CHAPTER 18

3375 Words
ARAW NG SABADO, kasalukuyang naghahanap nang isusuot na cocktail dress para sa dadaluhang birthday party. Hindi sinabi sa kahit sinong naroroon sa mansyon ang tungkol sa lakad maging sa mga matatalik na kaibigan. I've felt so much rebellion and I think this is the first bold step of handling my own life. Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataong hindi mangingiming makipag-socialize sa ibang tao kahit walang kaalam-alam ang mga magulang at higit sa lahat, hindi mag-aalala na baka anumang oras ay darating si Manong Toby upang sunduin o di kaya patawan ng curfew na parang bata. It was already past seven in the evening and I'm planning to escape at the backdoor in the dirty kitchen likely what I did when the first time I had visited the grandparents of Lyndon. Bumuntong-hininga nang maalala ang dalawang matanda. It's been three weeks since the last time I saw them. I admit that somehow I'm longing with their presence but right now, I should prioritize my worth, I want to live with my own rules and asking for a space to breathe or just even decide for myself. Gusto kong makilala nang lubusan ang sarili, makakilala ng iba't-ibang tao o makabuo ng pagkakaibigan, nang hindi nagiging stagnant sa mga taong nakilala noon. But it doesn't mean I'm despising the friendship I've had with them, I just want something new, something I could call it my own. Dahan-dahang bumaba sa grandstaircase habang nakasuot ng cocktail saka nagmamadaling pumasok sa dirty kitchen. Sinilip ang loob dahil baka may makakitang pumupuslit sa ganitong oras. "Senyorita Samantha!" bulalas ng katiwala rason para mapaigtad sa gulat. "Manang Gina ginulat mo naman ako--Shhh!" saway sa matanda. "Saan ka pupunta Senyorita?" pabulong na anito. "Huwag kang maingay kina daddy at mommy ha? Basta may pupuntahan lamang akong party!" "P-Pero Senyorita delikado na po. Halos gabing-gabi na, bakit hindi na lamang kayo magpahatid kay Toby? Gusto mo bang ako na'ng magsabi Senyorita?" Papasok sana sa loob ang ginang ngunit kaagad siyang pinigilan. "Huwag na po Manang Gina. I'll be home early promise!" "Magagalit po ang daddy niyo," "Sabihin mo na lamang hindi mo 'ko nakita," Hindi nagawang mangatwiran ng kasambahay nang tumalilis palabas ng pinto. Kapagkadaka'y mabilis na tumawag ng taxi sa gilid nang kalsada saka tumulak patungo sa bahay ni Clyde. Ilang sandali lamang nang huminto ang taxi hanggang sa matamang tumungo sa patio. Dinig ang malakas na tawanan at tugtugan sa loob nang mismong lanai. Pagkapasok ay makikita ang ilang mga schoolmate sa XIA. Karaniwan ay pulos mga taga-ibang section o seniors ang naroroon. Naglakad mag-isa sa loob habang ang ilang kabataan ay nakamata sa'kin dahil unang beses yatang dumalo sa gano'ng klaseng pagtitipon maliban sa mga mahahalagang okasyong kasama ang matalik na kaibigang si Nana o Andy. "Well, well, look who's here--- the mighty lady of Emeritus is present in this party huh?"sumulpot sa kung saan si Blythe habang naka-krus ang braso sa dibdib. Kasama ng dalaga ang kanyang mga alipores rason para makaramdam nang takot dahil animo nanunuya at tumatawa ang mga kababaihang kasama niya, at tila lalong nabahiran ng pang-iinsulto ang mukha. "Clyde invited me--" "What? Are you dreaming huh?" she scowled. "E-Excuse me," Hinarangan ang kanyang daan kaya mas nakakuha nang atensiyon ang mga nagaganap sa'ming dalawa. "Eh kung ayoko?" pang-aalaska nito. "Anong problema mo sa'kin?" "Are you feeling threatened lost girl?" binalya siya ng babae ngunit ni hindi ako natinag sa ginagawa nila. "Hey stop it Blythe!" singhal ng lalaki na nagmula pa sa loob ng mansyon. "Clyde!" "Stop ganging up Samantha," "But-- Why you invited her? I thought you filtered all your guests?" may bahid na inis ang boses hanggang sa nagsukatan nang tingin ang dalawa tila nagkakaintindihan ang mga mata hanggang sa tuluyang nilubayan ni Blythe ang binata. "Sorry for that Sam, wanna go inside?" I just nodded and quietly followed him at the ingress. Naroon ang halos lahat ng mga kaibigan ni Clyde maging sina Jeffrey. They were all saluted when they saw me together with the