang laman ng brown envelope at nawala na rin ang abo sa sahig.
Umupo siya sa tabi nito habang buhat-buhat si Liam.
"Ayaian Laermi S. Montano and Lay Miander S. Montano, that's their full name." Sabi nito. "Our names are stated here as the parents and it also has my signature, the date is set depending on their age. Mukhang talagang inayos nila ang lahat at inaasahan nila talaga na mangyayari ang kung ano mang nangyari sa kanila, nag-iwan din sila ng short letter, kung hindi daw tayo naniniwala at nagdududa tayo pwede daw nating ipa-DNA test ang mga bata. But I think that would not be necessary. Dugo't laman man natin sila o hindi, nasa birth certificates ng mga bata ang mga pangalan natin at birthdate. I think this papers are legal and true, which makes us the parents of the two kids in every angle but we can go to the PSA to verify if it is officially filed."
"How about the marriage certificate?" Tanong niya pero iniabot lang nito sa kanya saka ngumisi, nagulat pa rin siya na makita ang pangalan at signature niya saka lang nagsink-in na hindi talaga panaginip ito at talagang si Lander ang mapapangasawa niya. "Oh gosh. This is really not a dream. May dalawang anak na tayo, instant. Kaka-18 pa lang natin kahapon, Liam."
"Siguro pagkatapos ng isang buwan, pwede na rin nating i-verify kung opisyal na ipinayl din ito noong dalawa. Yung kasi nagkasal sa kanila ay isang kilalang judge na official na nagkokonduk ng civil weddings at lahat ng kinasal niya ay legal, kakilala kasi siya ni Daddy." Pahayag nito. "I also saw this little box inside the envelope."
Yung maliit na box naman ang iniabot sa kanya, nanlaki ang mga mata niya ng buksan niya iyon. It was a pair of ring, more of a pair of wedding rings kasi according sa card na nasa loob iyon ang wedding ring nila at bago iyon, hindi pa nagagamit.
"Do you want to wear it or just keep it somewhere?" Tanong nito sa kanya.
"What do you think?"
"I want to wear it for the kids' sake, in the video, I saw that the older us was wearing their wedding rings, maybe they never take those off. Baka kasi sanay yung mga bata na nakikita na may suot na singsing ang parents nila. It might help to assure them that we're here for them until our last breath."
Napatitig siya rito, mukhang seryoso ito na gusto nitong isuot nila ang mga singsing kaya napabuntung-hininga siya. "Then, we'll wear it."
Kinuha nito sa kanya yung box at kinuha yung mas maliit na singsing saka isinuot sa kanyang ring finger, ganun din ang kanyang ginawa kahit na buhat-buhat niya ang bunso nila. Hindi niya napigilang titigan ang suot-suot na singsing, ang ganda kasi at bagay na bagay sa kamay niya.
"Paano nga pala ang mga bata kapag may pasok tayo? Magka-block pa naman tayo." Tanong nito. "Sinong mag-aalaga sa kanila?"
"Hiramin kaya natin si Jenny kina mommy kahit hindi stay-in, marunong naman iyon mag-alaga ng mga bata kahit 15 years old pa lang siya. Kapag weekends naman ay wala tayong pasok." Suggestion niya. "Isa pa, night shift naman ang pasok niya sa school."
"Okay. Bukas ay uuwi tayo sa inyo para ipaalam ang sitwasyon pero sa ngayon kailangan muna nating bumili ng mga kailangan ng mga bata tulad ng damit, diaper, crib, baby car seat, baby bottles, gatas at baby proofing materials, maybe a few toys." Anito. "But before we do some shopping, let's have breakfast."
"Paano si Liam?" Tanong niya.
Napaisip ito. "Bibili na ako ng gatas na para sa kanya at pati na rin diapers, dadaan na lang ako sa isang fast food para sa breakfast. Pancakes o rice?"
"Pancakes for Ayla. Silog na lang sa akin, 2 servings ng fried rice at saka hot choco for me and Ayla." Request niya.
"Okay. I'll be quick." Kinuha nito ang susi ng kotse nito na nasa center table.
Nang makaalis si Lander ay nakaramdam siya ng antok, niyuko niya si Liam na mahimbing pa rin natutulog sa dibdib niya at hindi pa rin nito binibitawan ang damit niya. Inilagay niya sa lapag sa tabi ng couch ang mga throw pillows, gusto kasi niyang humiga at baka mamaya ay mahulog si Liam kapag nakatulog siya.
+===+===+===+
"AYA, I'm back!" Sigaw ni Lander pagkapasok na pagkapasok niya sa kanilang unit. Halos dalawang oras din siyang nawala, inabutan kasi siya ng heavy traffic dahil nagkaroon ng banggaan.
