NAGSIMULA ANG PATIMPALAK ngunit hindi mawala ang naturang kaba sa dibdib lalo't pinag-iinitan ng halos lahat ng seniors na kababaihan sa XIA dahil kalat sa buong eskwelahan na may relasyon sa emiretus at kilalang miyembro ng HOMIGEN na si Lyndon Santiago.
Nag-anunsiyo ang host na magsisimula na'ng pagpinta o paggawa ng kanya-kanyang napiling subjects sa pagguhit. I chose the secret garden of Granpy and Granmy which happened to be our mode of own world.
Bahagyang sumilip sa mga nakaupong hurado sa harap dahilan upang magtama ang aming mga mata. He was beddazzled and giving me a glimpse of hope in his gazes thus makes me more pressured to do my best.
"I'll give you around thirty minutes to visualize your subjects and explain it in front one by one..." anas ng adviser na naatasang manguna sa programa.
I stroked my brush carefully and concentrate my goal to finish my piece.
Ilang minuto ang nakalipas sa kahuli-huling pagguhit ay eksaktong tumunog ang timer. I was very elated because I had finished it in the proper manner of time.
"Yes!" I enunciated.
Muntik makalimutang hurado ang binata at ang walanghiyang haliparot na si Bridgette. She keeps on glaring at me but I looked away to ignore her dagger glares. Kalauna'y matamang tumungo sa harapan ng mga hurado upang ipakita ang aming mga nagawang obra. Hindi makatingin sa gawi ng binata sapagkat lumarawan ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata. I hate to admit that he was maybe being bias on his judgements.
"I would like to invite each of you to step forward and explain your subjects..."
Natatahimik ang mga manonood kapag mayroong tumutungo sa harap. The jurers will ask about the masterpieces therefore I'm feeling very nervous in my turn up until they called my name.
"And now let's move on to our over-all third year representative. Ms. Samantha Añorivas with her piece entitled two worlds unite," putol ng host sa malalim na pag-iisip. Halos manginig ang tuhod sa kaba dahil sa mga nakikitang manonood na kakaiba ang tinginan sa gawi ko.
They were murmuring something I don't even know, but I'm merely sure that it was all boils down to me. Napalunok sa kung anong bara sa lalamunan ngunit diretso lamang ang tingin upang di ma-distract sa presensiya ng nobyo.
"T-This piece is about a peculiar world of two individuals who wanted to forget the differences and meet half-way in this magical garden of oblivion." I just simply explained.
"Jurers its your turn to ask about her piece let me take the side of Ms. Bridgette," inilahad ng guro ang kanyang kamay sa direksyon ng babaeng nakangising-aso na tila nanunuya.
"I want you to take it lightly. I just want to comment about the shadings and colors, it is too simple, bland, and no meaning at all. Oh sorry-" she superficially commented then covered her mouth.
Nagtawanan ang ilang seniors sa likod kung saan matagal nang nambubully sa'kin simula ng malamang nobyo ko si Lyndon.
"I beg to disagree Ms. Montenegro," ayon kay Mr. Cordero.
I sighed with the thought of the old man who obviously like my piece.
"But---"
"It's a three-dimensional figure of a garden that I guess had a memorable or very sentimental connection with the creator. Its honestly mystify my visual, Ms. Añorivas," magalang na saad ng ginoo na ikinangiwi nito.
"T-Thank you Sir,"
Hindi nagbigay komento si Lyndon sapagkat dadalawa lamang ang hinihingian na opinyon o pagkakataong magtanong sa mga representative na kalahok sa naturang kompetisyon.
Parang gustong bumagsak ang mga nagbabadyang luha sa mata dahil sa kahihiyang nararanasan sa ngayon. Nang bumalik sa pwesto'y bahagya pang narinig ang bulungan ng ilang kapwa contestant na lalong nag-trigger sa pagkadismaya sa sariling kakayahan. I'm also hoping not to bring any prizes with the first ever art craft competition I had ever joined.
"Don't expect too much from this competition Blythe," bulong ng isang kilalang senior.
"But why do you say so?" tumaas ang kilay nito.