celebrator. "You want some punch?" he said. "Is it hard drinks or--" "It's actually the lightest one..." pangungumbinse ng binata kaya kaagad akong napapayag. Maya-maya'y inabot ng isang junior varsity player ang alak na sinasabi ng binata. Pamilyar man dahil ka year- level ngunit hindi masyadong nakakasalubong ang lalaki. "Boss ito na," inabot nito ang alak kay Clyde. "Salamat Patrick," anito. Nakangiting ibinigay ng binata ang punch na nakalagay sa red cup. "Straight this cup for me, please?" Pinaupo siya sa gitnang bahagi nang sala kasama ng mga kaibigan ng lalaki. "Guys, Samantha will going to drink the punch straightly--just for me!" anunsiyo ng lalaki sa mga kaibigan nito rason para maghiyawan ang mga kalalakihan. "C-Clyde mapait yata masyado ang lasa..." "Are you going to dissapoint the celebrator?" nalungkot ang lalaki. "H-Hindi naman pero--" I doubtedly said. "Please drink it for me?" Kumibot ang labi ko saka isa-isa na silang nag-cheer sa'kin para lagukin nang diretso ang baso. "Drink!" "Drink!" "Go Samantha nailed it!" anila. Mayroong naghiyawang mga babae sa likuran tila nagkumpulan ang mga naroroon dahil na rin siguro sa nakukuha naming atensiyon sapagkat ang kumpol ni Clyde ang pinaka pansinin dahil bukod sa varsity players ay pulos maitsura ang mga kabarkada ng binata. "C'mon Samantha just one drink and it's all up to you if you still want to fill-up your cup," nakangisi ito. Tumingin muna sa mga panauhin saka itinaas ni Clyde ang aking kamay kapagkadaka'y nilagok nang diretso ang punch dahilan upang maghiyawan ang mga bisitang naroroon. Tila nasarapan ang aking panlasa sa pagsayad ng punch kahit medyo nahilo ay muling nanghingi sa lalaki rason para mas maghiyawan ang mga ito. "Go Samantha!" I haven't felt being the center of the crowd or the happiness they brought into my ticker. I just feel the liberty of choosing those things that would definitely excite me from living this life which is very far from manipulation. "I want more!" Mayroong nag-abot sa kanya ng punch saka niya ininom habang nakataas ang kamay. Lalong naghiyawan ang mga ito habang nakadama nang kaunting hilo sapagkat dala-dalawa na ang paningin sa mga taong naroroon ngunit wala akong ginawa kundi sulitin ang takas na kalayaang ibinigay para sa sarili. "Let's dance!" saad ko. "Woah my girl is getting wild dude" nakakalokong sabi ni Clyde. "Of course!" "Patunayan mo nga!" anito bago muling nakarinig nang hiyawan sa mga bisita. Pinalakasan ang music saka bigay na bigay ang aking pag-indayog na lalong nagpabuhay sa buong kaarawan ng lalaki. I've felt the lightness of my feet and so as my vision. I also heard murmurs, laughing and cheering me to take off my clothes thus I did without any pretensions. For the first time, I've felt so important with other people who usually didn't notice me or despising me because of one good reason: Lyndon Santiago. Tahimik ang buhay ko noon, ayos lamang sa'kin kung si Jana lamang ang palaging nasa unahan, palaging binabati o pinapansin pero nabago ang lahat mula nang makilala ang binata. Naging takaw-atensiyon ngunit hindi sa paraang gusto ko kundi palaging nasa negatibo hindi tulad ngayon na halos lahat ay mayroong tuwa sa kanilang mga mukha. Unti-unting naging malabo ang mata habang dumudoble ang paningin sa mga taong nakapalibot sa'kin. Kalauna'y umangat ang aking katawan sa ere ngunit hindi maintindihan ang kaguluhan tila may nagtatalo. "f*****g put her down George!" ani Clyde. "Kuya you will definitely get youself in trouble!" anang binata. "Ibaba mo siya sabi eh!" "No kuya. I'll bring her home!" matigas ang boses ng binata. Manhid ang aking pakiramdam sa mga nangyayari at nakuha ko pang batiin ang kaklase. "Hi classmate," hilung-hilo sa mga nainom na alak. "Samantha, what did you do to yourself? God! Lyndon Santiago will be on rage for sure." nag-aalala ang boses ng kaklase ngunit hindi masyadong nagsisink-in ang mga sinasabi nito basta ang alam lamang ay masarap sa pakiramdam ang ganitong emosyon. Maya-maya'y huminto si George sa mismong harap ng pamilyar na gate. Di katagalan ay binuhat papasok sa loob saka sinalubong ni Manang Gina ngunit hanggang