Iginala niya ang tingin sa buong unit pero mukhang umakyat ulit si Aya sa kuwarto nito para matulog. Nang mapadaan siya sa sala papunta ng dining area ay napangiti siya ng makita si Aya at Liam na mahimbing na natutulog sa couch, nakatagilid si Aya at yakap-yakap nito si Liam. Napansin din niya ang mga throw pillows na nasa sahig, natatakot siguro ito na baka maihulog nito si Liam habang natutulog pero ang instinct naman nito ay tumagilid paharap sa may sandalan kung saan safe na safe si Liam baka nga ito pa ang mahulog.
Nang maipatong niya ang mga pinamili sa lamesa ay bumalik siya sa may living room at nilapitan ang mag-ina niya, dinampian niya ng halik sa pisngi ni Aya at hinaplos niya ang ulo ni Baby Liam. Mukhang mamaya pa sila makakakain, iinitin na lang nila mamaya yung mga binili niyang pagkain.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari, parang panaginip lang ang lahat pero totoo lahat. May mga anak na sila ni Aya, ni hindi pa nga niya nahahalikan si Aya sa labi tas ngayon ay 2 na ang anak nila.
"Liam, where are you? Baby Liam?" Napatingala siya nang marinig ang munting tinig na nagmumula sa taas, halata sa boses nito na umiiyak ito habang hinahanap ang kapatid. "Baby Liam? Huhuhu.. Liam?"
Nagmamadaling umakyat siya sa taas, nakita niya si Ayla sa hallway na nakatayo lang doon at walang tigil sa pag-iyak, mukhang litong-lito ito at hindi alam ang gagawin o kung saan pupunta dahil hindi naman nito alam ang kinaroroonan nito at nawawala pa ang kapatid nito. She really looks like him but her light brown eyes and reddish bow-like lips are from Aya even her curly dark brown hair.
"Mama. Papa. Baby Liam." Hindi pa rin ito humihinto sa pag-iyak, awang-awa na siya rito pero ang cute-cute pa rin nito tulad ng nanay nito, ganyang-ganyan dati si Aya noong nawala sa museum noong kinder sila.
Kaagad na nilapitan niya ang bata at binuhat. "Let go! Put Ayla down! Where's my baby brother?! Give him back!" Hindi yata siya nakilala nito kaya nagwawala at pinaghahampas siya. "I want my baby brother! Mama! Papa! Help!"
"Calm down. Everything is alright, Liam is safe." Pagpapakalma niya rito.
Huminto naman ito at tinitigan siyang mabuti. "Papa ko!" Sigaw nito sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit. "Papa ko. Papa ko."
Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.
Hinahaplos niya ang likod ng bata at hinigpitan ang pagkakayakap rito. He felt that she's trembling while crying so hard.
"A-Ayla's so scared. Yoko alis na wala kayo ni Mama, dito lang si Ayla kasama niyo." bulol na sabi nito na mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa leeg niya na hindi pa rin humihinto sa pag-iyak. "D-Don't leave Ayla and Liam, it's more scary than the bad guys."
Ramdam niyang takot na takot ito kaya niyakap niya ito ng mahigpit at dinampian ng halik sa sentido. "Papa and Mama won't leave you and Liam again. Dito lang kami lagi sa tabi ninyo, we'll protect you and Liam from any bad guys or harm."
"O-Okay..." tumango-tango ito at unti-unti nang kumakalma.
"Hey, stop crying. Sige ka, luluwa na yang mga mata mo at hindi ka na magiging kasing ganda ni Mama mo." Pabirong aniya para mas kumalma ito
"But Ayla look like you more." Himutok nito at sigurado siyang nanghahaba ang nguso nito, malamang-lamang kamukha nito ang ina sa mga oras na ito habang pinapahid ang luha sa mata nito. "Mama always says that but you always says that I'm more like Mom in everything, sha looks lang po Ayla nagmana sha'yo." Matatas nga ito magsalita at diretso na itong magsalita ng english pero mukhang bulol pa itong magsalita ng tagalog. "Where's Mama? Is she with Baby Liam?"
"See for yourself." Buhat pa rin niya ito hanggang sa makababa na sila. Natutulog pa rin yung mag-ina sa couch at walang kamalay-malay sa nangyayari, ibinababa agad niya si Ayla nang nakababa na sila. "Mama and Liam are sleeping on the couch. Wake them up, so we can have breakfast."
"Okay." Tumakbo ito palapit sa kinahihigaan ng ina at kapatid. "Papa, Liam's awake."