"Mas malakas backer ni Añorivas kaysa sa'tin. Look at the jurer! Did you see how the power works here?" sarkastikong anito saka dumako ang mata sa kinatatayuan ko.
Hindi maiwasang mawalan ng kumpiyansa sa sarili lalo't ang tingin ng mga taong naroroon ay maaaring mandaya dahil kasintahan ang isa sa mga hurado.
"I didn't see it coming," tumaas ang sulok ng labi nito saka umirap sa direksyon ko.
"Kaya nga hindi na 'ko sumagot nang maayos dahil alam naman nating wala tayong laban," bahagyang nilakasan upang magparinig ang mga ito.
Nanginginig ang labi't parang gustong tumakbo palabas ng function hall upang itago sa kahihiyan ang sarili. Hanggang sa matamang bumilang ng sandali bago nagbigay hudyat ang faculties para i-anunsiyo ang nanalo sa pangkalahatang programa.
"Ayan na girl!" they'd both mumbled.
I chose to stand at the back henceforth they wouldn't notice my existence up until they announced the winner.
"First, I would like to thank our precious jurers for today," anas ng host saka nagpalakpakan at sigawan ang mga manonood hanggang sa dumako sa pinakahihintay ng lahat.
"And we are gladly to announce the winner for this annual competition in Xavier International Academy."
I've heard some drum rolls effect which makes my heart leapt for a brief moment.
"No other than..."
And some of the audiences were cheering for their bets.
"The junior representative--Ms. Samantha Añorivas with her piece entitled 'Two worlds unite," anang guro kapagkadaka'y nagpalakpakan kung saan karamihan ay mga kapwa kaklase maging si Ms. Linares ay bakas ang katuwaan sa mukha ngunit kabaligtaran sa tunay na nararamdaman ukol sa'king pagkapanalo.
Kalauna'y bahagyang lumakad sa harap ngunit napansing hindi masyadong masaya ang crowd sa'king nakamit na tagumpay tila ba expected nilang ganito ang kalalabasan ng resulta. Matapos i-abot ang plake at certificate ay nagmamadaling bumaba ng entablado sa kahihiyang nararamdaman.
Dumaan sa exit area ng function hall upang walang masyadong makasalubong na tao subalit hindi maiwasang madaanan ang ilang schoolmate na kasali sa mismong event.
"See what's my instinct?" anang dalaga na sadyang nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa'kin.
"Does she even know the word kahihiyan?" umirap si Blythe na kilalang cheerleader sa unibersidad.
"Fudge! Hindi na lamang sana ako sumali kung alam kong ganito ang mangyayari" pagmamaktol ng kausap niya ngunit imbis patulan ay yumuko saka nagmamadaling nilampasan ang kumpol ng kababaihan.
Tumungo palabas ng XIA habang bitbit ang iginuhit at ang plakeng napanalunan subalit kabaligtaran ang nararamdaman dahil halos mabalong ng luha ang mga mata. Nagpasyang umupo sa bench malapit sa quadrangle at doon ibinuhos ang emosyong pinipigilan mula pa kanina. I momentarily wept when I've felt someone sitting beside me.
"Bubbly girl..." he whispered.
"Leave me alone Lyndon," matigas na pahayag.
"Love..."
Hinarap ko siya saka marahas na pinunasan ang pisngi.
"I've already told you that this is my baby steps in reaching my dreams. Bakit kailangan mong sirain? Akala ko ba mahal mo 'ko?"
"What do you mean?" he said frustratedly.
"Wala kang tiwala sa kakayahan ko! You're always thinking that I can't do nothing without you! Bakit mo tinanggap ang pagiging hurado ha? Did you know how much this competition mean to me Lyndon!"
"Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit mo sa'kin love," mahinahong sabi nito.
"Everyone is thinking that I won this plaque because of you! Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanilang pinaghirapan ko ang pagguhit.Can you please leave me alone? I need to think..." sa gitna ng paghikbi.
"I'm sorry love. I didn't mean to create trouble," he touched my head.
"Just leave me alone..." habang nakatingin ako sa malayo.