doon na lamang ang naabutan bago mawalan ng ulirat. ** "BAKIT HINDI PA RIN SIYA GUMIGISING, HAROLD?" nauulinagan ang nag-aalalang boses ng ina hanggang sa tuluyang bumukas ang mata. Medyo nananakit ang ulo ngunit hindi alintana iyon sapagkat ang mas natuunan nang pansin ay ang nakatunghay na magulang sa gilid ng higaan. Naroroon din ang family doctor maging si Lyndon na mababakas ang kaseryosohan sa mukha. George was merely standing at the corner and he has a little bruises in his stride lips. "A-Anong nangyari?" "My god anak mabuti at gising kana?" dinaluhong nang yakap ng kanyang ina. "What you did is such a total disgrace to me and to our family. Anong sasabihin ng mga nakakita sa'yo? How about the image of your boyfriend, Samantha!" singhal ni Harold Añorivas. "Psh. Ni hindi niyo man lamang tinanong kung kumusta ako? Imahe niyo kaagad ang naisip niyo?" sarkastikong saad sa ama. "Aba't walanghiya kang sumagot! Hindi namin kasalanan kung tumakas ka o umalis ka nang walang paalam." inambahan ng matanda ngunit pinigilan ng ina. "Harold tama na, may sakit ang anak mo ngayon," Padarag na bumitaw ang ginoo saka lumabas ng kanyang silid ngunit hindi ako natinag o nabahala di katulad noon na halos mangatog sa takot dahil sa ama. "Leave me alone please..." anunsiyo sa mga taong natira sa kwarto, kapagkadaka'y tinapik ni George ang balikat ni Lyndon bago tuluyang lumabas ng silid ang lalaki. "Pasensiya ka na, S-Samantha.." ani George. Samantala, madilim ang mukha ng binata ngunit kanina pa siya walang kibo, animo nakaramdam ang ina kaya nagpaalam muna ang ginang rason para maiwan kaming dalawa sa kwarto. I wasn't able to look at him straightly in his eyes maybe because I feel so guilty for what happened but it doesn't mean I'm going to bend my principles on aiming my freedom alone. "K-Kung sisisihin mo rin ako o huhusgahan tulad ni Daddy wala akong panahon makinig kung gaano kayo kagaling magpatakbo ng buhay niyo," I scornfully asserted. "Did I give you less?" marahan ang pagkakasabi ni Lyndon kung kaya natigilan. "Samantha, sabihin mo sa'kin kung nakulangan ba 'ko? Hindi ba kita napasaya o di ko natupad ang mga pinangako ko sa'yo na tutulungan kitang tuparin ang mga pangarap mo?" his bloodshot eyes was merely obvious. Kitang-kita ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha ngunit masyado siguro akong mataas ang pride dahilan upang hindi pansinin kung gaano nakakasakit sa mga oras na iyon. "Look Lyndon, stop these drama of yours. Hindi tungkol sa'yo kung bakit ako nagkakaganito, tungkol ito sa pagkakaroon ko nang kakayahang magdesisyon para sa sarili ko." He sullenly smiled at me. "Dumating na ang kinatatakutan ko noon. You will find yourself alone, without me, you will realize that you need to explore the world without me. You want to grow apart from me and I'm ready to give you that, but don't just make haste. Not right now, please?" he pleaded. "Lyndon, I just want to be alone," aniya sa binata. "Ganoon na lamang 'yon? I gave you everything Sam, you promised me that you will never changed your mind, your feelings. Masyado siguro akong naniwala, ni hindi ko naisip na salitang-bata lamang ang mga narinig ko sayo noon," Marahas na lumingon sa lalaki dahil sa mga narinig mula rito. "People changed Lyndon and you have to accept the bitter reality whether you like it or not!" "Change for the better not for the bitter bubbly girl." he corrected me. "How dare you say that!" singhal ko rito. "You think what you did last night were responsible gestures?" nagtagis ang bagang ng lalaki ngunit hindi ako nagpapahalatang nadadala sa takot. "You're not my father nor part of my primary kinsfolk. You're just my boyfriend..." huli na bago ma-realize ang mga nasabi sa binata na siyang nagpabigat sa sitwasyon. "Just...just your boyfriend. Kapag may kailangan ka, kapag hindi mo na kaya yan lamang ang tingin mo?" Nanahimik ng ilang minuto ngunit walang maisip na isagot sa binata kaya hinintay na lamang na si Lyndon ang kusang lumabas ng silid. "Umalis ka muna nakikiusap ako..." The man quietly got outside the room without even a word coming from him. Doon bumuhos