Lumapit na rin siya at binuhat ang anak na lalaki. "Wake up your mom. Ipagtitimpla ko lang si Liam ng milk niya at iinitin ko ang breakfast natin. I hope pancakes are alright to you, Princess."
"Very alright. But Mama wants rice for breakfast, pancakes are not enough." Sabi nito.
"Mama ordered silog with 2 servings of rice, so don't worry. Wake up your mom." Napatawa siya ng pinugpog ni Ayla ng halik ang ina sa mukha, naglakad na siya papunta sa kusina dala ang gatas ni Liam at yung binili niyang pagkain na nasa dining table. Habang iniinit niya sa microwave yung mga pagkain, malaki po kasi ang microwave nila kaya sabay-sabay na, nagtimpla na siya ng gatas ni Liam. "My big boy is going to have his breakfast." Masayang pumalakpak si Baby Liam habang humahagikhik nang ibigay niya ang milk bottle nito.
"Madaya si Baby Liam, hindi man lang ako ginising."
Napatingin siya sa papalapit sa kusina na sina Aya at Ayla na magkahawak kamay, tumatalon-talon pa si Ayla. Mukhang ayos na ito at nakalimutan ang pag-iyak nito kanina pero halatang-halata pa rin sa mga mata nito ang pag-iyak.
Napatingin siya kay Liam na nakangisi lang sa ina habang subo-subo ang tsupon ng milk bottle nito kaya nakikita ang dalawang ngipin nito sa unahan. Pinisil ni Aya ang pisngi nito na parang nanggigil pero tumawa lang si Liam na parang kiniliti ito.
"Umupo na kayo ng mga bata doon sa lamesa. Ako na ang maghahain ng breakfast natin baka nangangalay ka na kay Liam." Sabi sa kanya ni Aya habang matamis na nakangiti.
"Sure ka?" Tanong niya rito. Tumango lang ito at iminosyon na lumabas na sila ng kusina. "Come on, Ayla. Let's wait for Mama to serve our breakfast on the dining table."
"Papa, can Ayla help Mama serve the breakfast?" Pagboboluntaryo nito.
"Ask Mama, if you can." Sagot niya rito at nilingon si Aya na nakangiting pinapanood lang sila.
Binalingan na ni Ayla ang ina. "Mama, can Ayla help?"
Yumuko si Aya para magpantay ang mukha nito sa bata. "Maybe next time, baby. Baka kasi mapaso ka, sama ka na muna sa Papa at kapatid mo."
"Okay. Shabi mo po next time, Ayla can help serve the food, don't forget." Nanghahaba ang nguso nito.
"I won't."
Saka lang sumama sa amin si Ayla. Mukhang mas close ito sa ina, hindi naman nakakapagtaka iyon dahil pareho silang babae at siguro sa future na pinanggalingan nito ay madalas na ang ina ang kasa-kasama nito sa bahay at nag-aalaga rito at sa kapatid ng personal.
"After breakfast, anak, sabihin mo kay Mama na paliguan ka dahil pupunta tayo ng mall para bumili ng mga kailangan ninyo ni Liam." Sabi niya rito.
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. "Papa, what happened with the time machine that our parents build, your future self made?"
Nagulat siya na alam pala ni Ayla na nasa past sila ng kapatid nito, for a 3 years old to know that and understand the situation she's really smart. "It turned into ashes. Do you want to go back to the future?"
Umiling ito. "Shabi po ni Mama, you can only stay in the past for a month or 720 hours because more than that, even a single nanosecond would change the future. If Ayla would go back there Ayla have to be older to save Mama, Papa and our grandparents, that's why it's useless to try going there if Ayla is still 3. And even we go back there when we're older, the future is very different from where we come from. Shabi rin po ni Mama, uwag na daw po namin shubukan ni Liam uhmawa ng time machine kashi bad guys would come at yoko rin ng time machine because of that they died." Umiiyak na sabi nito.
"Okay, don't cry, Princess. In this time, all of us are alive and will be here for you and Liam." Alo niya sa bata. "The future may change when you arrived but at least, we're together."
May tumikhim mula sa may kusina, si Aya na dala ang isang tray kung saan nakalagay ang pagkain nila. "That's enough drama. Gutom na ako at alam kong ganoon din kayo, hindi pwedeng si Liam lang ang busog, right Baby boy?"
Humagikhik naman ng malakas si Liam na ubos na ang gatas nito kaya napatawa na rin silang tatlo. Habang kalong pa rin niya si Liam ay sinubuan naman ni Aya si Ayla ng pancakes at hotdog na ulam nito. They looked like a real family.
+===+===+
All Rights Reserved.