Bumuntong hininga ang lalaki bago tumayo saka nakapamulsang lumakad palayo. He seems sad because of what happened but I'm more than devastated to those harsh words of other people thus they think that I'm just a garbage fly standing in the top of Lyndon's fame. Na hindi makakamit ang anumang bagay ng wala ang lalaki. Umigting ang aking panga maging kamao sa mga bagay na naiisip sa ngayon. Ayokong mamuhay sa anino ng binata dahil pulos sakit lamang sa loob ang kahahantungan nang lahat.
SIMULA NG MANGAYARI ANG ALITAN sa pagitan naming dalawa'y nagpasyang hindi muna tumuloy sa mini-house na ipinagawa ng lalaki. Ayokong makita ang kahit sinong may kaugnayan sa naturang patimpalak. Maging ang regular na pagbisita sa Love at 60's ay ipinagpaliban dahil baka naroon ang lalaki. I totally want some space to breathe from those pressure wheneverytime I am with Lyndon. Pressure kay Daddy, pressure sa mga taong nakapaligid sa'kin dahil nobya ni Lyndon Santiago at higit sa lahat pressure sa mga bagay na gustong marating ngunit hindi maaari dahil nakatali sa kung anong pamantayan ng mundo. I want freedom to decide what I want, freedom to live with my own rules!
Dalawang araw na 'kong nagkukulong sa kwarto at hindi pumapasok kaya naman hindi maaaring makatakas sa pamumuna ni Daddy ang mga ikinikilos. Kalauna'y naputol ang pagguhit sa sketch ng may kumatok mula sa pinto.
"Sino 'yan?"
"Senyorita, ipinatatawag po kayo ng Daddy niyo?" anas ni Manang Gina.
"Tell him I'm coming," walang ganang sabi ko.
Hindi na kumibo ang katiwala habang walang kalatuy-latuy na tumayo sa upuan saka tumungo sa mismong opisina ng ama. I softly knocked then my dad commanded me to open it.
"Ipinatatawag niyo raw po ako?" walang gana ang tono.
"You know what's the agenda, Samantha." nakatutok sa mga papeles.
"I have no idea Dad,"
Tinitigan ng ama kung saan mababakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
"Anong problema mo? Bakit hindi ka pumapasok sa eskwela? Why is Lyndon not visiting you? May nagawa ka na naman bang kapalpakan, ha?"
"Wala akong panahong pag-usapan Dad. I'm going to school tomorrow,"
"Anong wala kang panahon? Huwag mong sabihing wala na kayo ni Lyndon? Tonta! Siya na lamang ang pag-asa mo para umayos ka sa buhay!" singhal ni Harold Añorivas.
"Hindi na ba 'ko pwedeng mamili para sa sarili ko, Daddy?" humilagpos ang tinatagong emosyon.
"Mamili nang ano? Palpak na desisyon? Lyndon is the best option you gave to yourself Samantha. I like that man for you! He's responsible and very noble!"
Kumuyom ang kamao sa isiping ginagawa lamang 'to ng ama dahil hindi siya nagtitiwalang kaya kong tumayo sa sariling paa nang hindi humihingi ng kahit anong tulong sa kahit sino lalo kay Lyndon. Gusto kong magustuhan niya hindi dahil damsel in distress na parang isang charity kundi isang babaeng may paninindigan at kayang abutin ang mga pangarap sa sariling kakayahan. Living with my own and independently setting my own choices in life.
"I have my own decisions in life Daddy and it's not all about Lyndon. It's about engaging my own self!" anas ko.
"At kailan ka pa nakagawa nang para sa sarili mo, Samantha? You don't even know what you're talking about!"
Hindi pinansin ang matanda at basta na lamang lumabas sa opisina ng walang paalam kahit dinig ang pagtawag ng ama.
"I'm sorry Daddy..." anas sa hangin.
Kinabukasan ay pumasok sa XIA ngunit gaya nang dati'y nagpahatid na lamang kay Manong Toby di tulad sa mga nakaraang buwan na palaging nag-aabang si Lyndon sa gate para ihatid sa eskwelahang pinapasukan. I don't want to see anyone and live on my own for awhile. Parang nasakal bigla sa gustong mangyari ng ibang tao sa sariling buhay. They're all expecting that after my studies I would gladly accept the new chapter of my life being a simple wife of Lyndon and getting busy about some household chores while the man is exploring his potentials in his own empire. I have nothing against with those women who dreamt of becoming a devoted wife but for me? I wanna live independently, I wanna chase my dreams and fly high without any hindrances, without anyone who will set some rules on giving my best shots to the entity of fashion, arts, and captive creation.