ang emosyon at pag-iyak dahil sa mga nangyayari sa buhay. KINABUKASAN AY MAAGANG PUMASOK subalit pagtungo pa lamang sa hallway ay kanya-kanyang tinginan ang nangyayari sa loob. Bawat madaanan ay mayroong kakaibang awra sa mga estudyante. "Siya ba yon?" anang isa. "Oo, malinaw naman kahit medyo madilim." bulong nito. Napatingin sa dalawa kaya nagkunwaring hindi nag-uusap kapagkadaka'y iniiwasan ako. Nang makarating sa loob ng classroom ay mas natahimik ang mga kaklase hindi lamang sina Hailey at Matthew kundi maging si George ay tila lumiban ngayong araw. Nagpasyang lumapit sa dalawa upang batiin sila habang ang mga katabi ay nagbubulungan sa gilid. I'd felt a bit of perplexion from their actions though I just ignored them. "Hi Hailey!" "S-Samantha, kumusta?" "I'm fine..." I smiled at her. Nagkatinginan sina Matthew at Hailey tila nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. "What's wrong with them? They're staring at me when I was walking at the hallway earlier?" I whispered. "Kasi..." anang dalaga. "Someone sent us a video earlier." nangingimi naman si Matthew. "What video?" A pang of nervousness was actually eating my whole being. Tumunog ang phone na hawak saka nag-register sa ID caller ang pangalan ni Jana kaya nagmamadaling sinagot ang tawag. "H-Hello?" "Thank god you finally answered it! Nasaan ka best?" "N-Nasa XIA. " "Don't go there yet please!" nara-rattle ang boses nito. "Anong problema?" mas kinabahan sa sinasabi ni Jana. "The video, god Samantha!" "Anong video? Pakisabi sa'kin ng diretso nakikiusap ako!" tumaas na ang boses sa kausap kalauna'y inagaw ang phone ni Matthew upang alamin kung anong video ang tinutukoy ng mga kaibigan. "S-Samantha, Kuya Lyndon is doing his very best to remove all your videos..." imporma ni Matthew. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang phone ni Matthew kung saan makikita ang sariling nagsasayaw ng half-naked sa ibabaw ng mesa habang ang mga seniors at ilang taga-XIA ay pinagpipyestahan ang ginagawang kalokohan sa gitna. Biglang sumulpot si George dahil sinasaway nito si Clyde na kapatid ng binata. Makikita ring pinutol nang kumuha ng video ang eksenang binuhat ni George palabas ng mansyon nila. Naitakip ang bibig sa sobrang kaba hanggang sa inabot kay Matthew ang phone at nagmamadaling tumakbo palabas ng pinto kahit ekasaktong papasok si Ms. Linares sa classroom. I didn't crane my head eventhough the professor called out my name. I ran at the aisle and can't even figure out what was happening in my surroundings. Nakikita ko ang ibang nagbubulungan at nagtatawanan maging si Blythe ay itinaas ang kamay sa kanyang noo na ang ibig sabihin ay "LOSER" saka ito nakipagtawanan sa mga kasamahang kapwa kasali sa cheering squad. Namalisbis ang luha sa mata saka tumakbo patungo sa labasan. Nagmamadaling lumulan sa taxi palayo sa eskwela ngunit habang daan ay mayroong nag-sent sa e-mail ng video. Tadtad ng mensahe ang aking inbox maging sa mga socmed na gamit. Napahagulgol sa tindi ng kahihiyang nararanasan saka nanginginig na pinindot ang play button ng video, halos hindi makilala ang sarili sa ginagawang kalaswaan ngunit ang mas nakakatakot ay ang kahihiyang nadala sa magulang at kay Lyndon. Comment: She's a w***e! Comment: I dunno if why Lyndon make patol with that girl! Comment: She's a certified fame w***e and slut! Maraming angry reactions habang ang iba'y sad reacts miski ang mga kaibigan ay halos sunud-sunod ang mensahe rason para i-off ang phone at tuluyang takpan ang buong mukha dahil sa kahihiyan. "Miss, saan po tayo?" "Ituturo ko na lamang po ang daan," panay ang hikbi. Nakatulala sa bintana bagamat nag-aalala sa mga nangyayari ay walang magagawa kundi harapin ang kinasadlakan. Ilang minutong tinahak ni manong ang boundary ng Alabang at Cavite saka lumiko sa isang kanto. "D-Dito na lamang po..." Inabot ang bayad saka tuluy-tuloy na pumasok sa tagong hardin, kapagkadaka'y sumalubong ang tahimik na mini-house tila matagal nang hindi nalilinis dahil isang buwan na halos hindi nakatuntong sa biniling bahay ni Lyndon. Pumasok sa loob at nasorpresa sa nabungarang set-up na tila matagal nang