In my whole existence, Dad has been my jail or shackles I wanna get freed and Lyndon... I love him, I truly love him but I somehow saw him like Harold Añorivas and I can see myself as my own mother who has been always submissive without any vision of nurturing her capabilities to the extent of giving herself an essence. Ayokong matulad kay mommy at sa mga ibang babae. I know Lyndon can fully support me all the way but right now? Nakikita ang sariling tila nabubuhay sa anino ng isang almost perfect boyfriend, nang isang lalaking hindi pwede ang sakto lamang..
Naglalakad sa hallway ngunit di gaya noon na may kasabayang kaibigang tulad ni Jana. Hindi maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman lalo't hindi rin nakarating si Andy sa araw ng Art Competition dahil may biglaang proyektong natanguan. Nasalubong ang grupo nina Clyde sa gilid ng silid-paaralan. The university boy, Clyde Montenegro is known for some girls in XIA. Isa sila sa mga umuusbong na grupo ng mga kabataang nasasangkot sa ilang gulo ngunit sikat pa rin dahil sa karisma at halos lahat ay kasama sa varsity players ng mismong unibersidad.
"Hi Sam!" tawag ng kaibigan ni Clyde.
"H-Hi,"
Kakaiba ang araw na ito dahil hindi naman pinapansin ng mga kalalakihang yaon kahit ilang beses napapadaan sa pasilyo.
"Mayroon sanang gustong sabihin sa'yo si Jeffrey!" anang lalaki.
"Bakit ako?" iniumang ang sarili saka itinulak ni Clyde malapit sa'kin.
"Hindi ba ikaw ang may gustong sabihin?" ani Jeffrey sa binata ngunit tinignan lamang ni Clyde ang kaibigang tila nahintakutan naman ito kapagkadaka'y kumamot sa ulo tila nahihiya.
"Uh, gusto ka sana naming yayain sa Birthday Party ni Clyde..."
"M-Me?"
"Oo. Asahan ka namin ha? Sa darating na Sabado,"
Nagdadalawang-isip man ngunit malakas ang hatak ng pagrerebelde sa utak kaya imbis tumanggi'y oo ang naisagot.
"Talaga?"
"Yes, I'll be there on Saturday,"
"Nice. You will enjoy it for sure!"
Ngumiti lamang sa mga ito at di katagalan ay tuluyang pumasok sa classroom. Buong maghapong nililipad ang utak sa mga lessons at ilang paalala sa nalalapit na assessements kung kaya hindi masyadong malinaw ang mga detalye hanggang sa mabilis lumipas ang buong maghapong walang nakuhang kahit anong aral. Pagkarating sa bahay ay naabutan ang nobyo sa sala kasama ni Daddy ngunit imbis na pinansin ay tuluy-tuloy na umakyat sa mismong silid ni hindi pinakinggan ang pagtawag ng ginoo.
Maya-maya'y naramdaman na lamang na mayroong pumasok sa silid sapagkat pagkatapos ilapag ang mga gamit sa eskwela'y humiga kaaagad.
"Love.."
"I'm tired Lyndon. Can we talk some other time?"
"Ilang araw mo nang nire-reject yung mga tawag ko Samantha,"
"Please I have no time for drama. Who told you to come up here?" nanatiling nakahiga.
"Your Dad," simpleng sabi nito.
"Ganyan ka talaga kalakas kay Daddy, 'no? No wonder you could also control his mind because of your ability to manipulate things around you."
He deeply sighed.
"Let's settle this, Samantha. You can't just avoid me forever, please we have commitment to each other."
Naramdaman ang kamay nitong humahaplos sa'king braso tila nagpapagaam sa'king dibdib dahilan upang mas umigting ang kabiguang nararamdaman sapagkat kahit anong galit ang ipakita sa binata'y kaagad niyang natutunaw na parang yelo ang lahat. It honestly makes me more scared of the future, it makes me more afraid for my freedom. Kayang-kaya niyang ikulong sa anumang oras niya gustuhin sapagkat alipin ako ng pag-ibig ng binata. Matapang na hinarap ang lalaki ngunit napansin ang pasa sa gilid ng labi nito subalit hindi masyadong nagpahalatang nag-aalala dahil baka madala sa emosyong pilit pinipigilan.
"I'll give you seconds to talk then leave me alone,"
"But.."
"It starts now,"
"Fine" he sighed.
"What do you wanna say?"
"Why are you avoiding me? I keep on waiting you at our own mini-house for almost a week or so love. Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sa'yo para iwasan mo at kung mayroon man humihingi ako ng tawad mahal. If you think I sabotage your dream then you're wrong! I told you that I want to fulfill those dreams for you--"
"Which I don't like you to do it for me because I can do it on my own," dugtong ko
"If you want to, then you're free to do it," mahina ang boses ng binata.
"Hindi ko magagawa iyon kung palaging ipinagdidikdikan sa'kin ni Daddy na gayahin ka."
"I've already talked to your Dad--"
"You did what? When will you stop doing those things for me huh? Nagdedesisyon ka para sa'kin!"
"For me, that's the right thing to do."
"For you? How about me? Hindi mo alam kung gaano ka-control freak si Daddy! You don't even consult me with this! Baka isipin niyang ako pa ang nagtutulak sa'yong gawin ang mga bagay na 'yan!" halos manggalaiti sa galit dahil sa pakikialam ni Lyndon.
"Look, I'm so sorry love--"
"Know what? I'm tired--Can you just leave me alone?" singhal rito.
Matamang tumingin ang binata sa mga mata ko rason para iiwas ang paningin sapagkat hindi matagalan ang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata ngunit kailangan maging matigas sa pagkakataong ito.
"O-Okay, I'm sorry."
Tinalukbong ang kumot saka tuluyang lumabas ng silid. Doon lamang lumabas ang totoong emosyong sumasaloob sa mabigat na puso. Ilang minuto ang nakalipas ng marinig ang ugong ng sasakyan hanggang sa dumating ang hapunan subalit napilitan lamang makisalo sa mga magulang.
Naabutan ang amang tahimik na kumakain samantala, si Mommy ay hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Maupo ka iha,"
"O-Opo Daddy,"
"What do you want iha?" alok ng ina.
"Amanda--let her choose her viand. Matanda na siya para asikasuhin pa," maawtoridad na anas ni Harold Añorivas.
Kakaiba ang kanilang mga kilos animo may nangyaring hindi alam sa mga oras na yaon. Dahan-dahang inilapag ng ginang ang platong naglalaman ng hamonado saka tahimik na dumukwang sa sariling plato.
"It's okay Mom, I can do it on my own."
"Like what you're doing right now?" sarkastiko ang boses ng ama rason para mapatingin ng diretso sa amang patuloy na ngumunguya.
"What do you mean Dad?"
"Lyndon told me--"
"Great! It's Lyndon again. Wow! Anong sinabi sa inyo? Na nagrerebelde ako sa kanya? Na ayokong makita siya dahil katulad niyo siya, na isa rin siyang manipulator?"
"Samantha Añorivas anong karapatan mong sagut-sagutin ako sa pamamahay ko!" sigaw ng matanda.
"Nasa hapag tayo Harold--anak huwag mong sagutin ang Daddy mo ng ganyan."
"Come on Mom! Magiging sunud-sunuran na lamang ba kayo sa kanya? Don't you have your own dreams? O ito lamang ang gusto niyo sa buhay niyo? Magtago sa yaman ni Daddy?" anas sa ina.
"Huwag na huwag mong sasagutin ng ganyan ang Mommy mo!"
"And how about you? You should tell that to yourself Dad. Don't look Mom as your servant!" tumalikod sa mga ito ngunit natigilan sa mga sinabi ng ama.
"After your graduation, you'll have to marry Lyndon coz he might be a great help to our company."
"Not ours Dad. Ikaw lamang ang makikinabang diyan kaya huwag mo 'kong idadamay. I will marry someone not because you told me but because it's my own decision" pahayag ko bago tuluyang bumalik sa silid saka nagkulong doon buong gabi.