nakahanda sapagkat halos natutuyo na ang mga petals na nakakalat sa sahig. Doon mas nabalong ng luha ang mata lalo't nakita ang nakasulat sa personalized tarpaulin na "Happy Anniversary Love" it was the day when I joined the Art Competition ngunit mas piniling hindi siya kausapin. Tila ngayon lamang  nagsisink-in o naaalala ang mga pagkakamaling nagawa sa lalaki. "I really don't deserve you, my love..." Anong mukhang maihaharap sa lalaki ngayong nagkapatung-patong ang gulong nilikha sa loob lamang ng maikling panahon? Ayokong madamay o mahila ang pangalang iniingatan ng nobyo nang dahil lamang sa kapalpakan ko. I couldn't barely walk but I'd rather go away in this magical place with having a shattered heart rather than to stay here and ruined every beautiful moment we created in this piece of land. Kahit hindi alam ang tungo ay maghapong naglakad sa kalsada, inisip ang mga hakbang na gagawin. Masakit man sa'kin ang nabuong pasya ngunit aaminin sa sariling takot...takot akong ipaglaban ang pag-ibig na hindi kailanman karapat-dapat para sa'kin. I don't really deserve his kindness, his gentleness and most especially him. ALA-SAIS NG HAPON bago nagpasyang umuwi sa mansyon subalit kaagad sinalubong ni Manang Gina. "Jusko senyorita, nagkakagulo na po kanina pa sa loob dahil nalaman ng Daddy niyo ang mga nangyari sa eskwela---" "Let me face it Manang..." "P-pero galit na galit--" Hindi na inintindi ang sinasabi ng kasambahay saka walang ganang pumasok sa main door. Nadatnan ang mga magulang maging si Lyndon sa sala habang tila hindi mapakali ang mga itsura subalit kaagad silang tumayo nang makita nila 'ko. "A-anak..." "Mom," Akmang yayakap ang ina ngunit ang sumalubong sa'kin ay matunog na sampal mula sa ama kung kaya nasapo ang pisngi sa sakit nang ginawa nito dahilan upang mapasinghap si mommy at kaagad na pinigilan si Daddy. "How can you do this to us Samantha!" dumagundong ang sigaw nito. "S-Sorry daddy..." "Iyan ba ang sinasabi mong desisyon ha?" her father furiously sighed. "D-daddy," "Sabihin mo sa'kin kung anong pagkukulang namin bilang magulang, Samantha!" mababakas ang pait sa kanyang emosyon ngunit sa tindi ng hinanakit magmula pagkabata'y tuluyang humulagpos ang emosyon. "No Dad, in fact you're too much. Too much for me. You controlled my life over and over for almost half of it. Hindi mo na ko hinayaang makapili ng gusto ko, nang mga taong mamahalin ko o kaya sinuportahan sa kung anong makakapagpasaya sa'kin. This time you don't have any control over me coz' I have decided to live my own. I wanna go to other places and explore my potentials or, or create my own name," "And you think you could do that huh?" he sarcastically said. "Enough Harold!" "Huwag kang makialam rito Amanda!" duro ni daddy sa ina. "May pakialam ako dahil anak ko ang pinag-uusapan natin. Matagal akong nanahimik at palaging sumusunod sa kung anumang gusto mo para sa anak natin. But I think you're being too much with her Harold. She's our daughter and not your f*****g employee!" Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng matandang lalaki dahil sa sinabi ng ina ngunit sa kabilang banda'y natuwa sa pagtindig nito para sa'kin. "I hope that you couldn't regret those things you have said. Sige hahayaan kitang manirahan mag-isa sa kung saan mo gustong tumira, pero wala kang aasahan sa'king kahit anong tulong..." Harold Añorivas look so upset before he went outside the mansion maybe to burst out his angst towards me. Sinundan ito ni mommy kung kaya naiwan kaming dalawa ni Lyndon sa sala. I can't formulate any words but one thing is for sure, I have to ask an apology for everything I did to him because he simply doesn't deserve all the shits I made for the past months that we've been together as a couple. "L-Lyndon let's talk..." "I'm always here to lend my ears love," he softly said. "No please, don't be too kind to me coz' I don't deserve you." nahihirapan ang kalooban sa nais sabihin sa lalaki. But one thing is for sure: We have to sacrifice the things that we value the most, in order for us to get the true freedom we deserve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD